Sweet Surrender: 25

1.7K 52 11
                                    


Aldous

NEVER give up because great things take time. Iyan yung mga salitang hindi ko makakalimutan sa superior ko noong nasa training ako.

Lumabas agad ako ng sasakyan ng makita kong padating ito.

"Aldous? Anong ginagawa mo rito? Kasama mo ba si Anne?" Maaliwalas ang mukha nitong tanong sa akin. Huminto ako ilang dipa mula rito saka umiling.

"I came alone, Mrs. Yuson,"

"Alicia, please, call me Alicia or Ali." Bigla ang pag kulimlim ng mukha nito, banaag ang disgusto sa narinig. Nangunot ang noo ko? Mayroon bang mali sa sinabi ko?

"Matagal ko ng hindi ginagamit ang titulo na iyan, Hijo. Hindi na rin ako sanay..." pinag salikop nito ang mga kamay. Kakaiba ang kilos ng tiyahin ni Hailey ngayon, malayong-malayo sa unang masayahing nakita ko sa biglaang pamamanhikan namin nila mommy.

"I'm sorry, I have no idea." Paumanhin ko. Tumango lang ito sa sinabi ko saka tipid na ngumiti.

"Anything I can do for you, Aldous?" Ako naman ang tumango saka niya ako inanyayahang pumasok sa loob ng villa.

"Pasensiya ka na, hindi ko alam na mag kakabisita ako ngayon. Do you want anything? Juice? Coffee?" Alok nito sa akin.

"Just water, Ali." Halata ngang malungkot ang malaking bahay na ito. Mukhang siya lang din naman at dalawang kasambahay ang naninirahan dito.

Umalis ito sandali para ikuhanan ako ng tubig. Nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang buong paligid. Mula sa antigo na mga kasangkapan ng bahay at mga picture frames na naka hanay sa console table – I can say that this was the family house of the Asuncion's. Makaluma ang disenyo pero alam kong naka mintena ang buong kabahayan mag mula sa pintura at modern touches sa ilang parte ng bahay. Asuncion is a fluent family here in El Pueblo. Old money. Their family was one of the first established people here in the province. I did my research well.

Hindi rin nag tagal at dumating na si Alicia dala ang isang basong tubig. Nagpasalamat ako saka naman ito umupo sa pang isahang upuan sa tapat ko.

"Anong maipag lilingkod ko sa iyo, Hijo?" Pag uumpisa nito.

"Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa Mrs. Yu—Ali. I want to open Harry Asuncion's case." Napasinghap ito sa narinig, "I know what happened, my mom told me the whole story."

"It is not going to be easy—"

"Yes, it is." Putol ko pa sa anu pa mang sasabihin nito, huminga ako ng malalim. Don't you just hate when someone says that you can't do something and then you have to prove them wrong and do what they said you couldn't do?

"Look, this is not about me and my family anymore. This is about you, your brother, it's about Hailey. Malaki ang naging parte ko sa pagkawala ng ama ni Hailey and I want to correct that mistakes, for her sake." Mahaba kong paliwanag dito. I need her to believe me that I'm doing this for them.

"I'm doing my very best to protect Hailey, Alicia. She helps me to forget those who have hurt me in the past and leave them to mess up their own future but if someone will hurt her – I think I can't live by that." Sometimes the things we can't change, end up changing us instead. Iyon ang ginagawa ni Hailey sa akin. Bigla na lamang nitong ginulo ang daloy ng pang araw-araw na buhay ko. Ginulo nito ang sistema ko at gumapang sa kaibuturan ng puso ko. Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko sa tuwing iisiping nag durusa ito ng dahil sa mga pag kakamali ko.

"I'm thankful for that, Aldous. For coming to Hailey's life." Ngiti nitong tugon sa akin. Humigit ito ng ilang malalalim na pag hinga, "Harry...he's—he was a very loving father, Aldous. He has a bright future ahead of him – lalo na ng naging matalik na magkaibigan sila ni Naomi. They treat each other as siblings." Panimula ni Alicia na kuwento.

Sweet SurrenderWhere stories live. Discover now