Chapter 9

20.5K 456 6
                                    

ELLA slowly opened her eyes. Sa bintanang pinagmumulan ng liwanag natuon ang mga mata niya. Inikot niya ng tingin ang buong paligid. Questions tumbling around her head. Where was she? Kaninong silid ang kinaroroonan niya at paano siya napunta roon?

Napahawak siya sa ulo niya. Napangiwi siya nang dumako ang kamay niya sa tagilirang noo niya. Masakit ang bahaging iyon at tila may nakakapa pa yata siyang bukol. Pagkuwa'y unti-unting nagbalik sa isip niya ang nangyari kagabi.

"May nabangga ako," she said slowly as the pieces began to fit together. Her voice sounded weak and strained to her ears.

Naaksidente siya. Natatandaan niyang sinabi rin iyon ng nagpakilala sa kanyang doktor nang magkamalay siya. Bukod doon ay wala na siyang natatandaan pa sa nagdaang gabi. Ni hindi na niya mairehistro pa sa isip ang hitsura ng doktor.

Sinikap niyang tumayo. She felt a little wobbly. But other than that, maayos naman ang pakiramdam niya. Umupo siya sa gilid ng kama at sinuri ang paligid. Nasa isang malaking silid siya na ang sahig at dingding ay yari sa pinong kawayan. The windows were wooden jalousies though.

Mula sa pagitan ng mga siwang ng jalousies ay may mga hanging plant sa labas ng bintana na halos humaharang sa pagpasok ng sinag ng araw.

Nang matanto niyang wala naman talagang sinag ng araw na pumapasok dahil umuulan. Simoy ng nabasang mga damo at halaman ang nalalanghap niya mula sa hangin. She filled her lungs with fresh air. Wala niyon sa Maynila.

Ibinalik niya ang paningin sa kama. Makapal ang kutson, yari sa polyurethane foam. At gawa ang kama sa kawayan at abaka, maging ang headboard at bedside table. They were crafted ingeniously, hindi katulad niyaong nakikita sa tabing-daan sa Maynila.

Ang sahig ay makintab na pinong kawayan din subalit may mga rug. At ang natatanaw niyang mga upuan ay yari sa rattan. Nahinto ang paningin niya sa isang full-length mirror na nasa kabilang bahagi ng silid. Bumungad sa kanya ang reflection niya.

Napahawak siyang muli sa noo. Pakiramdam niya'y may mabigat na bagay ang dumagan doon. Nilapitan niya ang salamin at sinipat ang sarili. May bukol siya sa noo. Mangasul-ngasul na. Malamang na resulta ng pagkakabunggo niya. Pagkatapos ay naalala niyang may kumakausap sa kanya. A male voice. Ang driver marahil ng sasakyang nabunggo niya. Ang huling natatandaan niya ay nang may bumuhat sa kanya palabas sa kotse niya.

Lumabas siya ng silid at natambad sa kanya ang isang di-kalaparang pasilyo. Katulad ng sa silid, yari din sa kawayan ang sahig. Maninipis at masinsin ang pagkakadikit-dikit. She must be in a cottage.

Nilinga niya ang paligid, bukod sa pinanggalingan niya ay may isa pang pinto siyang nakikita. Surprisingly, ang mga dingding ay hindi yari sa kawayan. The walls, and all door jambs and doors, kabilang na ang sa pinanggalingan niya, ay yari sa kahoy.

Sino ang nagdala sa kanya roon nang maaksidente siya? At maliban sa kanya, may nasaktan ba siyang ibang tao sa sasakyang binangga niya? Sana'y wala. Hindi niya kayang dalhin sa budhi niya kung may ibang taong napahamak sanhi ng kapabayaan niya.

Tinalunton niya ang hindi naman kahabaang pasilyo hanggang sa makarating siya sa dulo niyon. Tatlong baitang na yari sa kahoy pababa ay ang sala. Everything about the room was made of wicker and wood.

Ang malapad na sofa na yari sa masinsing uway na natural ang barnis ay may malalaking kutson at napapaligiran ng malalaki ring almohadon. Ang drooping light sa sulok ay yari din sa uway at kawayan.

Hindi pa siya nakakakita at nakakapasok sa ganitong uri ng cottage maliban ngayon. She was impressed. The cottage must be expensive. Pulido, magaganda at pasadya ang mga kasangkapan.

