v.

92 1 0
                                    

"Isama mo sa pagligo ang iyong buhok, Olivia! Mag-iisang buwan na mula noong huli kitang nakitang naligo kasama ang buhok mo! Tingnan mo't napakalagkit na ng mga iyan!"

Paglabas ko ng aking kwarto, una kong nasilayan si Mrs. Laroza na nakapamewang habang nagluluto ng agahan. Nakabistidang puti at magulong nakatali ang buhok.

"Maganda umaga." bati ko sa kanya tsaka naglakad patungo sa pinto upang doon magsuot ng sapatos.

"Mr. Rey, good morning!" napatingin ako sa kanya, agad niyang pinatay ang kalan at naghugas ng kamay. "Luto na ang agahan, halika't saluhan mo ako."

Napatigil ako sa pagsusuot at tuluyang bumaling sa kaniya. "Ang iyong anak ba hindi pa kakain?" tanong ko dahil ang sabi lamang niya ay sabayan ko siya.

"Ah," kumuha siya ng dalawang pares ng mga kubyertos. Kapansin-pansin ang maganda detalye ng mga platong may disensyong bulaklak sa paikot nito. Ang mga baso'y may gintong disenyong paikot din sa bandang pwetan at ang mga kutsara't tinidor ay kumikislap sa linis. "Nagsisimula pa lamang siyang maligo. Ang batang iyon, ang hirap hilain patungong kubeta." naglapag siya ng sinangag, itlog at hotdog. "Hindi ko mawari kung tao ba o aso ang anak ko." tumungo siya sa takureng nagsusumigaw na sa init. "Nais mo ba ng kape? 'Wag mo sanang tanggihan ang alok ko sa pagkakataong ito."

Nginitian ko si Mrs. Laroza. Inayos ko ang aking sapatos tsaka pumunta sa lamesa at umupo. Hindi ko tatanggihan ang pagkaing kaniyang alok, ang tatanggihan ko lamang ay ang makasalo siya ng mag-isa. "Salamat sa pagkain, Mrs. Laroza." sambit ko tsaka kumain ng mabilis habang siya'y nakatalikod at abala sa pagtitimpla ng kape.

"Mabuti naman at hindi ka tumanggi Mr. Rey." magiliw siyang nagsasalita habang nagtitimpla. "Sa tingin ko'y masyadong pormal ang tawagin akong Mrs. Laroza, maaari mo akong tawaging Lourdes o kaya naman ay Lou, tawag sakin ng namayapang Mr. Laroza." sabi nito, at sa pagkakataong iyon, nag-iba ang tono ng kaniyang boses, mas may lambing ito at matinis. Hindi ba niya alam na kailanman ay hindi mo maakit ang isang taong ayaw magpaakit? Nang sinipat ko siya'y hinahalo na niya ang kape. "Anong maaari kong itawag sa iyo?"

Pagkatapos ng huli kong subo ng kanin at itlog, doon ako nagsalita, "Darwin."

Sakto ang pagharap niya sa hapag kainan at ako'y nakatayo nang pinapagpag at inaayos ang suot kong coat. Kailanman ay hindi kita tatawaging Lou. Nanlaki ang mga mata ni Lourdes at napahinto hawak sa magkabilang kamay ang dalawang tasa ng kape. Ngiti lamang ang naisukli ko. "Tila nagmamadali ang aking tenant?" ngumiti siya ngunit bakas ang pagkapeke nito. "Ang iyong kape." sabi niya nang ilapag nito ang isang tasa sa aking harapan. Agad ko iyong inubos.

Kung hindi si Olivia ang una kong masisilayan ngayon araw, mamarapatin ko na ring hindi ang kaniyang ina ang una kong makakasama.

"Salamat pong muli, mauuna na ako." walang anu-ano pa't umalis na ako agad doon.

Hindi ko kailanman ginusto ang magkaroon ng romantikong relasyon sa mga katulad ni Lourdes, hindi ko kailan man maatim ang makasama ang katulad niyang tila nalilipasan na ng panahon. Marami nang linyang nagpapakita ng kaniyang edad ang kaniyang balat. Ang kaniyang kilos ay hindi na naayon para sa aking panlasa maging ang kaniyang ugali't pananalita.

Kung may gusto man akong makapareha, iyon ay isang anghel na siyang makapagpapakalma sa mala-demonyo kong pagkatao. Ang siyang madadala ng init sa matagal nang nanlamig. Ang siyang maghahatid ng langit sa lupang tila naging impyerno na sa paglipas ng panahon. Siyang magbibigay kulay at halimuyak ng gaya ng mga bulaklak sa tulad kong nilalamon na ng lupa. Ang magpaparamdam sa akin ng kailanman ay hindi ko pa naranasan.

Olivia.  Ang ligaya sa pagitan ng lungkot.

"Good morning!" bati ko sa unang klaseng aking pinasukan. Sa unang tingin ay aakalain mong puro lalaki ang nasa kanilang silid ngunit may mangilan-ngilan ding babae ang naroon. Palagay ko'y mula disi-otso hanggang bente anyos na sila sapagkat kolehiyo na ang mga ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

oliviaWhere stories live. Discover now