Chapter 52

23.1K 462 20
                                    

Agad naming tinawagan ang mga magulang namin at nakipag tulungan na rin kami sa mga kinauukulan. Yun lang ang alam kong gawin sa ngayon. Masyadong binabagabag ng pag-aalala ang isip ko. Alam kong kailangan namin ng tulong pero may sarili rin naman akong plano na sa ngayon ay mas mabuting itago ko muna sa sarili ko.

Nasa loob kami nang unit na inuukupa habang hinihintay ang pag dating ng mga magulang namin.

Nakayuko lang si Vin at hilahilamos ang mukha. Tahimik na nakaupo rin sa isang gilid ang anak namin na animong naiintindihan na ang mga nangyayari.

Habang ako ay salubong ang kilay na nakatayo malapit sa may pintuan. Nasa labas naman nang mini sala ang mga security guards na nakausap namin kanina.

" Love, love what happened!? "

Dinig kong sigaw nang humahangos na boses sa labas. Agad akong napatakbo palabas sa pagkaka kilanlan ng nasabing boses.

Di ko napigilang umiyak nang salubungin niya ako ng yakap.

" Zania's missing. " yun pa lang pero parang hirap na hirap na akong magsalita.

" how is that possible!? " alam kong sinusubukan niyang wag magalit pero lumalabas pa rin sa tono nang boses niya.

Sa aming dalawa na tumayong magulang nang kambal ay siya ang mas naging malapit sa dalawa.

I can't find a word to say. Kitang kita ko ang pag-aalala at galit sa mukha niya nang bumaling siya nang tingin kay Vin na kalalabas lang galing sa kwarto. Nakakapanlumo ang itsura nang asawa ko na animong maiiyak pero hindi alam kung paano.

" you motherfucker! " bumitaw si Dustin sa yakap at sinugod si Vin nang suntok.

" pinagkatiwala ko ang anak ko sayo pero anong ginawa mo!? " sigaw niya habang hawak-hawak sa kwelyo si Vin na nanatiling nakatungo.

" baka nakakalimutan mong ako ang tatay ng tinatawag mong anak?" sarkastikong sabi niya habang matalim na rin ang tingin kay Dustin.

Agad din akong pumagitna nang aambahan niya ulit nang suntok ang asawa ko.

" stop it will you?!" awat ko sa kanila. " anong mapapala natin kung mag aaway kayo? " inis na sabi ko.

Bumitaw si Dustin kay Vin at wala sa sariling tinalikuran ito't humarap sakin.

" come with me." sabi niya.

" sa-saan tayo pupunta?"

" hahanapin natin ang anak ko!" pinagkadiinan niya ang huling salita. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napa baling nang tingin kay Vin.

Kasalukuyan nang nagtatagisang bagang niya.

" she's not coming with you. " malumanay pero ma awtoridad sa sabi niya.

Napangisi lang si Dustin na 'di man lang siya pinagka abalahang tignan.

Di ko mawari kung anong pinag lalaban ni Dustin at ganito ang asta niya. Besides, wala rin kaming alam kung nasaan si Zania dahil di pa rin naman tumatawag si Sabrina.

Nag papalit palit ako ng tingin sa kanilang dalawa. Matalim ang tingin ni Vin sa likuran ni Dustin habang si Dustin ay nanatiling nakatingin sakin.

Nanatili lang rin nakamasid ang anak ko na sinenyasan ko na pumanik muna sa kwarto na agad din namang sumunod.

Nagitla na lang ako nang biglang hawakan ako ni Dustin sa siko at mahinang hilahin papalabas. Pero mas ikina gitla ko nang higitin ni Vin ang kabila kong braso at hilahin ako papayakap sakanya.

✔️Arranged Marriage (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon