CHAPTER 3

59 12 36
                                    


Nagising ako sa kanyang mga bisig , I'm lucky to have him sana siya na talaga . Dahan dahan akong tumayo at pumuntang kusina para magluto.

Bacon,Hotdog , Fried rice at Sunnyside up , habang nag aayos ako ng mga Plato naramdaman kong may yumakap mula sa aking likod.

"Good morning wifey" sabay halik sa aking pisngi

"Let's eat Maya Maya uuwi na ko" nakita Kong may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata

Umupo siya sa harap ko at pinagkuha siya ng kanin at ulam.

"Wifey?" Tawag niya sakin
"Hmm?"
"Alam mo bang may kamukha ka?"
"Sino naman?" tanong ko na may halong gulat
"Yung ina nang magiging anak ko" sabi niya at kumindat
"I love you babe"

Pagkatapos naming kumain naghanda na ko para umuwi..
Pagkabukas ko ng pinto isang malakas na sampal ang sumalubong sakin.

"Saan ka galing ha malandi ka?!"napahawak nalang ako sa aking pisngi dahil sa pagkagulat.

" S-sa K-klase ko po , gumawa lang po kami ng p-project"patuloy paring tumutulo ang aking mga luha

"Sinungaling!Sinong niloko mo?!Tumawag ako sa kaklase mo wala daw kayong project!Parehong pareho kayo ng ama mo , mga walang kwenta!" Lahat ng sampal , suntok at hampas tinanggap ko

"Buti pa nung nandito ang kapatid mo!"here we go again si KUYA nalang parati.

" Si KUYA?!parati nalang siya!Bat di mo siya pauwiin at ako ang aalis!" Akmang sasampalin niya ulit ako kaya umatras na ako.

"Bakit?!Bakit parati nalang ako ang masama ha MAMA?!" tumakbo na ko paakyat ng aking kwarto

"Den konting panahon nalang makakalaya ka na sa impyernong to , konti nalang " pakiusap ko sa aking sarili habang yakap yakap ng aking unan hanggang sa nakatulog.

A Girl's Mask Where stories live. Discover now