I
Aking Binibini
Isumpa man ako para ibigin ka
Ang pusong ito ay hindi mag-aatubili
Gagawin ang lahat mapasaakin ka lamang
Handa kong sungkitin ang mga bituin
Habulin ang hangin
At tawirin ang dagat
Gagawin ko ang lahat, mapasaakin ka lamang
Oh, aking Binibini...
Isumpa man ako para ibigin ka
Ang pusong ito ay hindi mag-aatubiling
Lakbayin ang masukal na kagubatan
at harapin si kamatayan
Gagawin ko ang lahat, mapasaakin ka lamang
Oh, aking Binibini...
Dahil ikaw ang una at huling pag-ibig na ibinigay, sa akin ng Maykapal
Ang tanging tugon sa matagal kong dasal...
Author's Note:
This poem is featured in my novel A Curse to Love You...
II
Sapat na ang Isang Kahapon
Masarap damhin ang bawat hibla ng ating alaala
Masaya, o malungkot ay tila naririto pa
Sa isip at puso nakabalot nang walang pangamba
Kahit lisanin ang mundong na sa atin ay malupit
Pag-ibig na minsa'y naramdaman sa langit ay walang kapalitSapat na ang isang kahapon
Na ikaw ay mahal at sa puso mo ako din ang tanging laman
Masaktan man ako ngayon sa pinili kong daan
Ngunit mas takot akong antayin ang isang umagang kailanman ay di daratingSana ang pusong nagkamali ay magawang patawarin
Patawad sa mga pangakong minsay binitawan
Sa mga pag- asang kasamang binaon ng kahapon
Sa pangarap nating dalawa na tuluyang nataponSapat na ang isang kahapon
Na ako ay naging masaya sa piling mo
Lahat ng lungkot at pangamba sa puso ay unti-unting naglaho
Ngunit ang sakit na nararamdaman ko ngayonBalang araw ay maging sugat dulot ng kahapon
Ayokong burahin ang magandang alaala
Kapalit nito ay poot at duda
Sapat na ang isang kahapon na tayo'y nagkasama.
Author's Note:
Ang tulang ito ay nagsasalamin ng pagmamahalan ng dalawang nilalang na sa kabila ng kanilang pagsisikap ay hindi naging sapat para mapagtagumpayan ang mga pagsubok. Ngunit higit na mahalaga ay ang pag-ibig at pagtitinginan na unang nadarama, makalipas man ng maraming taon lahat ng sugat at sakit ay maglalaho at ang mananatili ay ang dating masasayang alaala. Ito ay tula para sa mga dating nag-iibigan at ngayon ay nanatiling magkaibigan sa kabila ng lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/166663142-288-k350668.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tula : Salamin ng Buhay
PoetryAng mga tulang ito ay salamin ng buhay at karanasan ng may akda. Ito ay malayang taludturan ng ibat-ibang usapin na may tema tungkol sa buhay pag-ibig, pag-asa, kalungkutan at tagumpay. Ang mga tulang ito ay nakasulat sa wikang Filipino. Upang...