Mga Tula ng Pagluluksa

2.3K 8 2
                                    

Naalala Kita

Katulad ng isang larawan, naiguguhit kita sa aking isipan
Nakikita ko ang iyong mga ngiti, naririnig ko ang iyong tawa't pighati
Hindi ko man kayang balikan ang ang mga nagdaan
Lagi mong tatandaan
Naaalala Kita

Minsan sa aking pag iisa at pangungulila
Kinakausap ka na tila ikaw ay kasama
Simula nang lumisan ka
Buhay ko'y tuluyan nang nag iba
At sa bawat minutong lumipas
Naaalala kita

Kahit sa pagpikit nitong mga mata
Isang panaginip ang nakikita
Di ko man matatakasan,
ang pag- ibig mong walang kamatayan.
Ikaw ay liwanag sa madilim kong daan
Na gagabay sa akin mula sa karimlan
At sa pagmulat nitong mga mata
Naaalala Kita

Balang araw kapag tinawag ako ni Bathala

Na siya lamang ang nakakaalam ng mga tala
Kung kailan kita muling mayakap at mahagkan
Kaya ang bawat hininga ko'y ilalaan
Upang alalahanin ka
Saan man ako mapunta
Puso't isipan lagi kang naaalala mahal kong Ina.

*** --------***


Nota ng may akda:

Ang tulang ito ay isinulat ko para gunitain ang pumanaw kong Ina. Walang sandaling lumipas na hindi ko siya naalala. Mahal na mahal ko ang aking Ina at sana kung nasaan man siya ngayon masaya na siya at may kapayapaan. 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Tula : Salamin ng BuhayWhere stories live. Discover now