Chapter 15

18.9K 414 5
                                    


NASA ibabaw ng kama si Ella at nagsisikap makabuo ng kahit ilang parapo nang makarinig ng mahinang katok. "Pasok," aniya sa malakas na tinig bagaman hindi nag-aangat ng paningin. "Busog pa ho ako, Manang Salud," aniya nang maramdamang bumukas ang pinto.

"Do you always make a habit of missing a meal? Alas-dos na, Miss Brillantes," wika ng pamilyar na tinig.

Nag-angat siya ng mga mata. Her eyes met dark ones that was gazing at her intently. "I had brunch. At kung napuna mo kanina ay naparami ang kinain ko. Thanks, anyway."

Hindi agad sumagot si Duke. Hinayon ng tingin nito ang laptop niya bago muling ibinalik sa kanya ang mga mata. "I have to leave. And I won't spend the night here."

Kumunot ang noo ni Ella. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Kailangan ko munang umuwi sa amin, Miss Brillantes—"

"You can call me Ella, for Pete's sake!" she snapped. Alam niyang mas sa sinabi nito siya naiinis kaysa sa paraan ng pagtukoy nito sa kanya. Nilinga niya ang bintana. Umuulan pa rin. "Hindi pa ba humuhupa ang tubig sa tulay?"

"Bahagyang bumaba pero mahirap pa ring daanan. Mapanganib dahil hindi natin masasabi kung ano ang nasira sa tulay. May mga humugos doong malalaking kahoy. Kung hindi na uli lalakas ang ulan ay maaaring bumaba nang tuluyan ang tubig sa susunod na dalawa o tatlong araw..."

Ella groaned in frustration. "Ang... ang bahay mo'y hindi kalayuan dito?"

"Anim na kilometro, humigit-kumulang." His eyes were intent on her. "Hindi kita gustong iwang mag-isa pero magtataka at mag-aalala ang grandparents ko..." His voice trailed off.

Iwinasiwas niya ang kamay at sa bale-walang tinig ay, "Oh, you can go. You are not my keeper. Besides, nariyan naman si Manang Salud, 'di ba?"

Napabuntong-hininga si Duke. "I am afraid that won't be the case. Inihanda lang ni Manang Salud ang pagkain mo ngayong gabi at initin mo na lang sa microwave. Kasama ko siyang uuwi sa bahay. You see..." Muli nitong hindi itinuloy ang sinasabi.

"What is it that you really want to say, Duke?" she said impatiently. "Akala ko ba'y katiwala sa cottage na ito si Manang Salud?" Pagkuwa'y napakunot ang noo niya nang may maisip. "A-are you married?"

Bahagyang umangat ang mga mata nito. One corner of his mouth twitched. "I will be in ten days' time. Ang dahilan kaya kailangan kong umuwi muna ay dahil patungo ngayon sa bahay ang fiancée ko," he said emotionlessly.

"Oh." Hindi matiyak ni Ella kung paano tutukuyin ang biglang pag-ahon ng kakaibang nararamdaman.

"Gusto ko mang iwan dito si Manang Salud ay hindi maaari. Totoong sila ng asawa niya ang namamahala dito sa cottage. Pero abala ngayon sa bahay sa paghahanda para sa nalalapit na kasal at kailangan siya roon..."

Muli itong humugot ng malalim na hininga at nilinga ang bintana. "Isa si Manang Salud sa tatlong cook at ngayong araw na ito pag-uusapan ang mga lulutuin. Magtataka ang lahat kung hindi darating sa mansiyon ang matanda."

"I see," aniya sa kaswal na tono na ikinakaila ang iba't ibang damdaming sumasalakay sa kanya. Panghihinayang, pamimighati, o kung ano pa man.

Damn it, but she shouldn't be feeling this way! She had met the man only yesterday.

Then she raised her eyes to him. "Don't your grandparents and fiancée know about me?"

Guiltily, iniwas ni Duke ang mga mata. "I haven't told them. Yet."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "But why?"

He shrugged. "Hindi ko sila gustong mag-alala. Lalo at nang magkausap kami ni Crissa ay iyon ang sandaling nabunggo mo ang likuran ng sasakyan ko."

"Kung ganoon, paano mo ipaliliwanag ang malalim na yupi sa likurang bumper mo?"

Muli itong nagkibit. "Umaasa akong wala sanang makapuna. Everybody's busy." Then he turned to study her, with that disturbingly intent gaze of his. "Sisikapin kong makabalik bukas ng umaga. Dadaanan ko sa talyer ang sasakyan mo. Ayon sa latero ay matatapos ngayon."

Tumango siya pero hindi sumagot. Itinuon niya ang mga mata sa laptop pero ni alin man sa mga nakasulat doon ay hindi niya nakikita. Hindi niya maintindihan kung bakit naapektuhan siya ng lalaking ito.

"Huwag kang mag-alala. You will be safe here," he said after a while. "Kung bababa ka sa likuran ng cottage ay makikita mong may mga maliliit na cottages sa paligid. My grandparents own this resort. May mangilan-ngilang bakasyunista na dinatnan na rito ng ulan pero hindi gustong umalis."

Nakakailang na katahimikan ang namagitan. Ni hindi niya makuhang magsalita dahil naninikip ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan. Then she heard him move toward the door.

"Ikandado mong lahat ang mga pinto pagkaalis ko."

Para siyang estatwang nanatiling nakaupo sa gitna ng kama at nakatitig lang sa LCD. Nang marinig niya ang tunog ng makina ng Expedition nito ay saka pa lang niya ibinagsak ang sarili sa unan.

Sadness enveloped her like never before. Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya pero hindi niya gustong umiyak. Wala namang nakakaiyak. Marahil ay talagang masama lang ang loob niya dahil sa nangyari sa kanila ni Aldrin. And she felt so vulnerable right now.

Sana'y hindi na lang niya sinunod si Brianna na umuwi siya sa San Fabian. Sana'y huminto na rin ang ulan nang makaalis na siya.

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon