Chapter 4

3.6K 204 62
                                    

Chapter 4: Ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 4: Ngiti

Parang wala ako sa sarili habang nakaupo sa harap ng Pulis na kumukuha ng statement tungkol sa nangyaring insidente. Halos hindi ako makapagsalita at makapagbigay ng pahayag dahil pa rin sa takot. Ipinagpapasalamat ko na lang na kahit naninikip ang dibdib ko ay walang masamang nangyari sa akin. Marahil nakatulong ang pag-aalo ni Adam.

Napatingin naman ako sa kanya na kasulukuyang sumasagot sa mga katanungan ng Pulis. Kung hindi dahil sa kanya, siguro ay nabaril na ako ng snatcher. Hindi siya nagdalawang-isip na iligtas ako. Utang ko sa kanya ang buhay ko.

"Thank you."

Pareho silang natigil ng Pulis at tumingin sa akin. Bahagyang nangunot ang kanyang noo. Mataman niya akong tinitigan. Muli akong nagsabi ng 'thank you.' Tango lang ang kanyang naging tugon at binaling muli ang atensyon sa Pulis. Pinagpatuloy niya ang pagsagot sa mga tanong nito. Matapos kaming makuhanan ng statement ay pinauwi na rin kami. Bukas na lang daw kung gusto naming sampahan ng kaso ang suspek.

Nasa entrance na kami papalabas ng estasyon nang makita ko ang mga magulang ko. Halos mag-unahan sila paglapit sa akin. Sinalubong ko sila ng yakap lalo na si Daddy-Tito. Muli na namang bumuhos ang emosyon ko. Napahagulhol ako.

Naramdaman ko ang masuyong pahaplos ni Daddy sa likod ko at sinabing magiging maayos ang lahat. Hindi raw niya palalagpasin ang ginawa sa akin. Bagamat nag-aaalala ang kanyang boses, bakas din dito ang labis na galit.

"Tahan na Luke anak. Huwag ka nang umiyak. Makakasama sayo ang labis na emosyon. Tahan na baby, nandito na kami ng Daddy mo. Magiging maayos din ang lahat. No one will hurt you anymore, okay?" Saad ni Daddy-Tito.

Hindi ako nagsalita at niyakap lang siya ng mahigpit. Takot na takot pa rin ako sa nangyari lalo na nang itutok sa akin ng snatcher ang baril. Naalala ko bigla ang nangyari sa amin ng kapatid ko noong dinukot kami ni Tito RC labinlimang taon na ang nakakaraan. Tinutukan din kami nito ng baril noon.

Mayamaya'y may lumapit na Pulis sa amin. Hinarap agad ito ni Daddy at tinanong ang tungkol sa nangyari. Sinabi ng Pulis na sa loob na lang daw nila pag-usapan. Nakita ko na lang ang pagpasok nilang dalawa sa estasyon.

"Luke." Narinig kong tawag sa akin ni Adam. Muntik ko nang makalimutan na nandito pala siya. Napabitaw ako ng yakap kay Daddy-Tito at pinakilala ko siya rito.

"Daddy-Tito, si Adam nga pala. Siya po ang nagligtas sa akin kanina. Classmate ko rin siya sa isang subject. Adam, Daddy-Tito ko nga pala. Iyong matangkad na mama ay Daddy ko rin. Sila ang mga magulang ko."

Bagamat may pagtataka ang kanyang mukha, hindi siya nagtanong. Sa halip, magalang niya binati ang Daddy-Tito ko."Magandang gabi sa inyo Sir. Adam po pala."

"Magandang gabi rin." Lumapit sa kanya si Daddy-Tito at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Ikaw pala ang nagligtas sa anak ko. Maraming salamat sayo iho. Napakabait mong bata. Nakuha mong ilagay sa panganib ang iyong buhay para iligtas ang anak ko. Sabihin mo naman kung paano kami makakabawi sayo."

Not Like A Fairytale (Prince Luke Alegre) (Bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon