4

1.2K 79 2
                                    

Pagkabalik ni Henry ng aming mga kabayo sa kwadra ay agad niya akong pinuntahan. He looked... pissed. I sat there at the coffee table with some refreshments na dala ng katulong.

Seeing Trevelyan must have really bothered him.

"Kung hindi lang kita kasama, dadagdagan ko ang galos ng Di Marcong iyon."

Napabuntong hininga ako. Masyado yata siyang sumasama kay Papa kaya nahahawaan na rin ng galit para sa mga Di Marco. "Baka talagang nalaglag lang sa kabayo niya, Henry. Tsaka, mukhang nagsasabi naman siya ng totoo."

"Kahit na. Sana ay iniba niya ang routa niya. Ang tapang niya rin para dumaan dito sa atin."

Sumimsim ako sa orange juice. "Hayaan mo na..."

Kumunot ang noo ni Henry, "bakit kilala ka niya? Kinakausap ka ba niya sa paaralan niyo? Iniistorbo?"

"H-ha?" I stuttered, damn it. "Hindi. Kilala niya lang siguro ako kasi.... isa lang kami ng iskwelahan."

Tumango naman si Henry. "Wag mong kakausapin ang lalakeng iyon. Kapag lumapit sa'yo, umiwas ka. Tsaka isumbong mo sa akin."

All of them demands me to stay away from Trevelyan Di Marco. Una, si Marc. Ngayon ay si Henry naman. Oo at takot ako sa kanya, but I don't see the reason why they hate him so much. O sadyang bulag lang ako sa mga nangyayari at hindi ko talaga siya tunay pang kilala?

Noong nagka salubong kami sa corridor ay hindi ko alam ang gagawin. May maliit na bandage sa kanyang noo. Nangingitim ang gilid ng kanyang mata at may maliit na pasa.

Sumipol ang kanyang mga kaibigan at tinahak ang hagdan sa kaliwa. Si Trevelyan ay naiwan doon na nakatingin sa akin. I had to look away because I was trembling. Nag umpisa akong lumakad pero hinarangan niya ako.

"Napakalaki pala ng plantasyon ninyo." He stated, like it was the first time he was ever in Hacienda Torillo.

"And I didn't know you can ride a horse. Hmm. You're good at taming the wild ones, eh? Kahit ang pinsan mo..."

My eyes shot up to look at him. Kahit may galos sa mukha...

"I'm pretty sure if we crossed paths alone, talagang susuntukin ako non." He sighed, "uuwi akong sugatan. Uuwi rin siyang bugbog sarado."

I shivered. An image of him and Henry fighting caused havoc in my system. Magaling rin makipag away si Henry, I've seen his bruises from picking up fights pero hindi ko pa alam anong kayang gawin ni Trevelyan. Nagpapasalamat akong naroon ako at kasama ni Henry.

"Huwag ka nang dadaan ulit doon." I told him. For his own good.

Trevelyan Di Marco raised an eyebrow. He crossed his arms on his chest. "Hindi ko sinasadya iyon. Nalaglag ako sa kabayo ko at iniwan ako."

I somehow believe him.. Pero kung kabayo niya nga ito ay dapat maamo ito sa kanya?

"Can't you tame your horse?" Hindi ko napigilang itanong. I heard Trevelyan Di Marco's laugh for the very first time.

"I can't even tame me, Torillo." Trevelyan snorted, "Anyway, I don't owe you an explanation. Kung hindi kayo naniniwala, pupwede niyong tanungin ang mga trabahador sa aming hacienda dahil hanggang ngayon, nawawala pa rin ang kabayo ko."

Nanlabi ako. Sigurado akong hindi siya ipagkakanlulo ng kanilang mga trabahador.

"Huwag ka nang dadaan ulit doon." pag uulit ko. "H-hindi gusto ng mga iyon na nakakakita ng Di Marco sa aming lupain, o sa malapit."

Tumaas ang kanyang isang kilay. Ngayon ko lang napansin na makapal pala talaga ang kanyang kilay at mahaba ang mga pilik mata. His eyelashes are even longer than mine!

The betrothed (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt