Prologue

3.3K 42 11
                                    

Notice: This is pure fictional and was made just by the use of my imaginations. Thank you..

This is in the genre of SHORT STORY and TEEN FICTION. It's about friendship and love.

-

Tumakbo ako ng tumakbo dito sa footwalk habang siya nama'y panay ang habol sakin. "Ano ba?! Sabing ayaw kong sumama eh," sabi ko nung mahabol niya ako at hinablot ang braso ko.

"Magpapasama lang naman ako eh." Sabi niyang naka-nguso.

"Eh bakit kase ako pa? Kitang may ginagawa yung tao." Sabi ko sabay lakad pabalik sa classrom.

Hinablot na naman niya ang pulso ko. "Eh, sige na. Madali lang naman." Sabi niya.

"Eh madali lang pala, kaya mo na yun." Sabi ko sabay tabig sa kamay niyang nakahawak sa pulso ko.

Natinag naman ako nung maramdaman kong nag-stiff siya pagkatapos kong tinabig ang kamay niya. Agad naman siyang tumalikod at naglakad papunta sa canteen.

Hinabol ko naman siya ng mabilis at inakbayan kahit na ang taas taas niya, hanggang balikat nga lang niya ako eh. >3< "Uyyyy, sorry sa pagtabig ha. Lika, samahan na kita." Sabi ko.

Nagulat naman ako nung huminto siya sa paglalakad. Tiningnan ko siya sa likod at nginitian. "Tara na." Sabi ko sabay paypay sa kanya papunta sakin habang siya ay naka-poker face pa rin.

"Tara naaaaaaaaaa..." Sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya.

Panay naman ang iwas at pagpipigil sakin. Pinipigilan rin niyang matawa. "Ano ba?!" Sigaw niya sabay tabig ng malakas sa dalawang braso ko.

Sinigawan niya ako?

Ngumiti ako ng tipid. "Pasensya na ha." Pagpapaumanhin ko sa kanya. Mangiyak-ngiyak akong tumalikod agad nung maramdaman kong nagbabadyang lumabas ang mga luha mula sa aking mga mata.

Wala akong sa wisyong naglakad pabalik ng classrom. Pinunasan ko agad-agad ang luha kong tumulo. Bakit ba ako iiyak? Wala naman akong dapat iiyak diba? Diba?!

Niyuko ko na lang ang ulo ko habang naglalakad. "Teka lang!" Rinig kong sigaw niya mula sa likod kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko.

Narinig ko ang mga dagundong ng kanyang tumatakbong mga paa kaya napatakbo na rin ako ng mabilis at pumasok sa banyo ng mga babae at ni-lock ito. Agad kong binagsak ang likod ko sa pintuan. Napatakip ako ng mukha ko habang pumapadaus-os sa sahig.

"B-bakit ganito ang n-nararamdaman ko??" Sabi ko sa kabila ng pag-iyak ko.

A/N: Hiii, sana magustuhan niyo 'tong bagong short story ko! :)

My Bestfriend is my WHAT?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon