Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter Seven

114K 2.1K 145
                                    

"Aug. 31, 2014... It has been a week since I last saw Lawrence. Yes, it may sound pathetic and overly outrageous for me to say this, but I miss him. Granny earlier showed me an album of Lawrence's pictures when he was a baby, when he was in the third grade, when he graduated elementary... There were only a couple of his pictures during his high school and college years (typical for a male like him!) but there were a handful of pictures he had with Granny. Today, I commited a crime and may God forgive me for what I did. I stole one of his pictures during his 27th birthday. I can't help it! I guess I really do like him a lot..."

Kinagat ni Abigail ang dulo ng ballpen habang nag-iisip kung ano pa ang isusulat sa kanyang diary. Kasalukuyang nasa loob ng kwarto si Abigail at nagmumuni-muni kung ano pa ang puwede niyang isulat. Inilabas na lang muna niya ang litratong kinuha niya sa album at tinitigan ito. Gusto niya sanang halikan ito, kaso nahihiya siyang gawin iyon kahit na mag-isa lang siya. Napangiti naman si Abigail habang nakatitig pa rin sa larawan.

"Kapag ikaw at ako nagka-anak, gusto ko lahat ng katangian sa 'yo makuha: kaguwapuhan mo, pagiging matalino mo, 'yong tangkad mo... 'Wag lang kasungitan mo." Napahagikgik naman siya na animo'y isang teenager na nakita ang crush na dumaan sa harapan. "Ikaw kasi, eh," saway niya sa larawan. "Binihag mo na nga ang puso ko, pati ba naman isipan ko binihag mo na rin. Ayan tuloy, nagsasalita akong mag-isa."

Mabilis niyang hinalikan ang larawan at saka itinago ito sa mga pahina ng kanyang diary. Para siyang tanga, sa isip-isip niya. Halikan ba naman ang larawan? Itutuloy na sana ni Abigail ang pagsusulat sa diary nang makarinig siya ng kalabog sa 'di kalayuan. Tumayo siya at sumilip sa pintuan. Sa may itaas na baitang ng hagdan, nakita niyang nakahandusay si Lawrence na mukhang nakainom na naman. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at inalalayan si Lawrence na tumayo.

"Sir, kumapit po kayo sa balikat ko." Ipinatong niya ang isang braso ni Lawrence sa kanyang balikat, matapos ay dahan-dahang tumayo si Abigail habang nakaakay sa kanya si Lawrence.

Inalalayan ni Abigail si Lawrence sa kuwarto nito. At nang makarating na sila sa kuwarto ng binata, inihiga na niya si Lawrence sa kama at iniayos ang pagkakahiga nito. Aalis na sana siya upang tawagin ang kasambahay ngunit napatigil siya nang maalala niya na alas-dose na pala ng umaga at baka mahimbing pa ang tulog ng mga iyon.

Muling hinarap ni Abigail ang nakahiga at natutulog na Lawrence. "Ikaw sir, ha. Inaabuso mo na talaga ang kabaitan ko. Pero dahil mahal kita, sige na nga." Nilapitan niyasi Lawrence at itinanggal niya ang sapatos nito. Umayos naman siya ng pagkakatayo at pinagmasdan ang kabuoan ni Lawrence. Napakagat-labi si Abigail habang iniisip kung huhubarin ba niya ang suot nitong pantalon o hindi na. Pero kung tatanggalin niya ang suot nitong pantalon, baka ano pa ang makita niya. Pero dapat sanay na siyang makakita ng mga ganoon. Ilang pasyente na rin naman ang tinulungan niyang paliguan no'ng nagbo-volunteer pa siya. 'Yon nga lang, puro comatose ang mga pasyenteng pinaliguan niya noon.

"Ang polo na lang," mungkahi niya sa sarili. "Mahirap na, baka may makita akong 'di ko makita. Baka aksidente ko pang mahawakan." Humagikgik siya sa kanyang sariling biro. Umupo si Abigail sa tabi ng kama at tinanggal niya ang suot na polo ni Lawrence habang himbing pa rin ang pagkakatulog nito. Namangha naman siya sa malapad na dibdib ni Lawrence. "Mukhang ang tigas ng pectorals ninyo, sir. Puwedeng pahawak? Pero 'wag na lang. Baka kasuhan n'yo pa ako ng sexual abuse."

Nang nakuntento na si Abigail na maayos nang makakatulog si Lawrence, tatayo na sana siya nang hinawakan ni Lawrence ang kamay niya. "Don't leave me. Please..." pakiusap nito habang pikit pa rin ang mga mata.

Napaupo muli si Abigail at pinagmasdan ang mukha ni Lawrence. Mukhang nananaginip ito, at alam ni Abigail kung ano ang laman ng panaginip na iyon. Kahit sa panaginip, nagmamakaawa pa rin ang lalaki na huwag iwan ng nobya. Kumirot naman ang puso ni Abigail. Napabuntong-hininga na lamang siya at hindi na nag-abalang tanggalin ang kamay niya sa pagkakahawak ni Lawrence. Ngunit nagulat siya nang bahagyang hinila ni Lawrence ang kamay niya at ipinatong ito sa kanyang dibdib, sa bandang puso nito.

Ilang minuto rin na nakaganoon ang posisyon niya. Nang makaramdam siya ng pangangawit ng braso, dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya ngunit muling hinila ni Lawrence ang kanyang kamay, dahilan kaya ang kalahati ng katawan ni Abigail ay nakapatong na sa dibdib ni Lawrence, ang mukha niya ay ilang pulgada na lang ang layo sa mukha ng lalaki. Gamit ang isang libreng kamay niya, itinulak niya ang sarili papalayo sa katawan ni Lawrence nang maramdaman niyang gumalaw si Lawrence sa ilalim niya at nagulat na lamang siya sa mga pangyayari nang biglang pumaibabaw si Lawrence sa kanya at si Abigail naman ngayon ang nakahiga sa kama. Nakadilat na ang mga mata ni Lawrence at nakatitig ang mga mapupungay nitong mata sa kanya.

"Sir, teka lang po." Itinulak ni Abigail sa dibdib si Lawrence upang makawala siya sa pagkakakulong sa mga bisig ng binata.

Laking gulat na lang ni Abigail nang ibinaba ni Lawrence ang mukha nito at dumampi ang mga labi nito sa mga labi niya. Namilog ang mga mata ni Abigail, ang labi niya ay mahigpit na nakasara habang ang mga maiinit na labi naman ni Lawrence ay naging mas mapusok na tila bang nag-uudyok sa kanya na ibuka niya ang kanyang bibig.

Bahagyang inangat ni Lawrence ang mga labi nito mula sa pagkakahalik kay Abigail. "Open your mouth for me, baby..." At muling nitong hinalikan si Abigail sa labi.

Animo'y naglalaban naman ang utak at puso ni Abigail. Ang utos ng kanyang utak ay itigil na ang kanyang kahibangan at lumayo na kay Lawrence. Ngunit ang puso naman niya ay inuudyok siyang hayaan ang sarili na maranasan ang mga halik ni Lawrence, ang mga haplos ni Lawrence sa kanyang braso, ang init ng katawan ng binata... Unti-unti namang bumibigay ang katawan ni Abigail na isuko ang sarili kay Lawrence, dala na rin ng malalim at mapupusok na halik sa kanya ng binata. Dahan-dahan namang ibinuka ni Abigail ang mga labi niya at maharang napapikit at hinayan ang sarili na malunod sa kakaibang pakiramdam na dulot ng paghalik sa kanya ni Lawrence. Ipinasok naman ni Lawrence ang kanyang dila at sinalubong iyon ni Abigail, habang hindi namamalayan ng dalaga na inaangat na pala ni Lawrence ang kanyang pang-itaas na suot.

Inilayo ni Lawrence ang kanyang mukha kay Abigail at tuluyan nang tinanggal nito ang saplot ng dalaga. Ilang segundo pa at tuluyan nang nakahubad si Abigail at wala na rin ang suot na pantalon ni Lawrence.

"You're beautiful," anas ni Lawrence habang hinahaplos nito ang pisngi ni Abigail.

Napapikit ng mga mata si Abigail habang gumapang ang mga labi ni Lawrence sa kanyang leeg. Ito ba ang sinsasabi sa kanya ni Francine? Na nakakagawa ng kagagahan ang isang taong sobra kung magmahal? Tama nga ba itong ginagawa niya? Gaano nga ba niya kamahal si Lawrence?

Nang maglakbay ang mga kamay ni Lawrence sa kanyang katawan, itinapon ni Abigail ang lahat ng kanyang mga alinlangan. Kahit ngayong gabi lang, kahit isang beses sa buhay niya ay magiging kanya si Lawrence. Nagyong gabi, hahayaan niyang magpakagaga ang sarili. Bahala na kung ano ang mangyayari bukas.

Nakaramdam na siya ng kirot sa kanyang pagkababae, hudyat na sinimulan na ni Lawrence ang pagpasok nito. Hindi ininda ni Abigail ang sakit. Alam niyang mararamdaman niya talaga iyon sa umpisa. Nagsimula na ring gumalaw sa ibabaw niya si Lawrence at sa 'di kalaunan, ang sakit ay napalitan na rin ng sarap. Ipinulupot ni Abigail ang kanyang braso sa leeg ni Lawrence at hinayaan niyang malasing ang kanyang diwa sa mga galaw ni Lawrence. Napaungol si Abigail at alam niyang malapit na siya sa kanyang climax. Nang narating na ni Abigail ang pinakadulo, sumunod naman si Lawrence. Bumagsak ang katawan ni Lawrence kay Abigail at isiniksik ang mukha nito sa buhok niya.

"I love you, Vanessa..." bulong ni Lawrence.

Tumagos ang sakit sa puso ni Abigail at unti-unting pumatak ang kanyang luha. Ito na siguro ang kapalaran ng mga sobra kung umibig at nakakagawa ng kagagahan.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Maxine Laurel, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Maxine Laurel
@MaxineLaurel
Being noticed by Lawrence is Abigail's lifelong dream. But when chanc...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 20 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @MaxineLaurel.
The LOVE DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon