Ara's Point of View
Maaga akong gumising ngayong araw. Ayokong pag-gawain si Thomas ngayon. I want him to rest for this day because it's his Graduation Day and it's Tintin's one month with us.
Hindi ako makakasama sa PICC today kasi minimum of two lang pwedeng isama ng graduatees. Syempre, si Tita Jane at Tito Rino yun.
Nagpareserved ako ng table sa isang restaurant near Makati para sa celebration namin after his graduation. I did'nt tell this to Thomas at kasabwat ko ang family niya.
Hinalikan ko si Thomas sa pisngi at binuhat si baby Tin na gising na. Pagkabukas ko ng pinto ay nasalubong ko si Manang.
"Good morning, Ma'am Ara." Ngumiti lang ako. "Ang aga niyo yata ngayon."
"Yes Manang. Maghahanda ako ng breakfast natin. I want to surprise Thomas." Nakangiti kong sabi saka binalingan ang karga kong si Tin. "Right, baby?" Nilabas ni Tin ang dila niya.
Ang cute.
"Ako na po munang bahala kay baby Tin." Sumang-ayon ako sa kanya at binigay si baby Tin sa kanya.
Linabas niya si baby Tin para paarawan.
Sinimulan ko na ang pagluluto. Binilisan ko ang pagkilos ko. Baka kasi magising na si Thomas.
Sinangag na may kasamang hotdog at bacon ang niluto ko. Nagtimpla din ako ng coffee niya. Linagay ko sa tray ang mga niluto ko.
Mula ngayong araw, pagsisilbihan ko na si Thomas.
Pagkabukas ko ng pinto, gising na ang chinitong gwapo kong boyfriend.
"Good morning, my prince." Bati ko sa kanya habang nilalagay sa side-table ang pagkain niya. "Breakfast ka na."
"Good morning, my princess. Thank you sa breakfast." He kiss my cheek. "Sabayan mo na ako."
Ngumiti ako.
"Mamaya na ako kakain. Sasabayan ko si Manang. Graduation mo ngayon. Kumain ka na. Baka ma-late ka pa."
"Okay. Thanks again, my princess." Tumango lang ako.
Habang kumakain siya ay hinahanda ko ang polo at toga niya. Nagalit pa nga siya. Hindi ko na daw dapat gawin yun. Hinayaan ko lang siya.
Pagkatapos niyang kumain ay dinala ko na lababo ang pinagkainan niya na sakto namang kararating ni Manang at baby Tin.
Binuhat ko muna si baby Tin at pinakuha kay Manang yung stroller para makapag-almusal na kami habang naliligo si Thomas.
Mabilis kaming kumain ni Manang. Hinayaan ko na lang muna siyang magpaligo kay baby Tin.
Aasikasuhin ko ngayon ang boyfriend ko.
Pagpasok ko sa kwarto namin ay nakasuot na ng sando at slacks si Thomas. Ang bilis naman niyang maligo.
Nilagyan ko ang mukha niya ng kaunting foundation. Inayos ko rin ang kilay at buhok niya.
"Thank you, my princess." Hinalikan niya ako sa pisngi. Tinulak ko siya.
"Hindi pa ako naligo, Thomas." Inirapan ko siya. Nakakahiya.