12

1.1K 50 6
                                    


Mabuti nga at naisipan ng principal na isali tayong mga juniors!” my classmate giggled. “Excited na ako para sa nalalapit na prom!”

Nakita ko ang pag ikot ng Mata ni Tori. I don't know why they had to include every high school, ano naman gagawin nating mga sophomores doon, aber?”

Last week pa noong mai announce ang tungkol sa prom at paunti until na nga rin ang pag umpisa ng dance practice, pero para lang iyon sa mga junior at senior.
Minsan nanunuod kami ng dance practice, napapangiti ako tuwing nasusulyapang sumasayaw si Trevelyan.

Paul is good dancer, mukhang enjoy siya sa kapares niya sa sayaw. Maganda rin ang kapares niya. Trevelyan most of the time is frowning, maganda naman ang kanyang partner, magaling rin sumayaw. This isn't really just his thing. Pakiramdam ko, annoyed siya. Pero gnagawa niya pa rin naman. It's not like he has a choice. Napahagikhik ako.

“Nakapag panahi ka na ng damit?”

Tumango ako kay Tori. “Noong isang araw, kinuhanan ako ng size ng sastre. Yun nga lang, hindi ko nakita ko anong design ang gagawin niya, pero isang ayon niya raw sa theme natin. Ikaw ba?”

“Hindi pa. Kung pwedeng hindi pumunta, talagang hindi ako dadalo. Bakit ba kasi may prom? Masyado pa tayong bata para sa prom prom na yan. I'm pretty sure we'll both get bored.” Victoria sighed, ang tingin at napadpad sa nagsasayaw na si Paul. “Di rin naman ako maisasayaw ni Paul.”

Napangiti ako. “Sabi ko na nga ba, gusto mo rin siya, eh!”

“It's not secret, I like him. Pero masyado pa talaga akong bata sa ganyan ganyan. Siguro kapag nasa fourth year na ako tapos sa college siya, kung talagang seryoso, baka pupwede naman... o depende. Baka mag bago pa isip ko. Baka sagutin ko rin siya kaagad.”

Masyadong seryoso mag isip si Tori. She thinks ahead and practically, parati ring ginagamit ang utak niya sa pag dedesisyon sa mga bagay. Well, she's the only heiress of their family. Kaya siguro bata pa siya ay tinuturuan ng maging wais at practical.

“Ikaw ba? Hindi ka pangarap na ikaw doon ang kasayaw ni Trevelyan?”

Napa isip ako sa sinabi niya.

I looked at him again, for more than a hundred times today already. The way the wind brushes his hair back will always send shivers down my spine, kahit pa sabihing bihira lang siyang ngumiti, I have always find him very appealing. Frowning or smiling, or half angry, he will always be beautiful to me.

Hawak ang kamay ng kapares niya ay umikot ito habang siya ay nakatayo at hinihintay na matapos ang stepping na iyon. Truth is, naliligayahan akong nakikitang Nakiki salamuha siya sa ibang babae, sa ka edad niya. I never dreamt of being that girl beside him. Hindi ko hiniling na magkakagusto siya sa akin balang araw. Whatever I feel for him, maybe this was platonic. He was my friend when nobody wanted to be friends with me. He didn't make me feel lonely, dahil nariyan siya.

I have accepted a long time ago that Trevelyan will never belong to a girl like me in any romantic way. He deserves someone that is of her age, someone he'd look good with, and someone that his parents would approve.

Kahit nga ang pagkakaibigan ko sa kanya ay parang krimen na sa aking pamilya, ano nalang kaya kung humigit pa roon?

Sayaw lang ang tanong sa akin ni Tori. But my mind advanced to his wedding day. I could vividly imagine it, in my mind, Trevelyan, with a stunning lady infront of the altar. He'd look so happy. And I will be there to support him, to be happy for him, too. And I'd thank God every day for our friendship.

Iling lang ang naging sagot ko kay Tori.

Isang midnight blue dress and ginawa ng sastre para sa akin. Nakita ko ang ilang libo na ibinayad sa kanya ni Henry bago ito umalis. Talagang Mahal nga iyon, kilalang mananahi ang gumawa ng aking damit at ang iba't iba tela ay galing pa sa maynila.

The betrothed (COMPLETED)Where stories live. Discover now