Kabanata 37

959 26 11
                                    

AGAIN I'M PROMOTING MY LATEST STORY "PARADISE" HEHE CLICK ON MY PROFILE TAS SCROLL LANG KAYO. (Mas nauna pang natapos yun kesa dito sa Pyramids)

Nakatulog si Margaux pagka-uwi niya sa kaniyang bahay at hindi pa rin gising sila Hayley at Hayden.

Nagising siya dahil sa ingay sa baba. Sumisigaw si Hayden habang si Hayley naman ay pilit siyang pinapakalma.

Agad na bumaba si Margaux para tiningnan kung ano ang nangyayari.

"Anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Margaux nang makita niyang paikot-ikot si Hayden sa sala at may kausap sa kaniyang telepono. Madilim ang mga mata nito at tila ba galit na galit.

"Nasa police station si Vanessa." Agad na nanlaki ang mga mata ni Margaux sa kaniyang narinig. Napa-kurap rin siya ng ilang beses dahil sa gulat.

"Bakit?"

"She almost killed Liam from beating. Nasa ospital ang bata. Kritikal daw." Parang gumuho ang mundo ni Margaux sa kaniyang narinig. Nanuyot ang kaniyang lalamunan habang unti-unting nababasag ang kaniyang puso.

Napa-hawak siya sa kaniyang dib-dib at tumakbo sa pinaka-malapit na banyo para doon umiyak.

Napa-luhod siya sa lupa habang sinasabunutan at sinasampal ang kaniyang sarili

Sinisisi niya ang kaniyang sarili sa nangyari kay Liam. Kung hindi sana niya ito ibinigay kay Vanessa, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Sana maayos pa ang kalagayan ni Hansel ngayon.

Nako-konsensiya siya. Nagagalit siya. Gusto niyang saktan si Vanessa katulad ng pananakit niya sa anak niya.

Paulit-ulit na umi-ikot sa kaniyang isip ang nga nangyari dati.

Ng mabuntis siya, ng palayasin siya, ng sumama siya kay Vanessa, ng nag-umpisa siyang mag-trabaho sa Pyramids. Napaka-bigat para sa kaniya ang lahat ng iyon at wala na siyang nagawa kung hindi ang umiyak nalang.

"Margaux" narinig niya ang pag-katok sa pinto ng banyo. "Pupuntahan namin si Liam." Narinig niya ang boses ni Hayley. Agad siyang tumayo at inayos niya ang kaniyang mukha. Nag-hilamos siya para hindi nila mahalata na umiyak siya.

"Sasama ako." Sabi niya pagkalabas niya ng banyo. Inaayos na nila Hayden ang kanilang mga nagamit nang maabutan sila ni Margaux. Tumango naman sila at sumakay na sa sasakyan ni Hayden.

Halatang-halata kay Hayden na galit siya. Makasalubong ang kilay at mahigpit ang hawak niya sa manibela.

"Kawawa naman 'yong bata..." sabi ni Hayley sa gitna ng katahimikan. Walang imik si Margaux at Hayden kaya hindi nalang din nag-salita si Hayley.

Ilang minuto pa at nakarating na sila sa ospital. Nasa emergency room pa rin si Liam at inaantay lang nila na mailipat ito.

"Kaano-ano po kayo ng pasyente?" Tanong ng nurse na lumabas mula sa emergency room. "May bilin po kasi ang mga police na huwag daw magpapa-pasok ng hindi kamag-anak"

"He's our nephew." Sabi naman ni Hayley. Tumango naman ang nurse at nag-lakad na pabalik.

Ilang oras pa ang lumipas, inilipat na rin si Liam sa recovery room. Agad silang pumasok para makita ang kalagayan nito.

Napa-hawak si Margaux nang makita niyang sobrang daming pasa sa katawan ng bata. Para bang hiniwa sa ilang piraso ang kaniyang puso habang tinitingnan ang nakakapanlumong sitwasiyon nito.

PyramidsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin