II. Just an ordinary week

3 0 0
                                    

LUNES

Sa di kalayuan...

"L@ngy@ ka tol! sabi ko sayo wag kang aatake ng hindi ko sinasabi! Ayan tuloy natalo tayo, nakakainis kana ha aalisin na kita sa clan ko! badtrip...#%!?@#@....", isang lalaki ang walang habas na pinapagalitan ang kasama nyang lalaki na wala ng magawa kundi ang tanggapin ang mura nung isa - aba e kung ako ang tatanungin niyo palagay ko naglalaro yan ng COC.

Habang sa dako pa roon, napahagikgik ang limang babae na kanina pa pala sila pinapanood. Sino pa e di ang MAGIC girls, napansin nilang wala ng ginawa kundi magtalo ang dalawa nilang klasmeyt na sina Jerry at Kevin sa EasyNet Cafe na katapat ng kinakainan nilang karinderya, lunch break kasi nila kaya naman sinamantala ng dalawang ugok ang magcomputer nalang sa internet shop malapit sa kanilang school - ang Hanford Academy, ang magkaklase ay nasa 1st year high.

Carmie: I wonder, anu bang meron dyan sa paglalaro ng mga boys ng Data (DOTA), wala naman silang mapapala saka sayang ang oras at pera!?

Irenea: Well according to my research, Dota ung nilalaro nila, hindi DATA Carmie.. Saka wag mo na isipin kung anu yung napapala nila, naku sasakit lang ng ulo mo. At saka who cares, pera nila yun...

Taka ba kayo bakit ganun nalang ang pagtatanggol ni Carmie? Isa kasi dun sa naglalaro, na si Kevin, crush nya since elementary kaya nga lang parang invisible siya rito. Deadma. Walang dating. Walang paki, period.

Guillian: Haha, Carmie, if I didn't know pinagtatangol mo lang si Prince charming... Uuuyyyy, kiriray ka talaga!

Tawanan ang barkada dahil alam naman nila na patay na patay talaga si Carmie kay Kevin noon pa. Dati na kasing magkaklase sina Guillian, Irenea at Carmie simula Grade 1 at sila lagi ang magkakasama, hanggang sa high school ay naisipan nilang mag-enroll sa iisang paaralan. At ng mag simula na nga ang school year ay nakilala nila ang kambal na sina Maggie at Amber na transferee galing sa Cebu. Lumipat ang family ng kambal sa Manila after their parents expanded their fast-food chain sa Taguig City.

Maggie: Well girls, I hate to break the fun but our lunch break is over, we have to go back or else mamatay tayo sa kahihiyan pag nalate tayo sa Chem!

Amber: I agree, i don't want to become the next dancing sensation in the class.

Ang tinutukoy ng kambal ay ang klase nila sa Chemistry kung saan ang teacher nila ay super cool at very resourceful na si Mrs. Donna Macardi, lahat kasi ng late ay sumasayaw sa unahan ng classroom bilang parusa. In fairness effective ang technique niya, may dalawa lng talagang pasaway ang halos laging late sa section nila - abay sino pa, sina Jerry at Kevin na busyng-busy sa paglalaro. But this time mukang lulusot ang dalawang kumag dabil nasabihan sila ni Carmie na time na para bumalik sa classroom.

Mabilis na lumipas ang ang isang linggo, friday na at tuwang tuwa ang lima dabil inaabangan talaga nila ito.

Maggie: GIRLSSSSS.... I think it's time! Shall we go?

Nagkatinginan ang apat at ngumiti sila sa isa't-isa ng makahulugan. Until they found themselves walking inside the school library.

kahit makabago na ngayon Handford Academy that has been built many decades ago, in fact this year ay mag fififty years ng naitayo ang HA, and it is one of the old offices they built that remains in school kahit na may e-library na sila.

The owner of the school is very fond sa nasabing dating library, at dahil narin sa konti nalang ang napasok dito nagpasya ang may ari na minsan na lamang ito buksan, every friday o kung may magrerequest lang. Ito ay nanatiling malaki,katumbas na nga ng five classrooms ang lawak at may underground pa kung saan makikita ang mga pinakalumang libro, at lingid sa kaalaman ng marami - ang secret room na kelan lang natuklasan ng MAGIC girls.

Marami na ang mga guro at admin staff ang nagsuggest na gibain o irenovate nalang for other purpose ang library dahil sayang lng daw, but Mr. Clark James Handford Jr, the son of Mr. Handford Sr. kept the library as what it is, and said it his fathers request and its final.

Kung tutuusin kahit naman hindi talaga pakialaman ang HA lib.ay maluwag ang property ng nasabing school, sabi nga ng iba scary daw sa lugar kasi it seems you are in a not-so-big village na malayo ang pagitan ng building and classrooms, there are also rumors na may nagpapakitang white lady tuwing gabi sa pinakadulong bahagi ng school, ang Purple drive. Usap usapan ng mga students, na iyon daw si Merry na namatay sa pagkakakulong sa Purple building, at dahil may hika at nawalan siya ng gamot ay ito raw ang ikinamatay na isinisisi ng magulang ni Merry sa mga Handfords at ang tsismis ay isinumpa ng mga magulang niya na lahat ng babaeng nagaaral sa HA SECTION PURPLE ay mamatay kagaya ni Merry.

Well, iyon ay tsismis lang walang proof ika nga. Pero dahil ipinasara na ang purple building, mas lalong nabuo ang haka haka na totoo ang kwento.

Kung ako ang tatanungin, mas maniniwala ako sa mga Handfords na under renovation ang building, sa loob ng 7 YRS matatapos na yun for sure, ika 7th yr na kaya ngaung taon na CLOSE FOR RENOVATION ang lugar. :D

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magic CircleWhere stories live. Discover now