Chapter Twenty One: Hatid Part 2

170 4 0
                                    

Chapter Twenty One: Hatid Part 2

"Hi. Goodmorning." Bungad sakin ni Blaire pagkapasok ko ng Jam's House. Ang ganda ng ngiti nito, i feel like melting.

"Uh, Goodmorning din." I greeted back.

"Nagbreakfast ka na ba?" Tanong nito.

"Oo. Palagi akong nagbebreakfast pag umaalis ng bahay." Sagot ko.

Nakatayo lang kami doon sa may gilid ng counter at nagkatinginan. Napansin ko na tila may kakaiba kay Blaire. Parang ang saya saya nito.

Tumikhim ito. "Ah, nagustuhan mo ba yung cupcake?" Nag aalangang tanong nito.

Napangiti ako. Masarap kasi yung cupcake na binigay nito. Actually may natira pa nga doon sa bahay eh.

"Oo. Masarap. Salamat doon Blaire huh?"

Ngumiti na naman ito. "No problem. Basta ikaw."

Natigilan ako. Ano daw? Magsasalita na sana ako ng may tumikhim sa likuran ko.

"Aga niyan Blaire ah." May halong panunudyo na sabi ni Lyssa ng malingunan ko.

"Wag ka ngang magulo Lyssa, kumikilos na nga ako diba, ayaw mo pa?" Sagot ni Blaire.

Lyssa giggled. "Aw, gusto syempre. Sige na tara Pearl samahan mo ako kumain." Aya nito.

"Ah, sige Blaire samahan ko lang si Lyssa." Paalam ko saka sumunod dito.

"May napapansin ka ba kay Blaire? Parang may kakaiba sa kanya ngayon." Sabi ko kay Lyssa habang kumakain ito.

"Ngayon mo lang napansin? Matagal na yan noh." Anito.

"Hindi parang may iba talaga today eh." Giit ko naman.

"Hayy naku girl. Baka yan na ang hinihintay mo."

"Hinihintay?" Nagtatakang tanong niya.

"Uh-huh." Tanging sagot nito na hindi naman talaga nasagot ang tanong ko.

Napalabi ako. "Oo nga pala. Di mo sinabi na matagal mo na palang kilala si Lyon. Kainis ka ah." Biglang sabi ko sa kanya ng maalala ang nangyari nung nakaraan sa birthday ni Aj. Hindi niya pa nakakausap si Lou kung kumusta na ito after with her meeting with her ex.

Humagikgik si Lyssa. "Sorry nawala lang sa isip ko."

Inirapan niya ito. Nagbaling ako ng tingin sa paligid at nakita ko ang nakatulalang si Aj sa di kalayuan na table.

Siniko ko si Lyssa upang kunin ang atensyon niya. Lumingon naman ito. "Ano naman ang nangyari dyan kay Aj huh?" Usisa ko.

Nagkibit balikat ito. "Ewan. Baka bothered dahil nakita ulit ang ex niya."

Nilingon kong muli si Lyssa. "Alam mo ba ang nangyari sa kanila?"

"Medyo lang. Well im not the right person to spill what happen to them." Seryoso ng sabi nito.

"Yeah youre right. Pero may kinalaman ba dito yung sinasabi mong pagkaplayboy ni Aj?"

"Yup. Kaya wag ka papaloko dyan. Oh well may Blaire ka nga pala." At humagikgik na naman ito.

Hinampas ko na ito ng mahina sa braso. "Sira ka talaga."

Pagkatapos nitong kumain ay umakyat na kami sa office. Pero bago sila umakyat ay nakita ko si Blaire na nakangiti sakin. Nginitian ko din siya pabalik at doon ko napansin na nakatingin na naman ng masama sa akin si Danica. Binalewala ko nalang yun.

Jewel Siblings: Pearl Raven: My Moments (#2) [Completed]Where stories live. Discover now