Mga Bulaklak sa tabi ng Kandila

22 3 0
                                    

Date written: (12/--/18)

For those who gave their all in loving someone with no end.

~~~

Sa taas ay ang dilim
Takip ang bughaw na langit
Lahat ay natatahimik
Habang buwan ay humihilik

Simoy ng luha ni Bathala
Patak sa berdeng lupa
Sa paglinaw ay dakila
Bahaghari ang nakita

Sa gabi ika'y sumilong
Sa mga bituing sulong
Kinabukasan ang tanong
Sa panaginip ay kulong

Salita mo'y sandali
Kay hirap itong mahuli
Nanakawin ko ang hindi
Basta marinig ka muli

Tatawirin ko ang tulay
Tungo ikalawang buhay
Mahagkan ko lamang kamay
Ng iniirog kong tunay

Pakinggan mo, Panginoon
Dinggin hiling, bigyan tuon
Bukas ma'y abutin taon
Daanan man ilang hamon

Pilit hindi lilimutin
Mga pangako mo't mga lihim
Ang aking nais sabihin
Ika'y mamahalin pa rin

[それは終わった- Sore wa owatta- "it has ended"]

Tsundoku.Where stories live. Discover now