chapter 31

6.4K 139 9
                                    

Jho Pov"

Pero maiba tayo,pwede ba pakitanggal ng glasses na suot mo?"request ni den tumango naman si deanna at akmang tatangalin ang suot nyang glasses ng biglang...

pumasok sila bea at aly kaya di na natuloy ni deanna ang pag alis nya ng glasses nya kaya puro reklamo ng teammates ko ang maririnig sa dorm..

Ano ba yan,wrong timing naman kayo aly at bea eh"inis na maktol ni ponggay na syang atat na makita si deanna na walang suot na salamin.

Oh bakit ba?ano namang kasalanan namin eh kapapasok nga lang naming dalawa ni aly?"takang tanong ni bea kay ponggay,napatingin naman ako sa side ni deanna at nakita ko syang nakangisi ng palihim,

Ang sama naman kasi ng timing nyo eh, makikita na sana namin si deans na walang suot na glasses"reklamong sagot naman ni mich,napatingin naman sila aly at bea kay deanna at nakita kong parang nag uusap sila gamit ang tingin,

Oh ang malas nyo naman,sorry ah haha pero ehem jema pwede bang hiramin muna namin si deanna sayo promise ibabalik namin sya ng buo"baling ni bea kay jema after nya humingi ng sorry sa nagmamaktol naming ka teammates,tumango naman si jema sa kanila at lumayo ng kunti kay deanna,

Wag mo kong ma miss huh,babalik agad ako"mayabang na sabi ni deanna at nag smack kay jema kahit pa nakatingin kaming lahat sa kanilang dalawa bago sumunod kila aly papuntang rooftop ng dorm dun siguro sila mag uusap.Pagka alis nila si jema naman ang kinulit namin,lagot tong bruha dahil di kami papayag na walang makuhang matinong sagot galing sa kanya tungkol sa naabutan namin kanina,

(Habang busy naman ang iba na tanungin si jema may bulinggit na pasimpleng umalis at sumunod kila aly sa rooftop,alam nyo na kung sino yun dahil sya lang naman ang bulinggit sa team maliban kay dennise.)

back to jho pov"

Agad kaming lumapit kay jema kaya nagtaka sya,

Oh bakit ba kayo nagsisiksikan dito sa tabi ko?ang sikip na nga eh"reklamong tanong nya samin,

Hoy bruha kanina nga wala kang reklamo kahit pa parang ahas kang nakalingkis kay deanna"sagot ko sa kanya kaya agad nya akong binatukan samantalang yun iba natawa dahil sa sinabi ko,

Explain!!"seryosong utos ni den sa kanya,then kinuwento nya lahat samin,nagulat naman kami ng sabihin nyang si deanna pala ang tunay nyang savior,

Wow kasama lang pala natin ang matagal mo ng hinahanap"sabi ni maddie pagkatapos ni jema magkwento,

Bilib din ako sayo jems kasi napatawad mo agad si jaycel sa ginawa nyang panloloko sayo"sabi naman ni den,

Pero mas bilib ako kay deanna kasi nagawa nyang magparaya para sa safety ng pinsan nya at girlfriend ng pinsan nya"sabi ko rin,tumango naman silang lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ko,sinabi rin kasi ni jema na mag pinsan sila deanna at jaycel kaya pala napansin namin na may pagkakapareho sila sa galaw at pati na rin sa pananalita.

Pero jema ano kasi itsura ni deans kanina na wala syang suot na glasses?"pangungulit ni ponggay kay jema,di pala to nakaka move on sa kanina eh,

Hoy ponggay kanina ko pa napapansin na atat na atat ka na makita si deanna ko na walang disguise may pagnanasa ka ba sa kanya?"mataray na tanong ni jema kay ponggay,at talaga namang inangkin na nya si deanna huh,

Grabe ka naman makapang bintang jema,curios lang ako sa itsura ni deans"dahilan ni ponggay sa kanya,

Naniniguro lang!alam nyo namang ayaw ko ng may kaagaw sa kung anong akin"seryosong sabi nya,eto ang kilala naming jema possisive at ayaw ng may kahati,napatango naman kaming lahat sa kanya...

-------------------------------

Deanna Pov"

Nababaliw ka na ba?"inis na tanong sakin ni aly pagdating namin sa rooftop,

Bakit?"takang tanong ko sa kanya,

Anong bakit?hoy kung hindi kami dumating ni bea,siguradong buking na nila tayo"inis nyang sagot sakin,napangisi naman ako dahil sa kanya,

Akala ko pa naman dahil sa tagal nating magkakasama you know me very well tsk tsk"naiiling kong sabi,mukhang naintindihan naman nya ang ibig kong sabihin kaya napangiti na lang sya,

Haha nakalimutan ko na sating tatlo ikaw pala ang madaling maka ramdam"natatawa nyang sabi,

Deans nagsisimula na sila"seryosong sabi ni ate bei kaya napatingin ako sa kanya,lahat kaming tatlo may mata sa kampo ng kalaban namin kaya alam namin ang galaw nila,

I dont care"baliwala kong sagot sa kanya,

Yan ang mahirap sayo eh,parang wala kang paki alam,deans hindi na sila tulad ng dati na mahina at kayang kaya nila tayong tapusin kung magiging ganyan ka lagi"inis nyang sabi sakin,

Can you just trust me ate bei!!!di ako tatayo lang dito kung wala akong plano"malamig kong sabi sa kanya,napatahimik lang sya dahil pag ganito ako alam nyang wala syang magagawa,

Pano naman kami deans?di ba kami kasali jan sa plano mo?"nagtatampong tanong sakin ni ate ly kaya napahinga ako ng malalim bago sumagot sa kanya,

Tsk di ba kayo maka paghintay na sabihin ko sa inyo?masyado kasi kayong atat eh"inis kong sabi sa kanila,then yun sinabi ko sa kanila lahat ng plano ko mukhang na satisfy naman sila.Habang nag uusap kami may naramdaman akong ibang tao maliban saming tatlo kaya napailing ako dahil sa bulinggit na nakikinig samin.

Tss ate ella lumabas ka na nga jan"sabi ko nagulat naman sya ng mabuking ko sya tss.

Alah deans pilit ko na ngang sinisiksik ang katawan ko makatago lang tapos alam mo pala na nakikinig ako may lahi ka bang aswang?"tanong nya sakin pagkalapit tss sa gwapo kong to napagkamalan nyang aswang,,

Hahaha buti naman naitago mo yang katawan mo ells,sa laki mong yan hahaha"pang aasar ni ate ly sa kanya,kaya agad syang napasimangot,

Kanina ka pa ba jan?"tanong ni ate bei kay ate ella,

Hihi oo pero di ko masyadong narinig ang kwento ni deans''sagot naman ni ate ella sa kanya,napangisi naman ako dahil sa sinabi nya,pabulong ko kasing sinabi kila ate bei ang plano ko dahil alam kong may nakikinig samin.

Ikaw talaga!baka hinahanap ka sa baba at magtaka sila pag nakita nilang kasama ka namin"sabi ni ate ly sa kanya,

Eh di mauuna akong bumaba"sagot lang sa kanya ni ate ella,

Bukas na ang start ng UAAP at malalaman na nila kung sino talaga kayo"sabi nya ulit samin,nagkatinginan naman kaming tatlo dahil sa sinabi nya.

Hindi pa ells,hayaan na muna natin na mahina ang tingin nila saming tatlo!sagot ni ate ly sa kanila,napailing naman sya at nagsimulang maglakad paalis,

Okay,may tiwala naman ako sa inyo kaya sumunod na lang kayo sakin pababa dahil sigurado ako na naiinip na ang mga reyna nyo kakahintay sa inyong tatlo"huling sabi nya bago tuluyang lumabas,after 15 minutes bumaba na rin kami at naabutan silang.....







--------------------------






Hihi bitin ulit?wait for the next ud..

NERDY BILLIONAIRESWhere stories live. Discover now