Kabanata 10

2.8K 44 3
                                    

Naka-higa si Margaux sa kaniyang kama. Tulala. Natuyo na ang luha mula sa kaniyang mga mata.

Kanina pa siya umiiyak, ngunit hindi pa rin siya bumabangon.

Nandito na pa rin siya sa kaniyang kama at pinapakiramdaman at iniisip ang lahat ng mga bagay sa kaniyang buhay ngayon.

Iniisip niya na paano kaya kung malaman ito ng kaniyang ina?

Paano kaya kung malaman ito ng kaniyang mga magulang?

Ano kaya ang gagawin nila sa kaniya? Ano kaya ang gagawin nila sa kaniyang anak?

Sobrang komplikado ng lahat. Hindi makapag-isip si Margaux kung ano ang magandang gawin.

Hindi nalang para sa kaniya ang mga desisyon na gagawin niya mula ngayon.

May nabubuhay na ring sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Tumayo na si Margaux sa kaniyang kama at nag-handa na para sa panibagong araw. Panibagong araw, panibagong pag-harap sa mga pagsubok na kaniyang haharapin.

Wala na ang kaniyang mga magulang pagbaba niya. Wala naman na siyang pakialam kaya nag-handa nalang siya para makapasok na siya.

Pagkatapos niyang mag-handa at kumain, umalis na siya ng kanilang bahay dahil mahuhuli na siya sa klase.

"Oh. How are you feeling?" Tanong ni Hayley pagkarating ni Margaux sa kanilang room. Huminga naman si Margaux ng malalim bago sumagot.

"I'm fine." Sabi niya tapos umupo. Kabaliktaran ng kaniyang nararamdaman ang kaniyang sinabi.

Hindi maayos ang kaniyang pakiramdam ngayon at gulong-gulo pa rin siya.

"Hays. Alam kong may tinatago ka sakin, Margaux, but you can always tell it to me. Hindi ko kailangang itago 'yan. Whenever you need me, I'm just here. Nandito lang ako palagi para sayo." Muntik nang maluha si Margaux sa sinabi ni Hayley dahil kailangan na kailangan niya ito ngayon.

"Thank you." Nginitian nj Margaux si Hayley.

Ilang saglit pa, pumasok si Vanessa kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Agad niyang tiningnan si Margaux at nakaramdam si Margaux ng kaba. Alam na niyang buntis siya ngayon at pinaghihinalaan siya ni Vanessa.

Tahimik na umupo si Vanessa at hindi na tiningnan si Margaux. Nakahinga ng maluwag si Margaux dahil wala na sa kaniya ang atensiyon ni Vanessa ngayon.

Noong vacant na nila, dumiretso sila Margaux sa cafeteria. Nakita niya si Hayden ngunit hindi na ito lumapit sa kaniya. Nanatili lang itong nakatingin sa kanila hanggang sa makaupo siya.

Para bang alalang-alala ang mukha ni Hayden, pinipigilan niya lang ang kaniyang sarili na lumapit kay Margaux.

Habang kumakain sila Margaux, pansin ni Hayley ang katahimikan nito. Nakiupo na rin sa kanila ang iba pang mga kaibigan nila at nag-simula nang umingay sa kanilang lamesa.

"Margaux, sa library na tayo." Sabi ng kanilang kaibigan na si Tiff. Tumango naman si Margaux at nag-simula nang maglakad kasama nila.

Muli, nakita ni Margaux na nakatingin sa kaniya si Hayden.

Nang makalabas sila ng cafeteria, hinawakan ni Margaux ang kaniyang tiyan hinimas ito. Laking pasalamat niya lang dahil walang nakakita sa kaniyang ginawa.

Nang makarating sila sa library, agad na nagwatak-tawak ang kanilang grupo dahil humanap sila ng mga librong kailangan nila.

PyramidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon