Chapter 34

4.1K 36 0
                                    

SAMANTHA  POV

Magkikita kami ngayon ni Quen para i. Finalize ang plano namin, akalain mo ba namang of all people si Quen pa na ayaw na ayaw sakin ang magiging kasabwat ko at magiging partner ko para maagaw si DJ sa kathryn na yun. And this time talagang magiging akin na si DJ. Promise 

"Sam" Tawag sakin ni Fedura

"Yes Fed" nilingon ko siya

"Tara" Sabi niya

"Di ko alam na kasama ka pala sa usapan namin ni Quen" Mataray kong sabi 

"Pinapunta din ako dun ni Diane" Sagot naman niyang naka irap

"Para ano" Tanong ko

"Para makatulong siguro" Sabi niya

"Baka nga sumakit pa ulo ni Quen sa inyo" Sabi ko, Honestly ayaw na ayaw ni Quen magkakasama kaming tatlo di ko alam sa kanya bahala nga siya. Umalis na kami ng hospital ni Fedura nag convoy na lang kami papunta dun sa place na pag usapan namin ni Quen.

DANIEL POV

Nasa Mall kami ngayon ng mag-ina ko. Mamimili lang daw ng damit ang Asawa ko. Wala kasi akong Duty ngayon sa Hospital kaya sinamahan ko na lang sila mag mall. Sa maniwala kayo o sa hindi di lang tatlong boutique ang na pasok namin halos lahat ng boutique dito napasok na namin grabe kung di ko lang to mahal si kath malamang iniwan ko nato. Ginawa lang naman akong taga bitbit ng mga paper bag ng mga pinagbili niya kulang na lang bilihin niya ang buong mall eh.

Habang nag susukat si kath kami naman ni AJ nakaupo lang sa isang bench dito habang hinihintay na lumabas si kath sa Fitting room. Maya-maya lumabas na si kath na suot ang isang damit na napili niya

"Babe okay lang ba" Tanong niya, tumango lang ako tapos bumalik na naman siya sa fitting room at na sukat, hay kailan ba to matatapos. Katabi ko naman ang anak ko na busy sa paglalaro ng PSP. Pinaghandaan ba to ng anak ko?

"Son do you have your other PSP" Tanong ko, Marunong din naman ako maglaro niyan kahit papano 

"Ito lang ang dala ko Dad" Sagot niya pero tutok parin ang atensyon sa paglalaro. 

Napabuntong hininga ako, hay sayang naman "But if you want I have my IPOD" Sabi niya

I'm not Dr. LOVE (KATHNIEL FANFIC)Where stories live. Discover now