Chapter 3》▪Montford University(MU)▪《

240 64 63
                                    

ZAPHYRA'S POV

Habang papunta kami ni Ate sa napili naming sasakyan ay parang nag dadalawang isip ako kung sasama pa ba ako sa kanya sa isang sasakyan o magso-solo nalang ako.

Sabihin na nating sanay ako sa mabilis ang andar sa mga sasakyan pero kasi iba talaga pag si ate na yung magda-drive. Parang hindi kinakaya ng mga intestine ko.

Naging mabilis lang naman sya mag drive dahil sa underground activities ng mga Mafia. May race kasi na labanan roon. At nangunguna si Ate, ngunit tago pa rin ang kanyang pagkatao. Dahil ang mga nakakalaban namin roon ay ang mga grupo rin na ibang Mafia or gangster na gustong tumapos sa aming grupo. Ayaw talaga nila sa grupi na meron kami.

Napansin nga siguro na parang di ko gusto na sumabay sa kanya kaya nag tanong sya.

"May balak ka pa ba'ng sumama?" napalingon ako sa kanya, diretso lamang ang tingin nya sa mga sasakyan.

"Ah-eh hmm oo naman sayang naman kasi yung gas kung gagamit pa ako ng ibang sasakyan e," sagot ko. Wala rin akong choice, tsaka wala rin ako sa huwisyo para mag drive ng ganito kaaga.

Bumalik nanaman sa pagiging blangko at malamig ang kanyang mukha at mata. Mabilis naman din ako mag drive kaso mas mabilis sya eh kasi naman eh, napaka-kaskasero palibhasa di pa naaaksidente.

"'Lika na Ate," aya ko sa kanya at pumasok na sa shotgun seat, sa likod sana ako kaso baka magalit magmukha pa syang driver.

Bukas na pala agad ang start ng klase nakakabagot. Ang boring pa naman. Joke!

Ayaw ni Papa na malalaman nya na tinatamad kaming mag aral dahil, Ang edukasyon lang ang pinaka-maganda at magagamit habang buhay na mana ng mga magulang. Dahil kung wala kaming mga materyales o yaman na maipapamana sa amin ay edukasyon lang ang pinaka-magagamit namin.

Siguro once na malaman ni Papa na tamad kami sa pag-aaral, ay papatigilin nya kami at tatanggalan ng serbisyo sa organisasyon. Na ayaw ko naman mangyari, napa-mahal na ako sa mga tao roon at nasanay na ako sa mga ibinibigay nilang misyon.

School lang rin namin ang papasukan namin bukas. Or should I say pagta-transfer-an dahil nga na-kick out si Ate at ang kanyang mga kaibigan sa kanilang school, madadamay ako roon syempre kaya pati mga kaibigan ko damay rin.

Wala namang kaso sa amin na mag transfer. Dun rin naman kami nag-aral nung Kinder, pati rin si Ate doon ng Kinder. Nag transfer lang kami nang mag elementary na.

Ayaw ko na rin naman sana na mag transfer kaso lang kailangan magkasama kami ng Ate, dahil mas mapoprotektahan namin ang isa't-isa, kahit na may kasama naman akong nga kaibigan.

'Di ko rin alam kay Papá kung bakit nya pa kami pinag-isa ng University. Ligtas pa rin naman ako sa dati naming eskwelahan.

Oh well, sya naman talaga minsan ang dedesisyon kung anong dapat gawin namin ni Ate, pero hindi naman umaabot sa punto na nasasakal na kami ni Ate.

Ang pag kakaalam ko may ka-share kami dyan sa university na yan eh dahil hindi lang naman sa amin yun, so bale dalawang Pamilya ang may-ari ng isang eskwelahan na iyon.

'Di ko matandaan yung sinabi nila mama peroㅡyun na rin 'yon.

Ang pangalan ng University ay Montford yata yun.

If I'm not mistaken it's Montford University.

Ang school na 'yon ay para sa mga mayayaman at mga anak ng mga gobyerno, mayor, presidente ng Pilipinas, o kahit sino kilalang tao na may pangalan sa bansa. Hindi porque pang-mayaman ay wala ng mahihirap sa skwelahan may tinatawag kaming scholar, at hindi na nila kailangan magbayad ng tuition basta i-mentain lang ang grades nila na 90 pataas. Nagtuturo rin ang school ng iba't-ibang techniques o kakaibang physical education na nalalayo sa normal na subject. Dahil nga may mga kakaiba kaming gadgets o mga gamit ay nagagamit rin ito sa loob ng school. Kaya mas napapabilis ang trabaho ng mga trabahador.

Tapos sabi pa ni Mama at Papa na kababata daw namin ni Ate ung dalawang mag kapatid na yun pero parang wala akong matandaan siguro kasi matagal na nga 'yon. Bata pa kami nun ni ate. At saka kakaunti nalang rin halos ang naaalala ko noong bata pa'ko. Diko lang alam kay ate kung kilala nya pa 'yon.

Nang makarating kami ni ate sa mall buti nga hindi masyadong mabilis pag-mamaneho nya eh nasa mood kasi sya. By mood yata yung pagpapatakbo nya ng sasakyan. Siraulo talaga hehe.

Sa mundo namin bilang Mafia kung saan kami nagkikita tuwing may laban kami, pag nakita na ng mga tao ang black na motor at black na helmet, pati ang damit all black at may mask rin na black mula bridge ng ilong hanggang baba. Sya na yun. Si ate na yun.

Dalawa kaming may motor. Sa kanya Black tapos ung Helmet Black rin. Sakin Red favorite color ko kaya pati motor at helmet ganun din yung kulay. Kapag nakita naman ng iba na puro red ang suot pati motor at helmet, pati na rin ang mask na katulad rin kay ate, ako na yun.

Since sumasali kami ng mga race normal na sa amin na may license, student license. Last two years lang ako nagkaroon ng lisensya sa pagmamaneho.

Walang pwedeng gumaya sa amin ni Ate ng kulay o pustura dahil hindi pwede kasi kami na iyon. Walang agawan ng hitsura.

Walang sino man ang pwedeng magbalat-kayo sa amin ni Ate dahil malaking kasalanan iyon sa underground. Ang pagsusuot ng all black outfit ay ipinagbabawal sa lahat maliban kay Ate, ganun rin sa kulay ng mga kaibigan nya at ako pati na rin ang mga kasamahan ko.

Pag kapasok namin dumiretso na kami sa National Bookstore, nag hiwalay kami dahil bibili na kami ng sari-sarili naming gamit para bukas.


"ATE tapos ka na?" tanong ko sa kanya nang nagkita kami. Tapos na akong mamili ng mga kailangan ko.

"Oo ikaw?"tanong nya at nag luminga-linga sa paligid habang papalapit sa akin.

"Oo 'te 'lika na," aya ko sa kanya at naglakad na papuntang counter.

Nang matapos mabayaran pumunta kaming sa kotse, nagsalita lang si Ate upang bumukas ang compartment ng sasakyan, boses pala namin ang naka-register sa sasakyan na ito nilagay muna namin sa compartment ang mga pinamili.

Akala ko ay uuwi na kami pero papunta na sana ako sa shotgun seat nang nag salita sya.

"Phyra di pa tayo uuwi kulang pa yung gamit ko" tawag nya sa akin at bumaling na ulit sa daan.

Huh? Kulang pa eh sobra sobra na nga yung binili nya eh.

"Bibili pa ko ng pang disguise ko," aniya at nilingon ako muli "palibhasa kasi ikaw meron na eh," aniya sa malamig na boses.

"Pshh oo na," sabi ko sabay lapit sa kanya at pumasok ulit kami sa isa pa'ng parte ng mall, para bumili ng pang 'disguise' nya. Tss kala mo naman talaga matagal nyang gagamitin yun. Pustahan tayo sandali lang.

|End of Chapter|

Hanggang dyan muna mamaya ako mag-uud ulit.

MWUAHHH!

Baka sa mga susunod na chapter pa magpapa- kilala yung iba ... ♡♡

[Edited]

(Pag-pasensyahan maikli lang)

------------------
wiblue3

WHO ARE YOU?!Where stories live. Discover now