Chapter 3

859 27 1
                                    

_____CHAPTER 3_____


    【  CODY 】


"Number seven, please.."


Napatingin ako sa prior number card ko.
Number nine.

Malapit na ako.

Magde-deposito ako ngayon. Nag-iipon kasi ako.

Almost six years narin akong nagse-save sa account na ito. At masaya naman ako dahil kahit paano ay malaki na ang naiipon ko.

"Number eight, please.." tawag  nung isa pang teller.

Malapit narin ang turn ko, mabuti naman.  Kailangan ko pa namang makabalik sa university bago mag-ten dahil may exam pa akong gagawin pagdating ng ten-thirty.

Habang pino-proseso nung bank teller ang account nung number eight ay biglang may pumasok na lalaki na naka-jacket, naka-hood, naka-shades, at may takip na panyo sa bibig. Nakaka-ilang hakbang palang ito sa loob ng banko nang bigla itong bumunot ng baril at sumigaw.

"HOLD-UP 'TO! DUMAPA KAYONG LAHAT!"

Tarantang nagluhuran naman ang lahat sa takot. Samantalang habang dumadapa ako ay pasimple kong niluklok sa ilalim ng single sofa na inuupuan ko ang wallet ko. Buti naman at may lugar akong napaglagyan nu'n.

Tapos ay lumapit ang holdupper du'n sa isang teller ng banko at inutusang ibigay lahat ng pera na meron ang banko.

Gusto ko sanang pigilan ang lalaki. Kaso, may kalayuan siya mula sa'kin. Baka bago pa ako makalapit ay maputukan na niya ako.

"HOY! ANONG TINITINGIN-TINGIN MO DIYAN? YUKO!!" Yumuko naman agad ako nang makita ako nung holdupper na tumitingin rito.

"KUNG SINUMAN SA INYO ANG MAKITA KONG MAY GAGAWING HINDI KO GUSTO, PAPATAYIN KO!" ni isa ay wala na ngang gumagalaw sa amin. Humihikbi na yung isang bata malapit sa'kin dahil sa takot. Pilit naman itong pinakakalma ng ina niya.

Anong gagawin ko?

Busy sa pagkuha ng mga pera yung lalaki sa bank teller habang nakayuko parin kaming lahat.

Tiyempong nadako ang paningin ko sa salaming pinto ng banko nang biglang may pumasok doon na isang babae na tila walang takot na naglakad diretso du'n sa nakatalikod sa kanyang holdupper. Maikli at napaka-itim ng buhok nito na may bangs, naka-shades din. Tanned ang skin complexion niya. Nakasuot lang ito ng sleeveles blouse at pantalon, at kapansin-pansin ang matitigas nitong balikat at maumbok na braso. Ngunit sa kabila nito, napakaganda ng hubog ng katawan niya.

Para siyang pusa kung lumakad, kahit tila mabigat ang mga hakbang niya'y napaka-tahimik naman. Kung pipikit ako, hindi ko agad siya mapapansin.

Wow, ang bilis ko yatang napuna yun lahat.

Ngunit bakit nga ba parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari? Hindi ba siya aware sa nangyayaring holdup?

Samantalang pagtingin ko du'n sa direksyon nung holdupper at ng teller ay napansin nung holdupper ang pagkatulala ng teller sa likuran nito kaya agad naman itong lumingon sa direksyong tinititigan nung teller.

Naalarma bigla yung lalaki nang makita niya yung babae at tinutok sa babae yung baril. Ngunit bago pa niya ito mapaputok ay biglang sinipa nung babae ang kamay nito sanhi upang mabitawan nito ang hawak na baril at mapalipad ng sobrang taas sa ere. Nang tumingala yung holdupper ay humakbang palapit rito ang babae at sinuntok ito sa kaliwang pisngi. Sa lakas nun ay napaikot at natumba yung holdupper. Ngunit agad itong bumangon at tinangkang saluhin yung baril na pahulog na mula sa ere. Ngunit bago niya pa magawa ay tumalon paikot yung babae at sinipa ulit yung baril. Lumipad ulit ito at bumagsak malapit sa'kin.

The Gangster and the Undercover 2: Mission and DistractionWhere stories live. Discover now