Halimuyak ng mabangong kape ang nalanghap niya. Agad ang pagkaramdam niya ng gutom. Lumakad siya patungo sa natanaw niyang entryway na natitiyak niyang patungo sa komedor.

At hindi siya nagkamali. Sa isang pabilog na mesa—na bagaman may tablecloth sa ilalim ng salamin ay natitiyak niyang yari din sa rattan kung ang pagbabasehan ay ang mga silyang nakapalibot dito—ay may nakaupong lalaki.

Nakatalikod iyon mula sa kinatatayuan niya. She couldn't fail to notice the broad shoulders though. At ang lalaki ay natanto niyang nag-aalmusal.

Ito ba ang nagdala sa kanya sa cottage?

Was he also the same man she remembered last night checking on her and murmuring comforting words that she had nothing to worry? Was he a doctor?

Naramdaman marahil ng lalaki ang presensiya niya at lumingon ito. "Good morning," he greeted her, his voice low and deep.

Napasinghap si Ella nang mamukhaan ito. "I-ikaw?"

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Muli siyang napahugot ng hininga. Sasakyan nito ang nabangga niya? Iyong Ford Expedition? Lihim siyang napaungol. Magkanong daños perhuwisyos ang makakaltas sa kanya? But then a car like that must have comprehensive insurance. Yes, of course. Nakahinga siya nang maluwag sa naisip.

"Hindi ka pa dapat bumaba rito." Tumayo ito at nilapitan siya at hinawakan sa braso. Kung hindi niya napigil ang sarili ay muntik na niyang haltakin pabalik ang braso niya. Tila may ningas ng apoy ang dulo ng mga daliri nito.

Get hold of yourself, Ella, saway niya sa sarili. Masama nga yata ang pagkakauntog niya.

Inakay siya nito patungo sa silya. "Please sit down."

Para siyang robot na sumunod. Then she swallowed hard. "Paanong ikaw ang—"

"Ang nabangga mo?" he finished for her. "Hindi ba dapat na ako ang nagtatanong niyan? Ano ang nangyari at nabangga mo ako? Mabuti na lang at hindi ka gaanong nasaktan."

She shook her head silently. Sa dami ba naman ng sasakyang maaaring mababangga niya, bakit kailangang ang four-wheel drive pa nito ang masuro niya?

"Sa galit mo ba sa akin ay sadya mo akong hinabol at nang makita mo akong nakaparada sa tabing-daan ay sinuro mo ang likuran ng sasakyan ko?" he teased, a lopsided smile curved his lips.

She held her breath. Iyon ang uri ng ngiting magkakamal ng milyong salapi kung mag-eendorso ng alinmang produkto.

Ella blinked. Then said irritably, "Iniisip mo bang gusto kong saktan ang sarili ko?"

"So what happened?"

"N-nasira ang wiper ko... malakas ang ulan at wala akong gaanong maaninag."

"I had my taillights."

"Y-yes. Pero..." Hindi niya aaminin ditong inalis niya ang tingin sa daan para kumuha ng basahan sa gayon kasamang panahon at hindi maaninag ang daan. Sa halip ay bumaba ang tingin niya sa umuusok na kape na nasa mesa. She stared at it with genuine longing.

He chuckled. "Sorry. Kumain ka na muna." Ito na mismo ang nagsalin ng kape sa tasa niya. "Masarap ang sinangag, maligat at maraming bawang. Unless you're one of those who doesn't like garlic?"

Tinitigan niya ang umuusok na sinangag. It smelled heavenly. Lalong kumalam ang sikmura niya. "M-mahilig ako sa bawang..." usal niya.

"Good," he said, smiling. Inabot nito ang bandehado ng sinangag at nilagyan siya sa pinggan niya.

She was really hungry. Idagdag pang katakam-takam ang mga nakahain sa mesa. Tapang baka, pritong daing na pusit, hilaw na kamatis, at sukang may sili. Nagsimula siyang kumain. Ni hindi niya napansin na hindi siya gumagamit ng kutsara at tinidor.

Hindiniya alam kung dahil lamang sa gutom siya o iyon talaga ang pinakamasarap nadaing na pusit at tapang bakang natikman niya. Lasang-lasa niya ang bawang atpaminta. She wondered kung ilang araw na na-marinate iyon. She felt like shehadn't eaten for weeks.    

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon