Chapter 4

10.7K 182 0
                                    


"HINDI totoo 'yan!" inis na sabi ni Adam sa Ate Anette niya. Natuwa siya nang dalawin siya ng panganay nila ngunit hindi niya gusto ang balita na inihatid nito.

"But it's true," nakangiti pang sabi ni Ate Anette. Parang hindi man lang nakikitang na-upset siya sa sinabi nito. "Talagang may ibang lalaki na siya. Hindi ka na niya mahal. In fact, binigyan nga siya ng ring noong lalaki."

Hindi pa rin naniniwala si Adam. Tinanong niya ang kanilang mayordoma na si Manang Loida pagkaalis ng Ate Anette niya. Hindi agad nakasagot ang mayordoma nang tanungin niya. Ngunit nang magsalita ito ay pinasinungalingan lang ang sinabi ng kapatid niya. Wala raw ibang lalaki si Majoyce. Ayon naman kay Kimi ay fancy ring lang ang sinasabi ng Ate Anette niya na bagong singsing ni Majoyce. Baka raw napaghinalaan lang ng kapatid niya na bigay kay Majoyce ng ibang lalaki.

Sapat nang kumpirmasyon iyon kay Adam.

Nang sumunod na araw ay inutusan niya si Kimi na i-order siya ng bouquet ng isang dosenang long-stemmed red roses.

Sinunod ng nurse ang utos niya. Nagtataka siya kung bakit ang ngisi nito ay parang ngisi ng isang taong pinakakagat lang ang kalaban. Nang tanungin naman niya kung ano ang nakakatawa ay patay-malisyang nag-deny lang ito.

"Masaya lang ako," sagot ni Kimi. "'Di ba dapat laging masaya ang tao para mabawasan ang problema sa mundo? Laughter is the best medicine, sabi nga. Tingnan mo ikaw, lagi kang masaya kapag dinadalaw ka ni Majoyce."

"Ano naman ang masama kung maging masaya ako na dumadalaw sa akin ang girlfriend ko?" may pagdududang tanong ni Adam. Kung umasta ang dalaga ay parang may alam ito na hindi niya alam.

"Wala." Umikot pa si Kimi sa wheelchair na kinauupuan ni Adam at dinutdot ang tungki ng ilong niya.

Pumiksi siya. Tila lalong naaliw ito.

"Walang masamang maging masaya ka," sabi ni Kimi. "Infact, you should be. You'll never know when it will last." Ngumiti sa kanya siKimi nang impersonal na ngiti ni Smiley bago lumabas ng silid. Naiwan si Adamna nakatunganga sa pintuang nilabasan nito.    

Adam's Sassy Girl by Dawn IgloriaWhere stories live. Discover now