Chapter 1

89 6 4
                                    


"NASUSUNOG ANG ROOM!"

Napabalikwas ako ng tayo mula sa pagkaka-nap ko dahil sa narinig ko.

"Nasaan?!" sigaw ko na kinatingin ng mga kaklase ko sa akin. Tumatawa sila ng palihim kaya nahiya ako. Nakarinig ako ng tawanan sa gilid ko kaya't agad akong lumingon at nakita ang demonyo kong mga kaibigan.

"Ano bang problema 'nyong dalawa ha?" inis kong tanong at agad na umupo dahil sa hiyang naramdaman ko kanina. Kinuha ko ang eyeglasses ko sa bag at sinuot agad 'yon. Natulog kasi ako kanina kaya nilagay ko sa bag para di mabasag. Delikado na baka dko pa makita 'yung nakasulat sa monitor. Umupo naman silang dalawa sa upuang nasa harap ko habang humahalakhak parin.

"Gosh naman kasi April, first day na first and tulog mantika," maarteng sabi ni Pixie at inaayos ang bag nya sa upuan.

"Nanuod ka ng kdrama kagabi 'no?" tanong ni Roselle kahit na alam na niya ang sagot.

Inirapan ko nalang siya at tinawanan lang nila akong dalawa. Tinapos ko pa kasi 'yung It's Okay Not To Be Okay kagabi kaya napuyat ako ngayon.

"Ano naman special sa first day e mag-aaral lang din naman." sabi ko sabay tingin sa cellphone ko para magfb sana. Umirap naman si Pixie at si Roselle ay nanatiling nakatingin saken.

"Marami tayong mahahanap na bagong crush this day kasi balita ko super daming pogi here, and take note girls SHS na tayo kaya dapat na magkaboyfriend na tayo lalo ka na April." pagkabanggit nya ng gwapo ay automatic nagheart ang mata ko.

"Gosh oo nga noh! Hahanap nako ng madaming crush para you know more chances of winning," sabay flip hair pa.

Magsasalita pa sana sila pero dumating na ang adviser namin. Ang ganda ng tindig ni ma'am tapos para siyang anghel sa ganda niya. Naghiyawan naman ang mga boys.

"Goodmorning class, I'm your adviser for this year. My name is Shien Valdez and call me Ms.Shien."

Nagdiscuss si ma'am ng mga regulations sa school at syempre di mawawala ang introduction sa sarili mo. Maraming nagpakitang gilas sa introduction nila lalo na ang mga boys na akala mo ang popogi mukha namang unggoy.

Senior Highschool na ako at nag-aaral sa De Valer Academy. Isang private and prestigious school. ABM ang kursong kinuha ko same sa mga kaibigan ko. Malaki ang classroom namin at base sa narinig ko kanina ay 49 students kami. Hindi pa kumpleto dahil ang iba ay absent pa. Madaming bakante upuan na kadalasan ay nasa likod banda saken ang mga mga bakante.

Inayos ko ang eyeglasses ko at pinagmamasdan ang view mula sa bintana. Nasa second to the last na line ako sa gilid ng bintana habang sila Pixie at Roselle ay nasa harapan ko. Kita ko naman ang monitor banda dito dahil sa right side ng wall siya naka-hang at di sa gitna.

Ang daming puno tapos ang clear pa ng sky. Mukhang magiging maganda ang araw ko today. Sana may makita akong pogi Lord, pampa-goodvibes sana. 

"That's all for today everyone. you can tour around the campus or go home it's up to you. Tomorrow is the real start of the class. Have a great day ahead!" nakangiting sabi ni Ms. Shien at animo'y nagrarampa palabas ng room.

Agad naman naghiyawan ang mga kaklase ko sa tuwa matapos lumabas ang adviser namin at nagmamadaling lumabas para yata mag-ikot-ikot.

Kinilabit ko ang dalawa at sabay silang tumingin sakin.

"Kain tayo nagugutom na ako." sabi ko na sinangayunan naman nila.

Agad kaming tumayo at sinuot na ang bag namin. Magkahawak kami ng brasong umalis ng room at agad na nagtungo ng canteen.

Nalula kami pagkadating sa canteen or should I say cafeteria. Ang laki shocks tapos ang shiny pa ng mga windows parang paulit-ulit na nilinis. Agad kaming pumasok at pumili na para bumili ng pagkain.

"Ang ganda ng cafeteria ng school natin. Kaya ang mahal ng tuition AHAHAHHAHAHA" sabi ni Roselle na kinatawa namin.

Isang slice ng pizza ang binili namin at isang mismo ng royal. Gaya-gaya talaga 'tong dalawang to kahit kailan parang mga tanga. Pumwesto kami sa may gitnang table at umupo agad.

