DREAM#27

340 21 0
                                    

"When two hearts collide, it is not the end of their love story but only the beginning of their journey TOGETHER." - Author

_MARI PADERNAL_

"Alam niyo ba 'to 'ma?!" galit na sigaw ni Kuya Cebi pagdating na pagdating namin sa bahay. Pagkatapos ng nangyari kanina ay kaagad niya akong hinila at pinasakay sa sasakyan at pinauwi. Pero ang ipinagtataka ko ay kung paano niya nalamang nandun ako? 

"Huminahon ka, Cebi! Nandun si Mari kasi nagtatrabaho siya doon." sagot sa kanya ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko. Mas lalo kong isiniksik ang sarili ko kay mama. Natatakot ako kay Kuya Cebi. Sa kanilang dalawa ni Kuya Loki, si kuya Cebi ang pinakakinatatakutan ko. Para siyang dragon kung magalit. Mas nakakatakot pa kay Papa.

Naningkit ang mga  mata niyang sinulyapan ako kaya mas lalo akong nagsumiksik kay mama.

"Trabaho? Bakit kasama mo ang lalaking yun?" tila hindi naniniwala niyang tanong sakin. 

"K-kuya--"

"Sagutin mo ako, Mari. Bakit magkasama kayo ng lalaking yun?!" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa sigaw ni kuya. Nanginginig ang mga labi ko at pilit na hinanap ang boses ko para sagutin siya.

"D-dahil siya ang trabaho ko kuya. Siya ang taong kailangan kong sulatan ng article para sa isang magazine." 

"Layuan mo ang lalaking yun, Mari. Sinasabi ko sayo, layuan mo siya." bigla akong nakaramdam ng kurot sa puso ko dahil sa sinabi ni Kuya. 

"W-wala naman siyang ginagawang masama sakin kuya." mahinang saad ko. Napapikit ako ng mariin ng muling sumigaw si Kuya.

"Wala?! Anong wala?! Nang dahil sa lalaking yun, muntik ka ng mamatay!"

"Cebi!" galit na suway sa kanya ni mama. Hindi ko napigilang mapatayo. Ikinuyom ko ang nanginginig kong mga kamao at lakas-loob na sinalubong ang nagbabagang tingin ni Kuya Cebi.

"Pero nang dahil sakin, nakulong siya kuya!" nanginginig kong sagot sa kanya.

"Oh my God! Cebi, is that true?!" gulantang na tanong ni mama kay kuya.

"Nang dahil sa pagkakamali ko, inako niya ang kasalanang hindi naman niya ginawa. Nang dahil sakin, ilang taon siyang nagdusa. Samantalang ako, ni walang maalala sa pangyayaring yun. Sabihin mo kuya, bakit tinago niyo sakin ni Kuya Loki yun? Bakit?" hindi ko napigilang itanong sa kanya. Wala naman talagang kasalanan si Sherson pero bakit sobra-sobra na lang ang galit nila sa kanya? 

"Dahil ang pinakaayaw namin sa lahat ni Kuya Loki ay ang masaktan at mapahamak ka! Kapatid ka namin, Mari! Gusto lang kitang protektahan!"

"Malaki na ako, Kuya at unti-unti ng bumabalik ang mga alaala ko. Alam ko kung ano ang tama at mali. Kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko!"

"Tumigil ka!" sigaw sakin ni Kuya dahilan na mas sunud-sunod na magsibagsakan ang mga luha ko. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang dumating sina Papa at Kuya Loki kasama si Ate Mina.

"Anong nangyayari dito? Cebi, bakit mo sinisigawan ang kapatid mo?" puno ng awtoridad na tanong ni Papa kay Kuya Cebi. 

"Mahal ko siya Kuya." lakas-loob kong saad kay Kuya dahilan na mas lalong dumilim ang mukha niya. 

"Sinabi ng tumigil ka eh! Anong alam mo sa pagmamahal ha?!" 

"CEBI!" galit na tawag sa kanya ni Papa.

"Cara, samahan mo si Mari sa kwarto niya." utos yun ni Papa kay Mama. Kaagad naman akong inalo ni Mama at sinamahang pumunta sa kwarto ko. 

"Bakit ganun si Kuya Cebi 'ma? Bakit ganun na lang ang galit niya kay Sherson? May kasalanan din naman ako ah." alam kong pinoprotektahan lang ako ng mga kapatid ko pero hindi ba pwedeng ako naman ang magdesisyon para sa sarili ko? 

"Ganun talaga anak. Lalo na at nag-iisang babae ka at bunso sa pamilya natin. Ayaw ka lang nilang masaktan." paliwanag sa akin ni Mama habang paulit-ulit na hinaplos ang buhok ko.

"Ma..." 

"Yes, bunso?"

"Mahal ko po siya." pag-aamin ko. Naramdaman kong natigilan si mama at maya-maya ay bununtong hininga. Akala ko ay pati siya ay magagalit pero kabaliktaran ang naging reaksyon niya. Ngumiti siya sakin ng sobrang tamis at hinaplos ang pisngi ko.

"Matagal ko ng alam, anak." natigilan ako sa sinabi ni Mama. Unti-unting umawang ang labi ko habang nakatingin pa rin sa kanya na nakangiti pa rin.

"Nakalimutan mo man ang ibang alaalang nakasama mo siya, makikilala pa rin naman siya ng puso mo. Kaya hindi na ako nagtataka kung hanggang ngayon ay mahal mo pa rin siya." inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko at inabot ang magkabilang kamay ko. Hinawakan niya yun ng mahigpit na para bang pinaparamdam niya sakin na kahit anong mangyari ay susuportahan niya pa rin ako sa kung anong magiging desisyon ko.

"Mama." hindi ko mapigilang humikbi at mapayakap kay Mama na kaagad din niyang tinugon.

"Parang gusto kong magtampo sayo, alam mo ba yun? Hindi mo sinabi sa akin na siya pala ang taong i-iinterviewin mo." kahit papaano ay napangiti ako ng makitang sumimangot pa talaga si mama na parang nagtatampo siya sa akin pero alam ko namang nagbibiro lang siya.

"Hindi ko naman po kasi alam na siya yun eh. Nalaman ko na lang nung nagkaharap na kami. At alam mo ba 'ma, sobrang lakas ng kabog ng puso ko ng makita ko siya. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Pero tama po kayo, Nakalimutan ko man siya pero kilalang-kilala pa rin siya ng puso ko."

"Ngayong naaalala ko na siya, parang pinaglalayo naman kami ng tadhana." malungkot na saad ko. Biglang umismid si mama dahilan na mapatingin ako sa kanya.

"Hindi tadhana ang Kuya mo, anak. Isa lang siyang dakilang bitter." hindi ko mapigilang  matawa dahil sa sinabi ni Mama. 

"Huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat. Ang kailangan mo lang gawin ay ipaglaban yang nararamdaman mo para sa lalaking mahal mo." pagpupush pa niya sakin.

"So, dakilang prisoner ka na ngayon dito sa kwarto mo?" hindi makapaniwalang saad ni Jinny habang nakatayo sa harap ko at nakapamewang. 

"Alam mo, mas OA pa yang Kuya Cebi mo kaysa kay Kuya Loki na pinakamatanda sa inyo at Kay Tito Marlon. Nakakaloka siya! Pati cellphone at laptop mo di na pinalampas! Ganun ba talaga ang galit niya kay Sherson?!" sumampa siya sa kama ko habang nakabusangot pa rin ang mukha. 

"And take note! Pati yung samin, ipinagbabawal niyang dalhin dito sa kwarto mo. Geez, Mari! What kind of brother do you have?!" komento pa ni Charm habang yakap-yakap ang isang unan ko. Napabuntong hininga naman ako. Maging ako kasi ay nawiweirduhan na rin sa mga pinaggagawa ni Kuya Cebi. Minsan napapa-isip ako kung ano ba talagang trabaho ang pinapasok niya at ganun siya kung mag-isip.

Muling tumayo si Jinny at naglakad papunta sa bintana na meron ang kwarto ko at sumilip sa labas bago muli kaming hinarap ni Charm.

"Hindi na ako magtataka kung any minute soon ay magpapalagay siya electric wire sa labas ng bintana mo para hindi ka pasukin ng kahit sino." napangiwi ako sa sinabi ni Jinny.

"Umayos ka nga. Alam kong sobrang OA na ni Kuya Cebi pero sigurado akong hinding-hindi niya gagawin yun." sabi ko sa kanya. Muli na naman siyang naglakad and this time, papunta na sa cabinet ko at nangalkal ng kung ano doon.

"Try mo kayang tumakas." pareho kaming napalingon ni Jinny kay Charm dahil sa sinuggest niya. May mapaglarong ngiti sa mga labi nito at kumikinang pa ang mga mata na para bang nakaisip siya ng isang napakagandang ideya.

"Don't worry, we'll help you." desidido pa niyang sabi.

"No freaking way! I'm definitely out in that plan! Ayokong makatay ng kapatid niya!" bulalas ni Jinny. Napatingin naman ako sa hawak niya ngayon. An idea passes by in my mind. Isa-isa ko silang tinapunan ng tingin.

"Please help me with this." pakiusap ko sa kanila.

[A/N: Last na lang talaga.]

Yesterday's Dream [Completed]Where stories live. Discover now