CHAPTER TWELVE

197 4 0
                                    

Mula nang sabay nilang kinain ang almusal na niluto nito hanggang sa makarating silang dalawa sa hospital. Kahit gustuhin man ni Verlaine na kausapin ito ang awra na inilalabas ng lalaki ang pumipigil sa kaniyang bibig na maglabas ng kahit anong ingay. Nakakatakot!

Tinapunan niya ng tingin ang kapatid ng nobyo na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang may binabasang medical magazine. Kung saan nito nakuha 'yon ay hindi niya alam. She shook her head. Hindi niya mapigil na hindi maguluhan sa kinikilos ng binata. Sinabi na nito na kinamumuhian nito ang kapatid ngunit niligtas siya nito kahapon at ngayon ay narito ito sa kuwarto ni Clayton kasama siya.

Hindi na niya matantiya kung ano ba ang naglalaro sa isipan nito. Dumako ang tingin niya sa bulaklak na natanggap niya kahapon at naalala ang ginawa ni Jaxxon nang makarating sila sa silid. Inis nitong kinuha ang bulaklak na itinapon niya sa basurahan at saka padabog na ibinigay sa kaniya.

"Why did you throw away that innocent flower? Don't you even feel guilty for the sacrifice those flowers made? What a waste! Hurry and fix this!"

She tried to reason with him, but it only made him even angrier. Hindi ba at sinabi rin nito na h'wag siyang tatanggap sa hindi niya kakilala? Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. Hindi na talaga niya alam ang kaniyang gagawin. Hirap siyang basahin ang lalaki. Minsan kung tratuhin siya nito ay para siyang invisible, minsan naman ay super ang galit nito, at gaya kahapon super kung mag-alala para sa kalagayan niya.

Nagbalik sa kaniyang isipan ang mga nangyari sa kaniya. Ang sunod sunod na pinagdaanan niya. Nagpakawala siya ng munting buntong hininga. Siguro naman magiging maayos na ang takbo ng lahat.

Nilapitan niya ang kaniyang nobyo saka hinaplos ng paulit ulit ang buhok nito. Happy valentine's day, mahal. Gumising ka na oh... Miss na miss na kita.

"By the way, wala ka bang trabaho ngayon?" Jaxxon asked out of the blue.

Natigilan si Verlaine sa paghaplos sa buhok ng kaniyang kasintahan then gave Jaxxon an are-you-kidding-me look. "Unfortunately, wala dahil sinulot ng girlfriend mo," she answered in a bitter tone.

Magsasalita pa sana ang binata nang matigilan ito sa biglang pagbukas ng pintuan ng silid. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

Biglang napatingin si Verlaine sa pinanggalingan ng malakas na tinig. Muntikan na siyang mapasinghap nang balingan niya ng tingin ang ama ng nobyo na kunot noong nakatingin sa walang emosyong na si Jaxxon.

Nilapitan niya ang kaniyang future father-in-law. "Tito Edgardo," pagtawag niya sa atensyong ng matandang lalaki upang mabawasan ang tensyon na sa paligid nila. Sa itsura kasi ng matandang lalaki ay para na nitong masasaktan ang binata.

"Ano'ng ginagawa ng lalaking ito sa kuwarto ng anak ko, Verlaine? Wala siyang karapatan na pumunta dito," puno ng authoridad na saad nito sa kaniya.

Ibubuka na sana ni Verlaine ang bibig para sagutin ang tanong ng matanda nang magsalita si Jaxxon.

"Huwag mong idamay si Verlaine dito, Edgardo! Hindi naman siguro saklaw ng pinagmamayabang mong kapangyarihan ang lugar na ito kaya ikaw ang walang karapatan na magmando kung sino lang ang puwedeng makapasok sa silid na ito."

Napatunganga na lamang si Verlaine sa tawag ng binata sa ama nito. Tinawag niya lang ito sa pangalan. Napakawalang modo talaga ng lalaki!

"Napakawalang kuwenta at walang modo mo talagang bata ka!" sigaw ng ama nito.

Naalarma si Verlaine nang sinubukang nitong suntukin si Jaxxon. Mabuti na lang at nagawa itong salagin ng binata pagkatapos ay itinulak ang matandang lalaki palayo. Halos mapugto ang hininga ni Verlaine nang makita ang pagtama ng likod ng matanda sa pader. She wanted to go between the two, but she can't even move any further.

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Where stories live. Discover now