Chapter 9

3.3K 123 5
                                    

Muli natuon ang atensyon ni Mathew sa dilaw na kotse na katabi muli ng pinagpapark-an niya ng kanyang sasakyan. He swear,hindi niya maiwasan hindi mamangha sa sasakyan lalo na sa kulay nito. It's like a sunshine in the morning.

Imbes na sa elevator siya dumeretso naglakad siya para dumaan sa entrance ng M-Hilton Bldg. Agad naman binati siya ng dalawang security guard na nakabantay roon na tila hindi agad napansin ang pagdating. Abala ang mga ito sa pagtingin sa loob. May kumpulan sa loob at dumeretso siya roon kung anong pinagkakaguluhan ng mga empleyado niya. Tumigil siya malapit sa mga ito at hindi napansin agad ang presensya niya hanggang sa may nakakita sa kanya.

"G-Goodmorning,Sir Mathew!"tila nataranta turan ng lalaking empleyado niya.

Agad naman nagsitigilan sa pagkakagulo ang iba at napapahiyang bumati sa kanya. Sa seryoso niyang anyo malamang kinabahan ang mga ito sa nadatnan niya.

"Good morning,Mr.Hilton.."

Agad na kinapos siya ng hininga ng makita kung sino ang huling bumating iyun. Ito pala ang pinagkakaguluhan ng lahat.

Kinunutan niya ito ng nuo para ikubli ang kakaibang epekto nito sa kanya.

Matamis itong ngumiti sa kanya na lalong nagpagulo sa sistema niya. Damn this woman!

Tumikhim siya bago niya ito tinugon. Sana nag-elevator na lang siya!

"Good Morning,Ms.Nuenzio" casual niyang tugon rito.

"Maaga ako pumunta ngayon kasi ayoko matraffic..ipapakita kasi sakin ni Tiara ang mga designs niya," anito.

Sinulyapan niya ang mga nakamasid na empleyado at agad naman simpleng nagsialisan ito.

Tumango siya. "Sa opisina mo na siya hintayin," aniya sabay suyod ng tingin sa kalalakihan empleyado na pasimpleng tinititigan ang modelo.

Mabuti na lang disente ang suot nito. T-shirt and Jeans. That's good.

Why do you care,Hilton?

Agad na winaksi niya ang kaisipan iyun.

"Pwede sa office mo na lang ako maghintay sa kanya?"

Agad na natigilan siya kasabay ng pagkabog ng dibdib niya.

Hell! Iniiwasan nga niya ito eh!

"Okay lang ba?" matamis ang ngiti saad nito sa kanya na kinatiim-bagang niya.

Damn!

Panay ang mura niya sa isip habang hindi makapokus sa binabasa niyang papeles. Nababagabag siya ng presensya ng dalaga na nasa likuran lang niya at nakatanaw sa kabuoan ng siyudad.

Muli siya nagpakawala ng hininga. Hindi man niya ito tinitingnan nililingon naman ito ng isip niya,damn her!

Dahan-dahan siya umikot gamit ang swivel chair niya at agad na napatitig sa dalaga na nakatanaw pa rin sa labas. Natatamaan ng liwanag ng araw ang mala-anghel nitong mukha.

Hindi niya alam kung gaano katagal niya ito tinitigan hanggang sa mapalingon ito sa kanya na agad naman nagpabalik sa katinuan niya. Hell,Mathew! Hindi ka naman siguro nagdodrooling sa kanya?!

Fuck! Agad na tumikhim siya at mataman na sinalubong ang malapusang mga mata nito.

"May gusto ka bang inumin?" aniya.

Ngumiti ito na muntik na naman niya ikatanga rito.

"Kahit ano ayos lang sakin," anito.

Agad naman siya tumawag sa sekretarya niya gamit ang intercom para magpakuha ng maiinom para sa modelo na kanina pa siyang ginugulo.

May isang katanungan ang kanina pa naglalaro sa isip niya.

Tumikhim muna siya at pinakiramdaman ito.

"May gusto ka bang itanong?"untag nito na kinakislot niya.

Hell? Nababasa ba nito ang isip niya?

Muli siyang tumikhim. " I have a question,Ms.Nuenzio,"umpisa niya.

Agad naman ito lumapit sa kanya at umupo sa kaharap ng mesa niya. Tinuon nito ang atensyon sa kanya.

Ask her now?!

Bago pa man maibuka niya ang bibig ng bumukas ang pintuan at bumungad roon ang pinsan na si Tiara.

Marahas siyang napabuga ng hangin sa pagkadismaya.

"Sorry! Kanina ka pa?!" anang ni Tiara na hindi man lang nagawang kumatok at bumati sa kanya.

"Ayos lang,Tiara.."anang ng dalaga pagkatapos makipagbeso sa pinsan niya.

" Promise,sa susunod aagahan ko na talaga!"

Natawa naman ito ng bahagya sa sinabi ng pinsan.

Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng pinsan.

"Buti na lang maaga ka pumapasok,insan! " anito na may kislap na panunukso sa mga mata nito.

Bago pa man niya ito samaan ng tingin nagpaalam na ito sa kanya na dadalhin na nito ang dalaga sa opisina nito.

"Ask me,later,okay?" lingon sa kanya ni Maia.

"Anong tanong,insan?" may panunudyo saad ng pinsan.

Doon na niya ito sinamaan ng tingin.

"Uh,later na lang ulit kayo mag-usap,sakin muna si Maia," may panunudyo pa rin nitong saad sa kanya saka nito inagapay palabas ang modelo sa opisina niya.

Marahas siyang napabuga ng hangin at napasandal sa sandalan ng swivel chair niya.

"Dapat ko ba siyang iwasan? pero kuryuso ako sa ginawa niyang iyun..damn,"bulalas niya sa kawalan sabay pikit ng mga mata.

TPOYWD Series 5 : Maria Adrialyn M. Nuenzio ByCallmeAngge(incompleted)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang