Chapter 26 》▪SHAN BRIELLE'S HOUSE▪《

69 12 1
                                    

ZAPHYRA'S POV

Ano kaya yung bagong misyon nila ate *pout* huhu ang duga naman kasi. Namiss ko na magkaroon ng misyon. Tengga nalang ako dito lagi.

Tsk! Lagi nalang nasa school, nakakatamad kayang makinig sa discussion ng mga teacher.

Lalo na pag kulang yung tulㅡ

"Woi! Gaga patay ka kay serr" parang nagising ako sa iniisip ko nung bigla akong binatukan nitong si Shan

"Ah-ouch! Ano ba ba't ka namnbabatok. Anak ka ngㅡ"

"Miss are you with us?!" Diko binalingan ng tingin yung teacher na nasa harap. Di naman siguro ako yun noh

"Ikaw kayㅡ" naputol ang sasabihin ko ng biglang sumigaw ng malakas yung teacher na nasa harap

"MISS I'M TALKING TO YOU!" Kaya napalingon ako. Nakakabingi. Tss.

Nagulat ako ng sakin sya nakatingin, at mulat na mulat yung mata nya na akala mo kakainin ako ng buhay.

Kaya tinuro ko yung sarili ko

Ba't ako? Ano namang ginawa ko?

"YES YOU!" Tumayo ako

"Why serr?"

"Aba'tㅡ ARE YOU WITH US?!!" aba'y malamang nandito ako sa room, alangan naman.

"Yes ser" sagot ko ng mababa ang boses

Nakikita ko ang iba ko'ng kaklase na naghahagikhikan sa mga upuan nila, yung iba naman tahimik. Kasi mahirap na mag-ingay lalo na't galit ang guro sa harapan

Ngumisi ng matunog yung teacher at "Answer my question then" pagkasabi nya nun ay pinag-cross nya ang kanyang braso sa dibdib nya at nakangising nakatingin. Amputs!

"What question ser?" Aba! Wala man akong narinig na question

Dahil sa tanong ko medyo napalakas ang mga hagikhik sa room namin.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko, seryoso sila. Ayaw ko sa lahat yung napapahiya ako.

"Ano daw tawag sa flag ng south korㅡ" naputol ang sasabihin ni Rica dahil biglang nag salita ang teacher sa harap

"ANO BA?! You said that you are with us?!" Galit na tanong nya, namumula na yung maitim na mukha eh. "Yes ser" sagot ko

"So. Ba't hindi mo alam yung question? By the way diko na yun uulitin" tss pisteng guro 'to. Nako kung diko lang iniingatan yung pangalan ko, mapapatay ko 'to ng wala sa oras eh. Syempre joke lang hehe

"Uhmm kasi po serr di nya narinig, mahina pandinig nyan eh" sumagot na si Shan na may pagka-sarkastiko pa ang tono

Mahina ang pandinig amputs! Pero nice, nakahanap agad ng paraan

Ako kaya pinaka-malakas ang pandinig sa amin. Hmmp!

"So? Itanong mo sa mga kaklase mo ang tanong ko." Medyo kalmado nya ng sabi. Kumagat ata sa sinabi ni Shan.

Thanks Shan

Lumingon ako sa likod ko at tiningnan sila sa mata, na sabihin kung ano ang tanong. Dahil nangangalay na rin akong tumayo!

"What is the name of the South and North Korean Flag?"

"Salamat" pagpapasalamat ko kay Maxine

"Ah-ehem the name of t-tsk. Ang sa South Korea ay Taegeukgi at sa North Korea naman ay H-hong-Hongramogakbyeolki serr" nakakabulol piste!

WHO ARE YOU?!Where stories live. Discover now