Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

/5/ Team

54.6K 3.8K 1.7K
                                    


As you believewith all  your heartwith all your souland you will bewhatever you wanted to be

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

As you believe
with all  your heart
with all your soul
and you will be
whatever you wanted to be



/5/ Team

  [MOLLY'S POV]  


HEMA's Coffee

Ang sikat na coffee shop malapit sa aming university. Pag lumabas ka sa gate 2, which is likurang bahagi ng university, kaunting lakad lang sa gilid ay matatagpuan na ang nasabing coffee shop.

Pagpasok mo pa lang ay maamoy mo na kaagad ang mabangong aroma ng iba't ibang klase ng kape na maaaring ma-order dito. Of course, kulang ang coffee shop kapag walang mga estudyanteng mga nakatambay para mag-tsikaha, mag-wifi, 'yung iba ay mga nag-aaral, may mga nagla-laptop din, at may iba pa nga na natutulog.

I love coffee shops but I don't like this crowded place. I admit na maganda ang aesthetic designs ng coffee shop, mataas na ceiling height, mezzanine area, the rustic concept, furniture and so on.Iyon nga lang ay palaging punuan ang lugar na 'to dahil katabi lang ng university. May mga iba nga na isang tall size lang ang order pero whole day na 'atang tumambay dito, kulang na lang dito sila tumira.

Wala naman akong nagawa dahil ito ang napiling lugar ni Cole the weirdo para gawing meeting place naming group mates.

Saan ka makakakita na may isang grupo na sumeryoso sa isang meeting para lang sa isang minor subject na three units lang. Kami lang 'ata, our other classmates won't probably care.

"Naka-order na ba kayo?" tanong ni Jasper na kagagaling lang sa counter para umorder. Tumango naman ako at gayon din si weirdo.

Apat pa lang kaming nandito, at natanaw ko siya na pabalik sa pwesto namin, si Garnet. He came too. Umupo siya sa right side ko at si weirdo ang katabi ko sa kaliwa.

"Now we're only waiting for one," wika ni weirdo at tumingin sa relos. Pansin ko lang, palagi siyang tumitingin sa relos niyang mamahalin, alam ko 'yong brand na 'yon eh. So, mayaman sila? O fake 'yung suot niya? I don't know and I don't care.

Si Alexa na lang ang hinihintay namin, I doubt she'll come. Base sa attitude na nakita namin kanina, parang siya 'yung tipo ng tao na hindi mag-aaksaya ng oras sa mga bagay na hindi niya pag-iinteresan.

"Cole and Molly?" narinig namin 'yung barista, 'yung order naming coffee.

Tumayo ako at nakita kong hindi tumayo si weirdo, so talagang ako na rin kukuha ng coffee niya?

Maya-maya pa'y nakuha na rin nila Garnet at Jasper ang mga kape nila. Hindi pa rin dumadating si Alexa, malapit ng mag five-thirty.

"Ano bang gagawing nating project?" hindi na natiis ni Jasper na magtanong, he sipped his tea.

Wake Up, DreamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon