CHAPTER ONE

587 17 0
                                    

"Are you even listening to my explanation, Miss Alcantara?"

Napaigtad sa gulat si Verlaine sa matinis na boses ng kaniyang kliyente. Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa babae na kasalukuyang nakasimangot at nakapamewang habang nakatayo sa kaniyang harapan. Maganda ang mukha nito, may kulot na buhok at balingkinitan na katawan. Iyon nga lang ay meron itong matinis na tinig na kanina pa nakakapagpasakit sa kaniyang tainga. Hindi niya alam kung may lahi ba itong duwende dahil sa liit ng boses nito na parang galing sa kailaliman ng lupa.

Dumako ang kaniyang tingin sa asawa ng kliyente na nasa tabi lang ng babae. Relax na relax ang itsura nito na parang balewala lang na nakikinig sa asawa. She took a sigh behind her head.

Deeply asking the universe kung bakit napaka-wrong timing ng dating ng mga ito. Pakiramdam niya ay ang malas niya ng araw na 'yon dahil sa sa napakarami hindi magandang nangyari. Unang-una, na-stuck siya sa traffic pagkatapos ay natapunan pa siya ng coffee habang nagmamadali na pumunta sa kaniyang opisina. Ibinalik niya ang atensyon sa babaeng kliyente na talak pa rin ng talak sa kaniyang harapan. To make her day worst newlywed pa ang bago niyang kliyente. What a coincidence, right?

Iniwasan niyang mapabuntong hininga. Nagsimula ang kanilang meeting an hour ago pero wala siyang naintindihan sa mga gusto nitong ipaayos sa bahay nito. Kahit anong pilit niyang intindihin ang gusting ipagawa ng babae ay walang pumapasok sa kaniyang utak. Her mind is wandering somewhere, to the place where her beloved Clayton lies.

Kamusta ka na kaya Clayton? Lumipas pa lang ang isang araw ngunit labis na ang pangungulilang nararamdaman ko. Sobra pa rin siyang nasasaktan sa sinapit ng kaniyang nobyo sa mismong napakaimportanteng araw pa sa kanilang buhay. Napailing si Verlaine. Hindi! I should be thankful rather than feeling like this. Ang mahalaga ngayon ay ang manatiling buhay pa si Clayton. Makakapaghintay naman ang pag-iisang dibdib namin. Pagsubok lang ito na ibinigay sa amin para lalo kaming maging matatag.

"Maybe we'll just come back the next day."

Muling bumalik ang kaniyang atensyon sa babaeng kausap nang magsalita ulit ito. Kinabahan si Verlaine nang makita niya ang babae na nag-aayos na ng mga gamit nito. Tumayo siya saka hinarangan ang mag-asawa na akmang lalagpasan siya.

"Wait, Miss Oquendo. I apologize if I'm a bit occupied for a moment. How about we talk about it now? I promise I will give my full attention to our discussion," she explains.

Kinabahan si Verlaine ng hindi umimik ang babae. "Sh*t," mura ni Verlaine sa kaniyang isipan. Kasalukuyang kinakastigo ni Verlaine ang sarili nang magsalita ang asawa nito.

"Don't worry, Miss Alcantara. We understand what you're going through. Let just reschedule the meeting for the discussion of the details again," ani ng babae bago tuluyang nagpaalam sa kaniya kasama ang asawa nito.

Muli siyang humingi ng pasensiya. When her office door closed, she threw herself down the swivel chair then she took another deep breath nang mapatingin siya sa nakasabit na orasan sa pader. Pass 12 na pala but I don't feel hungry.

Muling bumalik sa kaniyang alaala ang mag-asawa. Mabuti na lang at nagkataon na mababait ang naging kliyente niya ngayong araw. Kung hindi paniguradong malaking gulo ito sa parte niya. She could be labeled as the designer who can't separate her personal life and her profession. Umiling siya. Tinapik niya ng ilang beses ang kaniyang sarili upang magising ang kaniyang diwa. Get a grip, Verlaine! Kailangan mo ng bumalik sa dating ikaw.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo kailangan niyang maghilamos ng kaniyang mukha. Iyon lang siguro ang kulang para tuluyan siyang magising para ma-refresh ang kaniyang isipan. Gagawin ko ang lahat ng pending designs ngayong umaga pagkatapos ay makauwi na ng maaga baka may sumunod na namang kliyente at mangyari na naman ang nangyari kanina. I shouldn't take the risk. Hindi rin naman ako makakapagtrabaho ng maayos.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon