CHAPTER 9

26 4 1
                                    


Umiiyak akong pumasok sa bahay at tumambad sakin ang ina kong nakikipag halikan sa Hindi ko kilalang lalaki.

"Bat ka umiiyak?" Napatigil ang aking ina sa pakikipag halikan at tinaboy ang lalaking malagkit kung maka tingin sa akin.

"Ma" humahagulgul kong tawag sa kanya.

"Bat ka sabi umiiyak?!Ikaw bata ka , nag iinarte ka na naman!"

"Ma someone tried to harass me!" Pagsusumbong ko

"Ha?nagpapatawa ka ba? May babastos sayo?Haha" gulat niyang sabi ngunit tumatawa.

"Mama totoo po!! Hinawakan po yung legs ko!"

"Baka naman nilandi mo?Malandi ka pa naman" kindat ng kindat sa akin yung lalaki.

"Ma!Sa lahat ng taong magsasalita ng masama sakin ikaw ang pinaka huli kong inaasahan na magsasalita sakin ng ganyan!Pero Hindi!Dapat ikaw ang iintindi at pprotekta sakin pero Hindi mas  nauna ka pang manghusga!"

Napatakbo nalang ako sa kwarto dahil Hindi ko Kaya lahat ng sakit!Sa lahat ng huhusga saakin sarili ko pang ina ang nangunguna!Ang sakit isipin na wala akong kakampi..Si Ken may iba ng mahal , si mama Hindi naniniwala sakin . Ayoko naman mag kwento Kay papa dahil nasa malayo siya , ayoko siyang mag alala.

- - - - - - - - - - -

Dalawang araw na ang nakalilipas pero ramdam ko parin ang mga haplos niya . Nandidiri ako para sa sarili ko , Hindi ko man yun ginusto wala parin akong ginawa .

"Nak kumain ka na" pag aalok sakin ni mama nung nakita niya kong dumaan sa hapag kainan .

"Nagmamadali ako " pagpapalusot ko dahil nagtatampo parin ako sa kanya .

"Kain ka muna iha , dapat may laman ang tiyan mo pag pumapasok" napalingon ako sa nagsalita at nandun yung nobya ni mama na may pakindat kindat pang nalalaman habang malagkit akong tinitignan mula ulo ang hanggang paa..

"Practice lang namin , nga pala ma graduation namin sa susunod na linggo sana maka punta ka " Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at dali daling umalis sa bahay .

Habang naglalakad ako papuntang school napapalingon ako sa mga batang masayang naglalaro na akala mo walang iniisip sa mundo . Sana parati nalang akong bata para walang masyadong iniisip , walang problema parating masaya . May nakita pa kong masayang pamilya na naghahabulan , taya ang Tatay habang tumatakbo ang mag Ina . Parang kahit baliktarin ko ang isip ko , wala akong matandaan na ginawa namin yan . Sa lalim ng iniisip ko nagulat nalang ako na may yumakap sakin , napaiyak nalang ako sa takot sa pag aakalang yung lalaki o yung Matanda yung yumakap sakin .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Girl's Mask Where stories live. Discover now