Chapter 77 : A Night to Remember

131 4 0
                                    

This wedding preparations are sooooo much tiring! Grabe, pakiramdam ko may malaking iron ball na nakatali sa magkabilang paa ko, dahil pagod na pagod ako sa pag-aasikaso namin ni Brian.

Checking the gowns and suits, the church, the hotel, the foods, souvenirs, and all in it that's needed in the wedding.

Fully sched pa kami this month dahil this year, we are scheduled to celebrate Christmas and New Year in Cebu. Then after two weeks, kasal na namin ni Brian. Isang buwan na lang.

"I'm sorry Brian, pagod na talaga ako. Ikaw na muna ang bahala kay Rianne ha?" nanlalata kong sabi kay Brian ng makababa kami ng sasakyan.

Tumango lang naman siya at karga si Rianne na ngayon ay tulog na, pero hawak-hawak pa rin ang bear niya. Wala pa naman si Mommy dahil nasa Dallas pa ito. Sabay na daw sila ni Marc na uuwi after New Year.

Nauna na akong pumasok sa kabahayan at umakyat papasok sa kwarto para makapagpahinga. I want to have a good night sleep. Ang lamya ng pakiramdam ko!

My eyes are half closed na binuksan ang pinto at kinapa ang switch ng ilaw and———

"Surprise!!!"

Nagulantang ako sa malakas na sigawan kasunod ng hagikgikan. Napailing na lang ako dahil may dala pa silang party popper. Mga loka-loka talaga!

"Paano kayo nakapasok dito?!" nagtatakang tanong ko sa kanila.

Nakangisi lang naman silang tatlo sa akin.

"Let's go btches. Bitbitin niyo na." sabi ni Red na siyang unang humakbang palabas ng kwarto.

Sumunod naman si Q at Meg na inangkla pa ang mga braso nila sa magkabilang braso ko at inakay na ako palabas ng kwarto.

"Red?" takang tanong ni Brian ng masalubong namin siya sa hagdan. "What are you girls doing here?" nagtataka ring tanong niya. Kahit ako hindi ko alam kung anong ginagawa nila dito.

"It's my birthday so, we're just going to celebrate. Hihiramin ko muna si Chic. Bukas ko na ibabalik." sagot naman ni Red.

"Let's go! Male-late tayo!" sigaw ni Red kaya nagpatuloy na kami sa paglabas ng bahay habang akay-akay pa rin ako ng dalawa.

"Kausap lang kita kanina sabi mo may party kayong mag-asawa. Ano ngayong ginagawa niyo dito?" tanong ko habang palabas na kami ng gate.

Hindi sila umimik hanggang makarating kami sa kotse ni Meg. Sapilitan nila akong pinaupo sa shotgun seat habang nasa driver's seat naman si Red at yung dalawa, umupo sa likod.

"Ano ngang ginagawa niyo dito?" tanong ko ulit pero nagbungisngisan lang sila at sinimulan nang mag-drive ni Red.

"Pinayagan kang mag-drive ni Rave?!" gulat na pagkakatanong ko habang ikinakabit na ang seatbelt ko.

"Kailan ba ako hinindian ng asawa ko?" nakangising tanong-sagot naman ni Red.

"Nasaan yung mga bodyguards mo?" tanong ko ulit.

"Andiyan lang yung mga yun nakasunod." sagot niya ulit at nagkahagikgikan na naman sila.

"Seryoso nga? Ano bang ginagawa niyo kanina sa bahay? At saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko ulit.

"Daming tanong! Manahimik ka na lang diyan!" sagot ulit ni Red na nakangisi habang diretso lang ang tingin sa daan.

"Hindi ako mananahimik hanggat hindi niyo sinasabi kung ano bang nangyayari. Pagod ako at gusto kong magpahinga. Kanina tumawag ka sabi mo may party tapo—"

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now