Chapter 36

4.1K 35 0
                                    

KATHRYN POV

"Ang gwapo ata natin ngayon" Sabi ko kay khalil ng makalapit na kami ni AJ

"Dapat lang naman na gwapo ang Groom Dria ah" Sabi naman ng Best Man na si Quen, Ngayon na kasi ang araw ng kasal ni Khalil. 

"Gwapo mo rin ngayon ah" Sabi ko kay Quen na ngiting-ngiti

"Naman, patatalo ba ako" sabi ni Quen

Maya-maya nilapitan na kami ng wedding coordinator at sinabihan na mag sisimula na ang bridal procession. kaya pumasok na kami. pumunta na sila sa kanikanilang pwesto. Si AJ kasi ang Ring bearer kaya pinapila ko na siya.

Ang ganda na sana ng Araw ko kung di ko lang nakita si Dr. De leon, isa siya sa mga bridesmaid ni Diane. At makikita mo sa mukha niya ang pagka dismaya ng makitang kami lang ng Anak ko ang nandito. Susunod na lang kasi sa Reception si Dan kasi may operasyon siya ngayon. Di ko na lang  pinansin si sam at  baka masira lang ng tuluyan ang araw ko.

Medyo matagal pala ang seremonya, mahigit isang oras. parang di ko naranasang ikasal,kasi nung kasal namin ni Dan parang wala akong ibang naririnig kundi ang tibok ng puso ko at wala akong ibang maramdaman kundi ang walang pagsidlan na kaligayahan sa puso ko. Corny man pakinggan pero yan talaga ang naramdaman ko.

Nandito na kami ngayon sa Reception, nagkakasayahan na ang mga bisita kasama ko ngayon sa table si Julia nag kwekwentohan lang kami  ni Julia habang hinihintay si Dan, ang mga anak naman namin ay naglalaro sa di kalayuan samin.

"Bez puntahan ko lang ang mga bata" Sabi ko sabay tayo ng masagi ko ang isang baso at nahulog di ko alam pero bakit bigla akong kinabahan.napahawak na lang ako sa dibdib ko.kung hindi sa taong humawak sa mag kabila kong balikat siguro natumba na ako

"Okay ka lang"Sabi ng pamilyar na boses agad ko namang tiningnan.Si Dan

"Mom are you okay" tanong naman ni AJ, Tinangoan ko na lang ang Mag-ama ko. inalalayan ako ni Dan paupo. Wala naman sigurong mangyayaring masama. Siguro masyado lang akong nagulat sa pagkahulog ng baso. yun lang yun

"Babe namumutla ka" Sabi ni Dan

"Nalipasan na siguro ng gutom si bez kahihintay sayo"Sabi naman ni Julia

"Di ka pa kumakain" Tanong sakin ni Dan, tumango lang ako "Wait here I'll get us food" pagkasabi nun ay tumayo na siya. Siguro nga tama si julia baka nalipasa lang ako ng gutom at nag kakaganito ako.

I'm not Dr. LOVE (KATHNIEL FANFIC)Where stories live. Discover now