Chapter 2 - Shopping

1 0 0
                                    

Chapter 2 - Shopping

Dennise POV

Nagising ako ng 8:37. Nagayos muna ako ng sarili at bumaba na. Nakita ko sila Kuya Lance at Adrian tska si Mommy sa living room. Nanunuod sila ng tv. Napansin naman ako ni Mommy.

"Your already awake. Good morning baby" Sabay kiss niya sakin. Binati ko din naman si Mommy. 'Baby' talaga tawag nila sakin :3

"Good morning Mom"

"Good morning Baby Den"sabi ni kuya Lance at Kuya Adrian.

"Good morning Kuya Lance and Kuya Adrian" kiniss ko sila sa cheeks at umupo sa gitna nila. Nanunuod kasi sila ng balita.

"Ma'am nakahanda na po yung breakfast niyo" sabi nung maid namin kaya pumunta na kami dun. Kumain kami. Wala padin si Daddy ang alam ko bukas ng gabi ang uwi niya. Pagkatapos namin kumain tumaas na ako sa room ko at nagpahinga ng konti. 9:40 na pala. Naligo na ko. After ko maligo ng nagbihis na ko. Sinuot ko yung pink skirt ko then white top, at flat shoes. Nagayos na din ako ng sarili ko at kinuha ko yung shoulder bag ko. Bumaba na ako at nakita ko si Mommy na ready na.

"Let's go Mommy?" nag nod naman siya. Wala daw si Kuya Lance at Kuya Adrian. Kaaalis lang daw.

Sumakay na kami sa kotse. Nasa likod kaming dalwa ni Mommy. Kinuha ko naman yung Iphone ko. I text my Kuya's

To: Kuya Adrian, Kuya Lance

         Kuya! Umalis na nga pala kami ni Mommy. Asan po ba kayo? Ingat na lang po kayong mga Mahal na Mahal kong Brothers ;) Lavyah! :* <3

*Send*

*Beep* *Beep*

From: Kuya Adrian

             Sige, Kayo din magingat. Kasama ko ang Kuya Lance mo. Nagpunta lang kami sa photoshoot nya. Haha! Sinamahan ko na nakakatamad kasi sa bahay. Haha! Sige na :) Bye :) kitakits na lang mamaya sa bahay :) Uwi ko ah? :P Lovelots :))

Matapos kong basahin iyon ay hindi ko na siya nireplayan. Oo nga pala! Di ko pa nasasabi sa inyo. Ang Kuya Lance ko ay isa ding model. Gwapo eh. Hahaha!

*After an hour*

Nakarating na kami ni mommy sa mall. Pumunta kami sa favorite kong boutique. Madami din akong nahanap. mga 6 na paper bags yun. Binigay ko sa body guard na kasama namin. Then pumunta kami sa isang Spa. NagpaSpa si Mommy.

"Mom. Iikot lang ako ha? See you later!" Kiniss ko siya sa cheecks niya.

Pinadala sakin ni mommy yung isang naming bobyguard. Nagikot muna ako sa mall then bumili uli ng damit. Pagkatapos ng isang oras na pagiikot bumalik na din ako. Buti naman at tapos na si mommy.

"Let's go baby. Let's eat muna ha?" nag nod naman ako. Yeeess! Kakain naaaaaa! Gosh nagutom ako dun.  So pumunta kami sa isang restaurant.

"Good afternoon Ma'am" pumasok na kami at umupo na.

"Ma'am here's our menu" sabi nung waiter sabay bigay samin nung menu. Pagkatapos ko pumili sanabi ko na yung order ko.

"Ma'am yun lang po?" um-oo naman si mommy. Then umalis na yung waiter. Kinuha ko yung Iphone ko at nagselfie muna kami ni mommy. Mahilig kami ni mommy sa Selfie. Minsan nga napagkakamalang magkapatid kami eh. Ang ganda kasi ni mommy parang walang anak. Hahaha! Nang makarating na ung order namin. Kumain na kami. Then nung matapos kami kumain nagcr muna ako. Nagretouch ako. Naglagay ng lip blam. Ok na!

"Perfect!" pabulong kong sabi pagkatapos umalis na ako at umalis na din ako ni mommy. Nagikot pa kami saglit at may nakita akong boutique. Pumasok ako, si mommy nasa ibang boutique. May naisip kasi ako ee. Naghanap lang ako then may nakita akong t-shirt na nakalagay..

I LOVE MY FAMILY nakalagay yun sa loob ng red heart. So binili ko siya bale 5 ganun. Then lumabas na ako. Nakita ko naman si mommy na naghihintay.

"Mommy. Wait mo ko dito ah? Gusto ko lang bumili ng chocolates." sabi ko kay mommy.

"Sure baby. Bilisan mo ah?" nag nod naman ako at bumili muna ng chocolates. Mahilig kasi kami ni Kuya Lance at Kuya Adrian sa chocolates so yun na lang yung iuuwi ko. May nakita din akong Chocolate cake binili ko na din siya. Pagkatapos ko bumili ay lumabas na ako at nakita ko si mommy na naghihintay then umuwi na kami. Ang dami kong nabili ngayon. Nakakapagod. Gezz! Nagsoundtrip naman ako at sumandal.

*Beep* *Beep*

From: Kuya Lance

           Baby, Nakauwi na kami ng Kuya Adrian mo. Ingat kayo dyan ah? Uwi ko ha? Wag mo kakalimutan :) :P :D Loveyou:*

Owkay! Nakauwi na pala sila so kami na lang ang hindi. Anong oras na ba? Tinignan ko yung relo ko, it's already 6:39 pm. I replied to Kuya.

To: Kuya Lance

           Ang aga niyo nakauwi ah? Hahaha! Sigi po magiingat kami:) Pauwi nabden kami eh. Waot niyo lang ang pasalubong ko sa inyo ni Kuya Adrian ;) Lavyahtu! :* <3

*Send*

*Afer an hour*

Whooo! Nakarating din! Tumaas muna ako at pinataas ko na din yung napakadami kong paper bags. Inayos ko muna yun at nagbihis na din ako. Then bumaba ako daladala yung mga chocolates namin. Wala pala sila dun. So tumaas uli ako at alam kong magkasama sila sa kwarto ni kuya Lance.

"Kuya Lance! Kuya Adrian! I have something for us!" sabay pasok ko. Sila naman excited na! Whahaha!

"What's that?" Kuya Lance

"Hey! Where's mine?" kuya Adrian

"Tadaaaaan! Hahaha! Our favorite! Chocolates!!!" sabi ko sabay sampa sa kama.

"Thank you lil sis!" sabi ni Kuya Adrian ng sobrang saya.

"Tagal ko ng hindi nakakakain nito. Namiss ko ang Chocolates <3" sabi naman ni Kuya Lance. Kinain namin yun at kwento ng kwento si kuya Adrian tungkol sa mga nangyari kanina. Hangang sa mapagod kami at pumunta na ko sa kwarto ko. Nagcr muna ako para magbrush ng teeth ko. Then natulog na ko.

----

A/N : Yan po munnnaaa :) Hehehe! Sana magustuhan niyo :)

Vote and Comment po kayo :))

-XoXoFranceXoXo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving You Is Like BreathingWhere stories live. Discover now