Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

/2/ Irregular

76.1K 4.1K 1.5K
                                    


Every time youwake up the feeling of emptinessyou can't explain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every time you
wake up
the feeling 
of emptiness
you can't explain

/2/ Irregular

  [MOLLY'S POV] 


MUGTUNG-mugto 'yung mga mata ko kinaumagahan. This one's for crying all night. Hindi naman na bago 'yon.

Mabuti na lang at sembreak na kaya hindi ko na muna kinakailangang makipagsagupaan sa tren papuntang university. Hindi kasi ako nagdo-dorm dahil una sa lahat hindi ako sanay na may kasamang ibang tao sa isang kwarto. If I'll rent my own room, it's too expensive, hindi naman kami ganoon kayaman para ibili ako ng condo.

"Mag-breakfast ka na, Molly," bungad sa akin ni mama pagpunta ko sa kusina.

"Sila kuya?" tanong ko habang nagsasandok ng sinangag.

"Sabay-sabay silang umalis ng papa mo kanina," sagot ni mama sa akin habang nag-huhugas ng plato.

I didn't speak again. Tahimik lang akong kumakain nang umupo kaharap ko si mama.

"Molly," napatigil ako sa pagkain nang tawagin niya ako. She looks serious. "Naiiintindihan mo naman siguro kung bakit ganoon ang papa mo?"

Hindi ako sumagot at muli lang nagsalita si mama.

"Molly, he just wanted the best for you. Sa tingin lang ng papa mo magkakaroon ka ng secured job kapag naging engineer ka katulad ng ate at kuya mo. Atsaka, I think 'yang pagiging writer magagawa mo kahit na hobby lang."

I get my mother's point. She's saying that I need to have a real job rather than pursuing a dream which they believe is just a fantasy. That's why she thinks that I can still be a writer even if hindi iyon ang kurso ko. I still don't get it.

But hey, they're my parents and the entire world thinks that the parents only want the best for their kids. Who wouldn't? But still, pushing their children to do things that are not suited for them? That's cruel.

"Oh siya, aalis na ako," tumayo si mama at tinanggal ang apron. Naiwan akong mag-isa sa hapag at iniisip pa rin ang future ko.

Minsan naiisip ko na lang na maswerte ako sa isang bagay, alam ko kung ano ang gusto kong maging. Dahil marami sa mundo, minsan hanggang sa tumanda na sila, hindi pa rin nila alam kung anong gusto nilang marating.

*****

TIME flies fast. Akalain mo at second semester na. And here I am, back on the track. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na ayaw ko na, na hindi ko na kaya, heto pa rin ako. Totoo nga 'yung sinasabi nila, fake it 'till you make it.

Hindi ko na-miss ang university kahit na ang buong ambiance ng campus ay hype na hype dahil ngayon ulit nagkita ang magkakaibigan. Most of them are talking about how they spent their sembreak and so on. Habang naglalakad ako sa hallway ay nagkalat sila sa gilid, palakasan sila ng ingay.

Wake Up, DreamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon