Chapter Twenty Five

362K 7.9K 1K
                                    

TWENTY FIVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Dalawang oras na ang lumipas pero wala pa rin si Axcel. Ngayong araw ang birthday n'ya at siya ang susundo sa akin papunta sa Rancho, pero lumipas na ang dalawang oras ay wala pa rin siya. Panay na rin ang tanong sa akin ni Daddy kung nasaan na ba raw si Axcel. Hindi kasi makakapunta si Daddy dahil mayroon siyang sakit. Pilitin man n'ya ay hindi rin kaya ng katawan n'ya sa haba ng biyahe.

Muli kong binalingan ng tingin ang cellphone ko at nagbabakasakaling mayroon siyang text o kahit missed call man lang. Pero wala, walang kahit ano akong natatanggap na text mula sa kanya.

Sinubukan kong tawagan ang cellphone n'ya pero boses lamang ng operator ang sumasagot doon. Alas-otso na ng gabi at isang oras at kalahati ang biyahe mula sa bahay papuntang Rancho. I texted him and waited for a minute for his reply. Pero bigo, wala pa rin akong natatanggap na kahit anong reply mula sa kanya.

Biglang tumunog ang cellphone ko at agad ko iyong sinagot kahit na hindi tinitignan kung sino iyon.

"Hello?" Kinakabahan kong sabi. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang hinihintay na magsalita ang tumawag sa akin.

"Heena." Bigla akong nanghina ng marinig ko ang boses ng lalaki sa kabilang linya. It's not him.

"S—Symon, napatawag ka?" Nauutal kong sabi.

"I'm here, outside your house. Hindi ka raw masusundo ni Axcel. Naipit daw sila ni Thalia sa traffic kaya ako na lang ang nagpresintang sumundo sa'yo." Saad ni Symon. Huminga naman ako ng malalim sa sinabi ni Symon. Thalia, alright.

"Alright, I'll be there for a minute. Just wait for me, okay?" Sabi ko sa kanya at tsaka ko na ibinaba ang phone ko.

Huminga ako ng malalim.

Alam ko naman na maaari silang humantong sa ganito. I already expect it, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko ay dinuga ako sa isang laro na alam kong laruin? He promised it, he'll fetch me. But he just trash talked me. Siguro nga, I shouldn't expect too much. Expectation just leads to dissapointment.

Alam kong darating ang oras, araw at panahon na mawawala rin siya sa akin at darating ang panahon na mayroong darating na lalaki sa buhay ko na ipaparamdam sa akin kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng salitang, pagmamahal.

Nadatnan kong nakasandal si Symon sa silver n'yang chevy habang hinihintay ako. Nakasuot siya nang itim na suit na bagay na bagay sa kanya. Parang ipinagawa talaga iyon na para sa kanya. Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"You really look good." Sabi ko sa kanya pagkalapit ko sa kanya. Marahan ko siyang hinalikan sa pisngi. Ngumiti siya sa akin kaya lumantad ang puti at pantay n'yang mga ngipin. Lumalabas ang lahi n'yang banyaga sa ayos n'ya ngayon.

"Thanks, you look gorgeous tonight" He said while smilling broadly. Napanguso naman ako sa sinabi n'ya. Tipikal na galawan ng mga Montemayor.

"Bolero." Sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya ng mahina at napangiti naman ako. Minsan ko lang kasi makitang tumawa si Symon.

Pinagbuksan ako ni Symon ng pintuan ng sasakyan n'ya kaya pumasok na ako. Pinanood ko naman siyang umikot at sumakay sa driver's seat.

Binuhay na n'ya ang sasakyan at tsaka ito pinaandar. Sa una ay naiilang akong kausapin siya dahil hindi naman kami madalas magkasama at hindi rin kami gaano ka-close ni Symon. Mailap kasi siyang tao at hindi mo basta makakausap.

"I'll punch that asshole later." Rinig kong sabi n'ya.

"Hayaan mo na, birthday naman niya." Saad ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa dinaraanan namin habang nakikipag-usap sa kanya.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon