Chapter 2

3.4K 195 33
                                    

Chapter 2: Tinik Para Sa Rosas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 2: Tinik Para Sa Rosas

Hindi na ako nakapagkonsentreyt sa lahat ng natirang klase ko dahil sa mga sinabing iyon ni Adam. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ko ang bawat kataga, na para bang na-LSS ako sa isang kanta.

Napansin ng tatlo ang tila pagkawala ko sa sarili. Hindi ko naman kayang sabihin sa kanila ang totoo dahil baka kung ano pa ang isipin nila. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko na totoo rin naman. Hindi ako mapakali at pabigla-bigla, nakakaramdam ako ng kaba.

Kahit sa flowershop ay hindi ako makapokus kaya nagdesisyon na lamang akong umuwi. Nagtaka si Daddy-tito kung bakit napaaga ako nang makasalubong ko siya sa sala. Usually kasi, umuuwi ako ng bahay ng gabi na.

"Okay ka lang, anak?" Tumango lang ako bilang tugon. Magpapaalam na sana akong aakyat sa kwarto nang muli siyang magtanong.

"May problema ba? I can tell."

"Wala naman po Daddy-tito. Napagod lang siguro ako dahil ang daming pinapagawa sa school. In next two weeks, magsisimula na rin ang preliminary examination." Paliwanag ko na lang.

Napatango-tango siya. Pero halata pa rin sa mukha niya ang pagdududa.

"Sure kang wala kang problema?"

"Wala po akong problema."

"Ako ang nagpalaki at nag-aruga sa inyo ng kakambal mo kaya kahit kaunting kibot niyo lang ay alam ko na ang ibig sabihin. Pwede mo naman akong kausapin, anak. Tulad ng dati."

Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya ang totoo. Kapag nalaman niyang pumunta ako sa isang gay bar, I'm sure he will be much disapppointed and I will not let that happened.

"Wala talaga ito Daddy-tito. Pagod lang talaga ako sa school, promise." Paninindigan ko.

He sighed in defeat. Nakaramdam ako ng kaunting guilt. Kaya ko na talagang magsinungaling ng ganito.

"Okay, kung 'yan lang talaga. I'm just right here. Sige na, magpahinga ka na at tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo."

Agad naman akong nagpaalam sa kanya at nagmamadaling pumunta sa kwarto. Napasandig ako sa likod ng pinto nang maisip ko na naman ang tagpo kanina sa banyo. I was caught off guard by those phrases. Saka lang ako nakakilos kanina nang may pumasok na tao.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na kunin ito. Natatakot kasi akong basahin ang mensahe mula kay Adam kung sakaling nagsend na siya. At kung sakali mang isend na niya ang address na sinasabi niya, wala rin akong balak na pumunta. Natatakot ako. Alam ko ang gusto niyang mangyari. Hindi na nga maikakaila na ganoon ang trabaho niya.

Nasaktan din ako dahil ang baba ng tingin niya sa akin. Hindi ako kagaya ng iniisip niya. Hindi ako katulad ng iba na hayok sa isang lalake. Darating man ako sa puntong mararanasan ko ang ganoong bagay pero gagawin ko iyon sa lalaking mahal ko. Gusto ko sa lalaking rerespetuhin ako sa anumang aspeto. Sa lalaking hindi mababa ang tingin sa akin. Sa lalaking tatanggapin ang lahat-lahat sa akin. Kahit ganito lang ako, may prinsipyo at dignidad naman akong pinaglalaban.

Not Like A Fairytale (Prince Luke Alegre) (Bxb)Where stories live. Discover now