iv

101 0 0
                                    

Bukas ang unang araw ko sa unibersidad na aking pinasukan. Kailangan kong aralin ang mga dapat kong ituro at ipagawa sa kanila kaya naman umuwi rin ako ilang saglit lang pagkatapos umalis ni Olivia.

Hindi talaga pumalya ang hagdan patungo sa 1006 na ipaalala sa akin na tumatanda na ako. Tatlumpu't dalawang taong gulang, siyang tunay. Napailing na lamang ako dahil wala naman akong ibang magagawa kundi akyatin ito.

Malayo pa lamang sa pinto ng aking tinutuluyan ay naririnig ko na ang boses ni Mrs. Laroza, ngunit di gaya noong una hindi ito matinis at marahan. Matinis ito na nakaririndi. Tila boses ng isang inang hindi alam kung saan ibubunton ang panggagalaiti.

"Nasaan ba siya? Hindi mo ba alam na ako ang dapat na kasama niya?"

"Kaninang alas diyes kami nagpunta sa simbahan, bigla na lamang nawala?!"

Nag-aalangan man ay marahan kong binuksan ang pinto. Doon ay nakita ko si Mrs. Laroza nagsisisigaw sa kanyang kausap sa kabilang linya ng telepono. Namumula ang mukha hanggang leeg, halos lumabas na ang ugat nito sa bahaging iyon.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-aala? Mga punyeta!"

"Sabihin mo sa kanya, pumarito na siya! Kundi ay hindi ako magdadalawang isip na itapon ang mga gamit niya sa labas at doon na siya matulog!"

Napangiwi ako, hindi dahil sa kaniyang sinabi ngunit sa tono nang kaniyang pananalita, ipit na ipit ang tinis ng kaniyang boses. Halos masira na rin ang telepono ng ibaba niya ito. Napahawak siya sa kaniyang sintido sabay napalingon sa akin.

"Mr. Rey."

Aligagang nagbago ang kaniyang timpla ng makita niya ako. Lumambing muli ang boses ngunit mapula pa rin ang mukha at leeg, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa galit o sa hiya.

"Ah, ang batang iyon. Tumakas na naman sa kalagitnaan ng sermon." sabi nito, palakad-lakad paikot ng sala.

Nanatili lamang ako nakatayo habang nagtatanggal ng coat, at sapatos. Si Olivia, pauwi na kaya siya?

"Hindi ko alam kung ganyan na ba ang mga kabataan ngayon? Sadyang matitigas ang ulo. O 'di kaya'y si Olivia lang ang bukod tanging ganoon?" matapos ang ilang paikot-ikot ay naupo siya sa sofa na kagaya ng sa loby ay butas-butas na.

Si Olivia, bukod tangi siya.

"Dahil tumawag ka, Mrs. Laroza, paniguradong nagmamadali na iyon pauwi. Matayog pa ang araw, hayaan mo munang magpakabata si Olivia." saad ko sa pinakamalamyos na paraan.

Tinalikuran ko na siya, patungo na ako sa aking kwarto nang bigla itong nagsalita,

"Ah, Mr. Rey...." paglingon ko'y nasa harapan ko na siya. "Ipagpaumanhin mo ang tono ng pananalita ko kanina sa telepono." ilang ang kaniyang mga matang tila nagpapaawa. "Nag-aalala lamang ako sa aking anak."

Tumango sabay ngiti. "Wala naman pong problema doon, Mrs. Laroza." Maging ako'y nais nang makauwi si Olivia.

Inaya pa niya akong kumain ng tanghalian ngunit tumanggi ako. Tuluyan na sana akong papasok sa aking kwarto nang hawakan niya ang akin balikat. May diin ito kaya't napabaling ako sa kaniya.

"Sa tingin ko'y makabubuting magsalo na tayo sa pagkain, hindi man ngayon ay sa mga susunod." ngumisi ito. "Bukod sa malaking tulong ito dahil makatitipid ka'y hindi ka magsisisi sa mga luto ko. Sabihin mo lamang ang gusto mo kainin ay ipagluluto kita." humagod ang kanyang kamay mula balikat pababa ng aking braso.

Sinundan ko ng tingin ang kaniyang kamay, nang huminto iyon sa aking palad ay napatingin akong muli sa kaniyang mga mata. Mapusyaw na kulay itim. Mga matang may bakas na ng kantandaan dahil sa mga linya nito, ganoon rin maging ang kaniyang noo at gilid ng mga labi. Kulot na mga buhok. Nanatiling maputi at balingkinitan ang kaniyang katawan. Ngunit walang sinuman ang papantay sa babaeng bigla na lamang ibinalibag ang pinto at pumasok sa loob ng apartment. Hinampas nito ang braso ng kaniyang ina na noo'y nakahawak din sa aking palad.

