Chapter 6

774 25 1
                                    


_____CHAPTER 6_____


Pabiling-biling lang ako sa paligid ng kama ko buong gabi. Hindi ako makatulog. Hindi ko siya maalis sa isipan ko.

Si Hyacinth.

Actually, all these years hindi naman talaga siya nawala sa isipan ko eh, kahit isang araw hindi ko siya kinalimutan. It's just that, this time,  mas lalo pa akong nanabik sa kanya specially after that day at the bank.

When I thought I saw her again.

I was so happy then. Thinking that my agony will then disappear and will put not in vain.
At nang makita at mahanap ko ulit siya, awww..mas nanabik ako sa kanya.
I was so emotional then, halos sunggaban ko siya ng yakap nu'n. I even cried, for Pete's sake! Ganun ko siya kamahal!

Pero sa halip na yakapin niya rin ako, kinarate-chop pa naman ako't iniwang walang malay sa school?

"AAAAAARGH!!!" napasigaw ako sa inis saka mariin kong tinakip ang unan ko sa ulo ko.

"NAKAKAINIS KA, GEEK!" sigaw ko kahit takip ng unan yung mukha ko.

"Pagkatapos kong magtiis sa paghintay at pananabik sa'yo ng sampung taon?!??"

Kung alam lang niya kung gaano ako kasabik sa kanya! All this time, naging loyal ako sa kanya kahit hindi ko naman siya girlfriend. Ang dami ko nang ni-reject na mga magaganda at seksing babae dahil sa kanya! Tiniis at pinalampas ko ang pang-aaway ng hazzards sa'kin na kesyo bakla raw ako, kesyo NGSB ako, na hindi raw ako marunong manligaw, at kung anu-ano pa!!
Kung alam lang ng bwisit na geek na yun!

"AAAARGH!"

Nanggigil ako sa galit at napabalikwas ng bangon saka binato ng malakas ang unan ko.
Tapos ay pumatlang na ang napakahabang katahimikan nu'n. Tanging paghinga ko nalang ang naririnig ko.

At ang tibok ng puso ko.

"Galit ako sa'yo, geek." bulong ko sa sarili kalaunan.

'Galit na galit ako sa'yo..'

My eyes are watery again.

And this sucks so much.


*~*~*~*~*~*~*


"CHEERS!!!"
Nasa isang restaurant kami na pag-aari ni Arthur. Biglang nagyaya si Nash. Buti at libre ang lahat ng hazzards.

"Ang ganda ng restaurant mo, Art." kumento ni Carlos na gaya ko, ngayon pa lang din nakapunta rito. "Thanks. Actually, kamuntikan na itong ma-bankrupt. But just after I graduated, ginawa ko talaga ang lahat para mapalago ito muli. At ngayon, heto na siya." proud niyang salaysay.
Nagpalakpakan naman ang kambal.

"Woo! Galing mo 'tol! Mabuhay ka!" bunyi ni Milo.

"Yeah! We should cheers for that, eh?" segunda naman ni Mike habang sumasalin ng wine sa mga baso namin.

Kanya-kanya namang kuha ang lahat ng wine glass at tinaas sa ere.

"For Arthur's victory, CHEERS!!"

"CHEERS!!"

Habang masaya kaming nagku-kwentuhan, hindi makubli ang kalungkutan, at pati pagkabahala sa likod ng mga ngiti at tawa ni Nash. Actually, napapansin kong tila nag-iba na ang kilos niya pagkatapos ng conversation namin kahapon--or should I say, noong pagpasok na pagpasok palang niya sa bahay kahapon?
Haaynaku. Ang wierd niya ngayon.

"Hoy Nash, ayos ka lang bro?" maging si Carlos ay napansin rin pala ito.
Nginitian naman ito ni Nash, pero halatang peke. "A-ayos lang."

"Haynaku pare, mag-move on ka na nga kay Kylie!? Ang dami-daming babae sa buong Alps no!" sabat naman ni Paul.

"Alam mo Paul, sinubukan ko talaga iyan." natahimik kaming lahat sa sinagot niya. "Pero ayaw eh."

"Kung ayaw bro, edi suyuin mo pa!" saad naman ni Mike.

The Gangster and the Undercover 2: Mission and DistractionWhere stories live. Discover now