Chapter Six

492K 10K 716
                                    

SIX

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Ang tagal mo." Nakasimangot na sabi sa akin ni Axcel. Umupo lang ako sa harap niya at tsaka inilapag ang pagkain na binili ko.

"Wala ka bang klase?" Tanong ko naman sa kanya pero hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Bakit diyan ka umupo? Dito ka sa tabi ko." Seryoso at nakasimangot niyang sabi.

"Ang arte mo Montemayor." Sabi ko sa kanya sabay subo sa macaroni spaghetti ko. Nagugutom na ako lahat-lahat gusto pa ako paupuin sa tabi niya.

"Bilis na, dito ka sa tabi ko umupo." Sabi niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ayoko, mas gusto ko nang kaharap ka. Tsaka anong oras ba klase mo? Mamaya niyan ma-late ka pa." Sabi ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot, nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at tumabi sa akin.

"Para ka talagang sira." Sabi ko sa kanya.

"Subuan mo ako." Sabi niya sa akin. Tumingin naman ako sa paligid, marami na namang babae ang nakatingin sa pwesto namin. Ang lakas kasi ng appeal ng Montemayor na 'to.

"Bumili ka na lang ng iyo, gutom ako ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Subuan mo ako, nagugutom din ako." Sabi niya pa ulit. Hays, ang kulit.

"Bumili ka na nga lang kasi, gusto mo pa susubuan ka hindi ka naman na bata para subuan." Naiinis kong sabi sa kanya.

"Tinatamad ako, bili na. Subuan mo ako, nangangalay ako." Seryoso siyang sabi. Wala naman akong nagawa pa, sinubuan ko siya. Pinanood ko naman siyang ngumuya, ang sexy ng mokong ngumuya. Nag feflex kasi ang muscles niya sa pisngi habang nanguya tapos seryoso pa ang mukha niya. Nakakadagdag appeal din ang makapal niyang kilay at ang jaw line niya.

"Kumain ka naman ba kanina?" Tanong ko sa kanya. Nagagalit kasi ako kapag hindi siya kumakain ng tanghalian. Tumango naman siya sa tanong ko.

"Isa pa, subuan mo pa ako." Sabi niya sa akin. Sinubuan ko naman ulit siya.

"Order pa ako ng isa? Gusto mo ba?" Tanong ko sa kanya. He just shook his head.

"Pupunta ka sa condo ko mamaya ah, sabi mo 'yan." Sabi niya sa akin habang nanguya. Wala talagang manners 'tong unggoy na 'to.

"Wala kang gimik ngayon? Himala ata na hindi ka nambababae." Sabi ko sa kanya sabay subo sa kutsara.

"Iniiba mo naman usapan, sabi ko pupunta ka sa condo ko mamaya." Sabi niya ulit.

"Oo na, ano bang oras tapos ng klase mo?" I asked. Sinubuan ko ulit siya, malamang at gutom na naman 'to. Lagi naman kasi siyang gutom.

"Six, sunduin mo ko ah." Sabi niya, sinubuan ko ulit siya. Aware akong iisang kutsara lang ang ginagamit naming pero wala na naman kaming pakielam doon. Sanay na kami sa isa't isa.

"Ano ka bata? Hintayin na lang kita sa parking lot." Sabi ko sa kanya.

"H'wag 'don, maraming gago 'don. Papabantayan na lang kita kay Allen at Alex, si Aivan nauna nang umuwi. Tapos na klase n'ya ako hindi pa." Sagot naman niya sa akin. Kinuha ko naman 'yung panyo ko sa bag at tsaka pinunasan ang gilid ng labi niya. Ang gaslaw kasi kanina habang sinusubuan ko, ayan tuloy.

"Bakit ba ayaw sa'yo sumama ni Aivan? Sa bahay n'yo pa rin nauwi." Tanong ko sa kanya. Uminom naman ako sa soda ko. Para sa kanila talaga kasi ni Aivan 'yung condominium na binili ni Tita Freen, pero ayaw sumama sa kanya ni Aivan. Mas gusto raw nito na sa bahay lang naglalagi. Wala namang magawa si na Tita Freen dahil malaki na si Aivan at kaya na nitong magdesisyon mag-isa.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon