Chapter 44

10.1K 166 4
                                    

Tumayo si Kuya Neo at seryosong pumunta ng stage. Ang pinaka mysteryosong babaero sa Fajardo. Ang hinahabol ng lahat ng babae. Si Napoleon Joshua Fajardo. 

He doesn't like speeches. Pero ano ngayon? 

"Hello." Ngumiwi siya. "Nikita Jaline." 

Nanlaki ang mata ko. No one dared to call me that for a long time now. Ni hindi ko na ginagamit ang pangalan na yun. Ang nakaka alam lang nun ay si Clarise... 

"Jaline ka pala?" Alex suddenly asked beside me. 

Ngumiwi ako at hindi na sumagot. I just waited for Kuya Neo's speech. 

"I know how much you hate that name. I'm really sorry, baby." Ngumiwi siya at tumingin sakin ng maayos. It was his fault. Sakanya nagsimula ang lahat ng self issues ko. Pero I'm not blaming him anymore. He's my brother after all. 

"Nikita, nung una palang, sinabi ko na sayo na mag-iingat ka. Mag-iingat ka kung kanino ka ma-iinlove. Kasi gago ako, babaero at dahil diyan, maraming umiyak na babae. Naalala ko pa yung sinabi mo nung 17 ka palang. 'Kuya, naniniwala ka ba na kung gano katindi at kadami na pinaiyak ng isang lalaki ay ganun din ang pagiyak ng nakababata nilang kapatid na babae'? Nagulat ako nang tinanong mo sakin yan. Para bang sinasabi mo ang karma naming mga gago ay mapupunta sa nakababata naming kapatid na babae. Um-oo ako pero hindi ko sineryoso ang sinabi mo. Natatandaan ko pa kung pano mo ako dinuro at tinaasan ng kilay sabay sabing 'Pag ako talaga nagiiyak, ikaw una kong sisisihin.'" Ngumiwi siya at mas lalong nagiwas ng tingin nang mapansin na lahat ay nakatuon ang atensyon sakanya. 

Ngumiwi ako at ngumiti nang malungkot. Huli na ang lahat, Kuya. 

"I'm really sorry, Nikita." Umiling siya. "Kasi naging huli na ang lahat. Umiyak ka na ng sobra para sa isang lalaki. Pero hindi mo ako sinisi. You blamed yourself even." 

Tumitig siya sa mata ko at kitang kita ko dun ang pagsisisi. "I changed for you, baby. Pero it was too late. Napunta na sayo ang karma ko. At ano ang nangyari ngayon? Nagdudusa ka habang ako masaya na pero hindi ko magawang maging masaya talaga ng buong buo habang nakikita kitang ganyan. Kuya will do everything for you, understand?" 

Umiling siya at bumaba ng stage pero imbis na umupo uli ay dumeretso siya palabas. Susunod na sana ako pero hinawakan ako ni Yna sa balikat. "Ako na ang bahala. Stay here and enjoy the rest of the night." 

Tumango ako at hinayan ko siya. Kuya Neo shouldn't blame himself. Gusto ko umiyak sa ginawa niya. Kuya Neo is not a showy person, he never shows that he cares for you. Miski sakin, kay Nic or sa parents namin. He's very mysterious and secretive. Kaya naiiyak ako sa sinabi niya. 

"Ehem." Napunta uli ang atensyon ko sa stage at nakita ko ang kambal ko doon. 

"Nikita." He smirked. "You don't know how much Iooked up to you. You're so strong and can handle almost everything kahit pa ako ang lalaki, mas kaya mo lahat. Ang galing ng prinsesa namin." 

Everybody laughed and grinned. "You took care of me unconsciously, alam mo ba yun? Kahit pa sa tingin mo ako nagaalaga sayo, ikaw talag nagaalaga sakin. Napa responsible mo. You supported me in every way you can and for every reason. You have so many good qualities that no one will ever find out pag hindi ka nakilala. So please, don't ever look down at yourself. Kasi pag ginawa mo yun, para mo naring sinasabi na sobrang baba ko kasi ako nga mismo hinahanga ka. Be strong and always smile, Nikita. Hinding hindi kita papabayaan. You and the little Nikita." 

"Ang drama nito." Nagtawanan ang mga tao nang itulay siya paalis ni Cla. "It's my turn." 

Tumawa uli sila. "Syempre last ako kasi ako ang bestfriend mo. And this was all my idea."

Marrying my heartbreakerWhere stories live. Discover now