I. It all happens here

9 3 5
                                    

It's a fine sunday. Dito masarap gumala, magpahinga, makipagtsismisan sa kapit bahay at gumawa ng kahit anong magustuhan sa buhay.

Pero in this new generation, halos lahat ng kabataan ay walang ginawa kundi makipaglaban at makipagaway sa COC (Clash of Clans) , magtanim at magalaga ng mga hayop sa HD (Hay Day), maglaro ng kung anu-ano online (dati piko,luksong baka,tagu-taguan o langit-lupa ok na ok na), magbusy-busyhan sa pagbabasa ng libro, este e-books, online blogs at ang kinahuhumalingan ng lahat ang wattpad (kunwari busy sa pagbabasa para makaiwas sa mga gawaing bahay,tamaan ng ang tamaan).

Yung iba naman walang humpay sa pangbabash o panlalait sa mga kinaiinisan nila - eto yung way nila para ipakita ang freedom of speech ng mga Pinoy o siguro wala lang talaga silang magawa, meron din namang follow ng follow at updated sa buhay ng idolo nilang artista, minsan yung iba pa emote-emote at sa lahat ng naiisip o ginagawa pinopost sa facebook at twitter, sa bawat kibot may katapat na h#sht#g!

Relate much ba kamo?

Puwes ibahin mo ang mga babaeng parang hindi nakatira sa modern word, ang limang Maria na parang naiwanan ng panahon - ang kambal na si Maggie at Amber, ang trio BFFs na sina Guillian, Irenea, at Carmie.

At ang tawag nila sa kanilang grupo:

M-aggie

A-mber

G-uillian

I-renea

C-armie

CIRCLE-BFFL (Caring, Intelligent, Respectful, Crazy but Loving Endlessly - Best of Friends For LIFE).

At dito magsisimula ang kwento ng bawat isa, sa magulo at modernong panahon na kung saan uso na ang cyber bullying at mga on-line scam. Huwag kang kukurap, at baka maisip mong ang sinusubaybayn mong kwento ay noon pang unang panahon.

Magic CircleWhere stories live. Discover now