Tula #5: "Kapag wala ka na"

21 0 0
                                    


Nandito na ako ngayon...nag iisa.
Umaasang babalik ka pa.
Hanggang kailan naman kaya ako
magiging tanga para lang ulit sayo?
Hay nako,ang sakit mo sa puso at ulo.

Ngayong wala ka na...wala na tayo...maghahanap ka na ba ulit ng bago?
Eh ako...iiyak parin pa ba ako dahil lang sayo?
Hay ...Sige na nga.Titigilan ko na.
Itatapos ko na itong pagiyak ko ng dahil sayo kase hindi ka naman babalik kung iiyak lang ako dito.

Nung una hindi ko naman inakala na magugustuhan kita.Pero bakit parin ako nahulog?At sinalo mo naman..Pero nung nahirapan ka na binitawan mo na ako at hinayaan na lang na masaktan ng dahil sayo.

Ngayong wala ka na..parang may kulang.May kulang sakin nung nawala ka..Pero bakit kahit gaano mo ko nasaktan mahal na mahal parin kita??bakit??
Yun ay dahil mahal kita kahit ano ka.Mahal kita kahit ano man yung ugali mo at lahat lahat.
Mahal kita dahil mahal kita.
Mahal kita kase sayo tumitibok ang puso kong wasak na ngayon ng dahil sayo.

Masakit tanggapin pero kailangan.
Kailangan na kitang pakawalan.
Kailangan ko nang kalimutan ang lahat tungkol satin.
Kase kailangan.
Dahil hindi na ako ang laman niyan.
Yang puso mo...hindi na tumitibok para sakin..
Para na sa kanya.

Kailangan ko nang maging masaya.Kailangan ko nang limutin ka.

Paalam...

💔💔💔
 

 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

    #HUGOT QUOTES✌ Where stories live. Discover now