Chapter 33

3.7K 124 22
                                    

"I wonder if I ever cross your mind. Because for me, it happens all the time."


Jaxlyn Shane's POV

Padabog kong nilagay sa basurahan ang kalat na winalis at dinustpan ko.

"I'm done. Should I go home now?" Pagtataray ko sa isa sa mga student council na nagba-bantay saakin. Pinagpa-pawisan na ako, saka ang init.

"Sige na." Sabi nito at pumunta doon sa iba pang naglilinis. Mabuti na lang at madami-dami kami dito sa likod ng building na naglilinis. Nahuli kasi nila akong nag-vandal sa CR ng girls e. Hindi ko naman dapat gagawin 'yun, kung wala akong nabasa na naka-sulat doon na. . .

Malandi si AC. Presidente ng mga Malandi.

Nag-init ang ulo ko pagka-basa nito. Sino ang hindi? Kaya sinagot ko rin siya sa pamamagitan ng pagsulat din, tapos pinilit ko ring crinoss-out ang pangalan ni AC.

Mas malandi ka. Makita lang kita, sapak ka sakin

Love Shane

Kaso na-tsambahan ako ng isang student council kaya pina-community service ako. Ayos lang naman, basta kapag nalaman ko kung sino ang sumulat no'n, talagang lagot siya saakin.

Umalis na ako at agad bumalik sa classroom, nagbabakasali na nando'n pa si AC.

"Nakita mo ba si AC?" Tanong ko sa naka-salubong kong kaklase habang tinitingnan ang relo ko. Ang aga pa, umuwi kaya agad siya?

"I don't know." Maarteng sagot niya. Tiningnan ko naman siya ng masama kaya napa-irap siya. "Hindi ko nga alam." Sabi lang nito at nilagpasan na ako.

Lumabas na lang ako ng classroom at inikot ang paningin ko. Nakakainis naman! Ba't niya ako iniwan?

Ililibre ko pa naman sana siya ngayon dahil confindent akong mataas ang makukuha kong score sa exam. Natigilan ako saglit nang biglang may nagtatakbo papalapit saakin. Hingal na hingal ito. Base on her uniform she's also senior.

"Shane!"

I raised my eyebrow while looking at her catching her breath and pointing her hand at the gate.

"S—Si. . . Pres. . . May kumuha sakan'ya."

Agad kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Kinuha siya ni Riza!" Sigaw niya saakin. Agad bumilis ang tibok ng puso ko. Sinasabi ko na nga ba e. Dapat kasi hinintay niya ako.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng skirt ko at agad dinial ang pangalan ni King.

"I need your help. Samahan mo ko kay Rico." Pagkasabi ko nito ay agad ko ring binaba ang phone ko at dali-daling lumabas ng campus. Ilang sandali lang din ay agad ko na nakita sila King at ang grupo niya na naka-motor.

"Anong nangyari?" Tanong niya habang uma-angkas na ako sa likod niya.

"Just shut up and go." Sabi ko lang at agad naman niya pina-harurot ang motor niya. Sumunod na rin ang mga ka-grupo nito.

Taming Mischievous Princess (GxG) (✓)Where stories live. Discover now