Chapter Two: The Meeting

238 7 0
                                    

Chapter Two: The Meeting

Sabado. Wala kaming klase. And as usual, sa bahay lang kami tumatambay.

Nasa sala kami at nagbabasa basa ng magazine. Maaga pa lang naman kasi para gawin ang mga assignments namin.

Maya maya ay biglang nagsalita si Ate Emerald. Di namin namalayan ang pagbaba nya.

"Oi kambal, wala kayong pasok?"

Nag angat kami ng tingim sa kanya.

"Wala kaming pasok kapag saturday ate, did you forget?" Mataray na sabi ni Jade.

I silently chuckled. May pagkamataray talaga tong si Jade.

Narinig kong nagpaalam si Ate Emerald kay mommy na pupunta kina Jam.

Hmmm.. Pupunta sya dun? Alam nya na kaya na nakabalik na si James? Pero base sa itsura nito mukhang di pa nito alam. Siguro kakarating lang ni James kahapon kaya siguro di pa nakakarating ang balita kay Ate Emerald.

Nang mabored ay nagpaalam si Jade na pupunta ng kwarto. Gagawa na siguro ng mga projects at assignments nito. Ang sipag talaga nito kaya hindi nakakapagtakang top 1 ito sa batch namin.

Madalas pa kaming ma issue na kaya ako top 2 ay dahil kay Jade. Kesyo nakikikopya daw ako at nagpapatulong sa kanya kasi daw kambal kami, sinasamantala ko daw yun.

Iniignore nalang namin yun. Tss. Alam naman namin ang totoo. Wala silang magagawa kung bakit pareho kami ng course at school ni Jade. Unang una, kahit magkaiba ang pag uugali namin ni Jade, pagdating sa ibang bagay, parehas kami ng gusto. We both love Business Ad. And about sa school. Di nga kami mapalagay pag malayo kami sa isa't isa.

Umalis na din si mommy. Magluluto daw sya ng lunch. Wala kasi kaming kasambahay. Si mommy ang nagluluto. Pero nag hire ang mga ito ng housekeeper na twice a week na pumupunta sa bahay at tagapaglaba na din. At syempre ang driver, hindi naman ito stay in. Mapagkakatiwalaan naman ito kasi driver ito ni mommy dati.

Pumunta din ako ng kitchen para kumuha ng maiinom. Uminom ako ng tubig tsaka muling bumalik sa sala. Pero bago ako makabalik ay nakita kong nagmamadaling umakyat ng bahay ang basang basa na si Ate Emerald. Galit na galit ito.

Hmmn.. Mukhang nagka encounter na sila ni James. Tss..

Umakyat nalang din ako at pumasok sa silid namin ni Jade. Nakita kong gumagawa nga ng assignment si Jade sa study table namin.

"Uh, sino yung naunang umakyat? Bat nagdadabog yun?" Tanong nito ng maramdaman ang pagpasok ko, hindi ito nag aangat man lang ng tingin.

"Si Ate Emerald. Galit na galit. Siguro nagkita na sila ni James." Sagot ko at kinuha ang laptop bago naupo sa kama. Hindi na din nagsalita pa si Jade.

Inopen ko ang 'Kailey' account sa fb at nakita kong inaccept nya ang FR ko! Ang saya. Buti hindi sya picky sa pag add ng friends sa fb. Makakapag stalk na rin ako.

Tiningnan ko ang account niya. Wala namang wall post. Puro tags lang sa pic ng mga kaklase nya siguro.

Ini off ko yun kasi di din naman sya online.

Gumawa nalang din ako ng assignments namin for monday.

****

Its sunday. Kompleto kami. Magsisimba kasi kami. Nakasanayan na namin ito tuwing sunday. Family bonding ba.

"Good morning!" Bati ni Ate. Mukhang good mood na ulit ito. Walang trace ng galit na nakita ko kahapon. Weird din tong kapatid ko na to.

Nakipag usap sya kina kuya Alex, kuya Topaz at Aki. Maya maya ay napunta sa manliligaw ang usapan. At napunta kay Ate Emerald ang topic.

Jewel Siblings: Pearl Raven: My Moments (#2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon