Chapter 30

13K 182 1
                                    

Tumawa siya bigla at umalis sa ibabaw ko. Umiling iling pa siya at bumuntong hininga.

Dammit, why is he so weird? I don't get him most of the time.

"If only I loved you right." Bigla niyang sabi at hawak sa kamay ko. Pinagsuklob niya ang mga ito. It felt right, really.

Pinili kong hindi sumagot at pumikit. Cause honestly ayoko na bumalik sa nakaraan. I want to build new memories with him. Ito na siguro yung punto na, mahal na mahal ko na talaga siya at wala na akong pakielam kung gano pa niya ako sinaktan.

Humarap siya sakin at hinapit ako. Nilagay niya ulo ko sa dibdib niya at niyakap ako palapit sakanya lalo. "I love this position."

Huminga ako ng malalim. His scent is very intoxicating... Nagwawala yung mga demonyo sa tyan ko. I love this position, too.

"This is our position, right?" He chukled and hugged me even tighter. "Feeling ko kasi we're giving our fair share of possessiveness when we're like this."

Daldal niya talaga. Pumikit ako. "Let's sleep."

Tumawa siya bigla. I can hear his sexy laugh very clearly with our position. "You don't want to talk to me?"

"I do." Sabi ko at ngumiti. "But I think we have our whole life to do that."

Hindi siya sumagot kaya sinilip ko siya. Nakangiti siyang pumikit.

"Bakit? Hindi ba?" Tanong ko sakanya. Minulat niya yung isa niyang mata, yung kanan at sinilip ako. Mas lumaki ngiti niya.

"Sisiguraduhin kong ganun nga mangyayari." Sabi niya at pumikit uli. Bumalik na ako sa dating posisyon at pumikit rin. "I'll make sure."

Humingi ako ng malalim. Hmm. Dapat lang.

**

Napabangon ako nang naalimpungatan. May humihilik kasi. Damn.

Tumingin ako kay Jasper. And as always, humihilik nanaman siya. Napangiti ako. He never changed... At nagigising parin niya ako dahil dito. Ang lapit kasi ng bibig niya sa tenga ko. Tiningnan ko siya mabuti at half open yung mata niya. Pinigilan ko tumawa. Kahit naman ganto, ang gwapo parin niya. Hmp, life's unfair.

Tinrace ko yung ilong niya. Tangos. Tsk.

Tinrace ko rin yung pilik mata niya. Haba.

Pati bibig niya. Hmmm.

Kahit kailan ang mantika niya matulog. Tinusok ko pisngi niya pero ni hindi man lang siya naapektuhan nito. Ang lakas kasi ng hilik niya kaya gusto ko siya gisingin. Nakahilata kasi siya kaya ganito.

Nakadapa nako ngayon at nakadantay. Tinusok ko uli yung pisngi niya pero wala parin.

Tinusok ko yung tenga niya. Napatakip ako sa bibig ko ng bigla siyang napatalon at umupo. Tumingin din siya sakin ng may gulat na mukha.

Hindi ko na napigilan at humagikgik ako. Damn.

"Shit." Sabi niya at umiling iling pero tumatawa.

Tumawa nako ng malakas. Binaon ko pa yung mukha ko sa unan ko. Shit. Yung mukha kasi niya sobrang nakakatawa.

"Ah. Ganun, ha?" Napatingin ako sakanya ng sinabi niya yun.

Bigla niya akong hinapit at hinalikan sa labi. Nanlaki mata ko. Nasa likod ng ulo ko na agad yung isa niyang kamay. Nanlalaki parin mata ko at kitang kita ko na nakapikit siya at nakangiti.

Unting unti gumalaw yung labi niya sa labi ko. Naramdaman ko narin yung kamay niya sa bewang ko.

Napapikit narin ako. Damn. He's making me crazy!

Marrying my heartbreakerWhere stories live. Discover now