"Hindi siya komportable sa mga ginagawa mo."

Napatalon sa gulat si Mrs. Laroza habang akong hindi gumalaw sa pagkamangha sa kanya. Kunot ang noo nitong nakatitig sa ina. Naalimpungatan naman ako nang bigla siyang sinampal nito.

"Bastos ka!"

Nangunot ang aking noo, wala akong nagawa kundi tingnan ang mga pangyayari. Totoo bang pinigil ni Olivia ang kaniyang ina? Tama ba ang hinuha ko? Ayaw ba niyang may ibang hahaplos sa aking mga kamay?

Hinila siya ng kaniya ina at halos ibalibag sa sofa tsaka sinermunan ng kung anu-ano pa. Palihim itong ngumiti sa akin at sino ba naman ako para hindi ngumiti ng pabalik?

Sa wakas ay natapos ko na ang mga kailangan kong aralin at planado na ang mga ipagagawa ko sa mga magiging estudyante ko bukas. Iniligpit ko ang mga materyales sa pagtuturo at sandaling nagmunimuni.

Totoong ang tanging naiisip ko na lamang ngayon ay kung paanong pinigil ni Olivia ang kaniyang ina. Naghuhumarendo ang aking kalamanan sa tuwing naalala ko ang mga ngiting tila sa akin niya lamang ipinamamalas.

Napatakim ako sa aking mga labi habang nakapalumbaba sa aking lamesa sa gitna nang pag-iisip kung ano ang pakiramdam nang mahalikan siya. Hinaplos ko ang aking braso at inisip kung gaano kabanayad ang kaniyang balat. Hinawi ko ang aking buhok at inisip kung gaano kalambot ang kaniya, maging ang amoy nito.

Napabuntong hininga ako. Nababaliw na ako, Olivia. Hindi ako tinitigilan ng mga pantasyang umiikot lamang sa iyon.

Paulit-ulit ko nang tinatakpan ang aking mukha at hinahagod ang aking buhok, sabayan ng malalim na paghinga at mariing pagpikit upang tanggalin sa isip ko si Olivia ngunit hindi ako nagtatagumpay. Bagkus patuloy ang hindi maipaliwanag na kiliti sa aking kalamnan na bumabalot sa buo kong katawan.

"Isa kang guro?"

Halos mapasigaw na ako sa gulat nang marinig ko ang tinig niya. Malamyos ngunit may pagkamalalim ang mga ito. Nakatayo siya sa pinto sa pagitan ng aming mga kwarto. Doo'y una kong nasilayan ang kaniyang kwarto mula sa maliit na siwang dahil sa pagkabukas nito. Puno ng kulay rosas, mula sa pader maging ang kaniyang kobre kama.

At ang pinakamahalagang muli kong nasilayan, si Olivia. Suot pa rin ang bardot at palda mula kaninang umaga.

"Ah, oo. Ingles ang tinuturo ko."

Ngumiti ito. "English." pumasok siyang tuluyan sa loob nito, sinara niya ang pinto sa pagitan at dumiretso sa aking kama.

Mabuti na lamang ay napagpag ko iyon bago ako umalis kanina.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa lahat ng kaniyang kinikilos at sinasabi. Ibang-iba ang mahikang mayroon si Olivia.

"Balita ko sa unibersidad? Malapit lamang dito?"

Tumango ako, nanatiling nakangiti at hindi inaalis ang paningin ko sa kanya.

"Aling unibersidad?"

"Sto. Tomas." mabilis kong tugon na tila mas lalong ikinangisi ng kaniyang mga labi.

"Alam mo, hindi ako kagalingan sa English. Pwede mo akong turuan?" tumaas ang dalawa niyong kilay na tila nanghihingi ng permiso.

Humiga siya sa aking kama na siyang dahilan kung bakit bigla akong napatayo sa aking kinauupuan. "Alam mo, Olivia, baka magalit ang iyong ina kapag nalamang narito ka. Kung gusto mo, ipaalam mo sa kaniya ang pagpapaturo mo sa akin kung desidido ka."

Hindi ko alam ang reaksyong dapat kong ipamalas ngunit sa pagkakataong iyon naglaban ang kagustuhan kong totohanin ang kaninang pantasya ko lamang tungkol sa kaniya at ang paalisin siyang tuluyan sa kwarto dahil sa takot na mahuli siya dito.

Bago pa man ako muling magsalita ay umalingawngaw na ang boses ni Mrs. Laroza mula sa labas ng aking kwarto.

"Olivia?!"

Napatalon si Olivia at dali-daling bumalik sa kaniyang kwarto at isinara ang pinto sa pagitan namin.

oliviaWhere stories live. Discover now