"Balita ko may magbabarkada daw dito na super pogi tapos rich kids", sabi ni Xie habang nilalantakan ang pizza niya.

Kumagat naman ako sa pizza ko at tumango kahit na excited akong malaman 'yun.

Biglang naghiyawan ang mga beki at girls sa cafeteria na kinatigil ko sa pagkain. Napalingon naman kami sa pintuan at parang may pumasok na mga anghel na pinababa galing sa langit.

Para silang F4 dahil apat sila malamang. Unang napansin ko ang lalaking naka maroon shirt and black jeans tapos nakagel ang buhok niya. Singkit at ramdam mo yung jolliness sa awra niya. Katabi naman niya si guy na naka blonde ang hair na nakahoodie at blue jeans, parang chill lang sa gedli ang peg nya habang tumatango sa sinasabi nung lalaking singkit. Nasa likod naman nila yung lalaking nakaheadset tapos red ang damit. Pansin ko yung matangos niyang ilong tapos balat niyang kala mo e anemic sa kaputian. Katabi naman niya yung lalaking moreno and holyshet! ang gwapoooo ,gwapo naman silang lahat pero attractive talaga si kuyang moreno. Matangos ang ilong niya and manipis ang lips. Ang gwagwapo nman nila shocks. 

"Aaaaaa omygadness maiinspire talaga ako lalo nito mag-aral girls", tili ni Pixie na nangingisay sa kilig habang tinititigan yung mga boys.

Umupo yung apat na lalaki sa harap ng table namin. Tinitingnan naman sila ng mga girls at yung iba naman ay lihim na pinipicturan sila. Die hard fans ba nila 'to. Pero ang gwa-gwapo talaga nila. Diko mapigilang tumingin sa kanila. Busy makipagdaldalan 'yung singkit at blonde boy na tinatawanan naman nung dalawang pogi.

"Ay oo nga pala, may nasagap akong chismis about sa kanila. Mga campus hearthrob ek-ek yata yan sila and mga yayamanin sa buong Pilipinas. Actually 5 sila, absent yung parang lider nila.", seryosong sabi ni Roselle na nakahawak pa sa royal niya sa may bibig na parang reporter.

Napatigil naman si Pixie sa pagtitig sa kanila at agad na lumingon sa amin na bahagyang kinagulat ko.

"Gwapo daw yung lider nila, Vann yata ang name if I'm not mistaken. For sure magkakagusto don si April kasi mabait daw 'yun girl", sabay tingin nya sakin.

"Sure ba? HAHAHHAAHAHA char pero ang gwapo talaga nila, parang mga model gosh", sabi ko na ikinatawa nila.

Nag-ring ang bell kaya dali-dali naming tinapos ang pizza at ininom ang royal namin. Pinagpagan ko ang jeans ko at tumayo na. Tumayo naman silang dalawa at nilis ang table namin. Sumenyas akong hihintayin ko sila sa may door at tinanguan naman nila ako.

Mabilis lumipas ang oras at namalayan ko nalang na nasa bahay na ako. Ang boring ng first day or puyat lang talaga ako HAHAHAHA kdrama is life ako eh. Agad kong hinubad ang sapatos ko at naghalf-bath na. Hindi talaga ako mahilig maligo sa gabi kasi minsna nilalagnat ako sa umaga kaya ganun ang weird diba.

Matapos maligo ay kinuha ko ang cellphone ko at nagcheck ako ng qouta Teu ko. App siya na nakakapagpost ka ng thoughts mo ganun parang facebook na twitter pero mas maganda basta 'yon. 

Agad kong sinearch ang @greekyboy tinignan ang latest post niya. Merong 5kreacts at almost 20k comments at 10k shares.

"You're beautiful always remember that, my maiden." 
13 mins ago

"Aaackk omg!!!!!!!!!!" tumitili ako habang tumatalon sa kama ko.

Super duper ultra mega crush ko siya sa Tue App as in like aaaaaaaa. Yung mga post niya nakakakakilig 'yung parang boyfriend ko siya ganun hys sana totoo siya. Mabasa ko lang mga post niya okay na 'yung araw ko alam mo 'yon grabe na talaga 'to.

Nilagay ko ang cellphone ko saUmayos ako ng higa at pumikit na para matulog. How I wish makilala ko siya. Ako na talaga ang pinakamasayang babae sa buong mundo.


-

Thankyou for reading po!!!!!! sana magustuhan niyo ang revised version ng ginawa ko noon. Maybe after this itutuloy ko 'yung isa but not sure pa. ^^



Sunsetحيث تعيش القصص. اكتشف الآن