Chapter 14. "The 7th Rule"

72.3K 1.7K 60
                                    

Chapter 14. "The 7th Rule"

Ethina's POV

"Hi Ethina." Nagising ako sa tumawag sa akin. Pagtingin ko, si Sanjun, maliwanag ang buong paligid.

"Sanjun? Bakit ka nandito sa kwarto ko?" Tanong ko sa kanya habang ginugusot pa ang mata ko.

"Ssshhh, wag ka ng pumalag. Alam kong magugustuhan mo rin 'to." Pagtingin ko sa kanya, nasa kama ko na siya at pagapang sa akin. Nanglaki ang mata ko sa ginagawa niya.

"Hoy, anong binabalak mo?" Tanong ko rito tsaka hinarang ang kumot ko sa katawan ko. Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin habang may nakakalokong ngiti.

"Hoy Sanjun, wag mong gawin ang binabalak mo." Banta ko rito, pero ngumiti lang ang loko sa akin.

"Ssshhh, bakit? Ginagawa naman ng mag-asawa ang gagawin natin ah? Don't worry honey, I'll be gentle." Sabi niya tsaka kumindat. Napatulala na lang ako sa kanya habang nanlalaki ang mata.

Jusme, ang kabibe ko, bubuksan na niya. Palapit na siya ng palapit sa akin. Hanggang sa dahan-dahan niyang ilapit sa akin ang mukha niya para halikan ako. Nilayo niya ulit ang sarili niya sa akin. Napatingin ako sa kanya, ang lakas ang kabog ng dibdib ko. Ngumiti siya sa akin at tumayo.

"Para mas maging excited ka honey, ipapakita ko sayo ang weakness mo." He slowly unbutton his polo shirt with a teasingly smile writtern in his face. Para namang magnet ang mata ko at sumusunod sa pagbukas ng kamay niya sa polo niya. Ano ba 'yan, ipapakita niya na naman ang abs niya. "Honey, wag mo naman ako tunawin ng tingin." Sabi niya't tumawa pa. "Pero honey, ano kaya kung ipakita ko sayo 'to."

Mas lalong nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang butones ng pantaloon niya.

"Hoy Sanjun Alcantara! Bawal 'yan ah!" singhal ko rito. Tumigil naman siya sa pagunbutton ng pants niya at mabilis na dumagan sa akin. Napapikit ako sa ginawa niya.

"Bakit? Wala naman sa rules natin ang no sex ah?" Nakangiti niyang sabi sa akin habang sobrang lapit ng mukha niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang nagiinit ang buong katawan ko. Jusme, anong gagawin ko.

Ipinikit ko na lang ang mata ko. Hanggang sa nakaramdam ako ng malakas na bagay na bumagsak sa ulo ko.

"Aray ko, ang sakit ah." Angal ko tsaka marahan na tumayo sa kama. "Huh? Sandali, virgin pa ko?" Tanong ko sa sarili ko ng makita kong nakadamit pa ako, sa mga palabas kasi na napapanuod ko, after sex nakahubad pa dapat tsaka nandito pa dapat si Sanjun. "Sandali? Panaginip? Hay buti naman, kung nagkataon, ang kabibe ko nabuksan na. Naku naku, ano kayang ibig sabihin 'nun? Ay sandali!"

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Jenina.

"Oh? Ang aga-aga Ethina ah? Bakit?"

"Jenina! Nanaginip ako!" Sigaw ko.

"Pwede bang wag kang sumigaw? Nagising diwa ko dun ah."

"Sorry, pero Jenina, anong ibig sabihin 'nun?" Sabi ko sa kanya.

"Huh? Anong ibig sabihin? Ikwento mo nga?"

"Kasi nanaginip ako, sa panaginip ko, si Sanjun gumagapang sa kama ko may pagtatangkang halayin ako!"

"Ang OA mo, natural lang yan asawa mo eh." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.

"Gaga, fake? Remember? Contract?"

"Ay, Oo nga pala, so? Anong gagawin mo? Alam mo Ethina, may nabasa akong article abour dreams, ang sabi 'Dreams is the vision of out future', aba't malay mo magkatotoo 'yan."

To Get HerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora