Prologue

64 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" KYAHHHH!!! OH MY GOSH! I LOVE YOU OWEN!!!!! "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" KYAHHHH!!! OH MY GOSH! I LOVE YOU OWEN!!!!! "

" OH MY! OH MY!!! KYAHHHHH "

" ANAKAN MO KO !!!! "

" FVCK I'M DYIN' MY GOSH! LET ME BREATHE! OH MY GOSH "

" KY-----"

parang nabunutan ng tutuli yung tenga ko nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng van at hindi na narinig ang sigaw at tilian ng mga taga hanga ko.

" you can now rest owen, i know you're tired " sabi ni Keira nang makaupo sya sa passenger seat.

napabuntong hininga na lang ako, sa wakas at makakapag pahinga na rin ako. i badly need it dahil ilang araw na akong walang maayos na tulog dahil sa overloaded na schedule ko para sa promotion ng bagong teleserye at sa mga shooting for endorsement.

" grabe yung mga fans mo no? minsan hindi na tama yung ginagawa nila e, tulad nung nakaraan bigla ka na la----"

" shut up drake, alam mo naman na ayaw na niyang marinig ang tungkol dyan. and beside sinampahan ko na ng kaso ang babaeng yun " napakunot ang noo ko nang narinig ko ang sinabi na yun ni keisha

" what? sinampahan mo sya ng kaso? " salubong ang kilay na tanung ko sakanya.

bumaling naman sya saken na nandito sa back seat ng van, she's wearing a confuse look " what? ano bang inaasahan mong gagawin ko sa babaeng yun? she harassed my artist that's why i file a case " paliwanag nya na para bang ang tanga ko para hindi maisip na tama lang yung ginawa nya.

" iatras mo yung kaso " walang ganang sabi ko saka muling isinandal ang ulo ko sa headrest ng inuupuan ko at pumikit

" why? wag mong sabihin na naaaawa ka sa babaeng yun? " tanung nya

" hindi sa naaawa ako sakanya, she's still my fan that's why " walang ganang sabi ko. ni hindi ko na idinilt ang mga mata ko para tingnan sya

" hindi ka pa rin talaga nagbabago, you still love every single one of your fans " kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangiti sya. hindi na ko nagsalita pa dahil ayokong humaba pa ang usapan, i'm too tired for that.

at yung sinabi nyang hindi pa rin ako nagbabago, well totoo naman yun, i still love every single one of my fans dahil sila ang bumuo ng pangarap ko, dahil sakanila kung bakit narating ko ngayon ang kinalalagyan ko, kahit na kadalasan sa sobrang kagustuhan nilang malapitan at mahawakan ako ay nakakagawa na sila ng hindi maganda at labag sa loob ko pero kahit ganun, hindi ko kayang makitang makasuhan o masaktan sila.

nagising ako na nakahinto na pala yung van na sinasakyan ko and luckily nasa tapat na ito ng bahay ko.

" bakit hindi nyo ko ginising? " tanung ko. napansin ko kasi na mukhang kanina pa kami nakarating dito sa tapat ng bahay pero hindi man lang nila ko ginising.

" ang sarap kasi ng idlip mo kaya hindi ka na namin ginising " sagot ni drake

" tss. ewan ko sayo, e dyan ba sa isa na yan hindi ka na awa? she also needs to rest " sabi ko sakanya habang nakanguso sa babaeng mahimbing na natutulog sa passengy seat.

" ako na rin maghahatid sakanya, Don't worry " nakangiting sabi ni drake

" sige. dito na ko, thank you, we all did a great job today " sabi ko sakanya bago tuluyang lumabas ng van at pumasok na sa gate ng bahay ko.

oo bahay ko at may gate, it means bahay talaga to not a condo unit like others, i'm not fan of that that's why. at isa pa pwede ko kasi syang i-extend unlike kung sa condo unit ako nakatira hindi ko magagawa yun.

i typed my password in front door at nang bumukas ito ay wala ng kahit na ano pang ritwal akong ginawa at pumasok sa loob ng bahay.

nang maiayos ko na ang sapatos ko sa shoe rack at maisabit ang coat na suot ko ay tinahak ko na kung nasaan ang hagdan paakyat sa kwarto ko.

binagsak ko ang hapo at pagod kong katawan sa malaki at malambot kong kama na maya-maya ay hinila na rin ako para matulog.

nagising ako dahil sa kung sino mang nagdo-doorbell sa gate ng bahay ko. " darn it, sino ba yun? " inis na tanung ko sa sarili ko pero hindi ko na lang din pinansin dahil siguradong titigil din naman ito kapag hindi ako nag-response.

ilang minuto ay nakatulog na ako pero nagising ulit ako nang sunod-sunod na umalingawngaw ang tunog ng doorbell sa buong bahay ko.

" what the----" i hissed. inis na kinuha ko ang cellphone sa side table para tingnan ang oras at mas napamura ako nang makita kong alas tres pa lang ng madaling araw.

" argh! andyan na! " sigaw ko kahit alam ko namang hindi yun maririnig ng kung sino mang tao sa labas nang sunod-sunod ulit itong nag-doorbell.

nang makalabas ako ng kwarto ay bumaba na ko sa hagdan saka tinungo ang pinto ng bahay habang inis na napapamura dahil natigil ang magandang tulog ko.

nang makarating ako sa pinto ay tiningnan ko sa maliit na LED screen kung sino ba yung nasa labas. napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang bata na pilit na inaabot ang doorbell gamit ang payong na dala nya, seriously? bakit may bata sa tapat ng bahay ko?

i press the call button na syang kumokonekta sa speaker na nasa gilid ng gate ng bahay " bata, umuwi ka na sa bahay nyo, i don't have time for your jokes " kahit inis ay pinilit ko ang sarili ko na kalmadong magsalita dahil bata yung nasa gate.

akma na sana akong maglalakad palayo nang muli na namang nag-doorbell yung bata kaya inis na binalingan ko na naman ang maliit na screen.

' ano bang gusto nito? ' tanung ko sa sarili ko habang matiim lang na nakatingin sa batang wala pa ring tigil na pinipindot ang doorbell gamit ang payong nya. tsk mukhang wala na kong magagawa kundi labasin ang kutong lupa na to ah.

binuksan ko na yung pinto saka tinungo yung maliit na pinto ng gate. tatlong beses muna akong bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko bago ko iyon tuluyang buksan at bumungad saken ang isang...

isang bata na nakasuot ng kulay dilaw na jacket na masyadong malaki ang sukat para sakanya, black pair of shorts, kulay purple na sumbrero na may nakalagay na ' i purple you ' sa unahan, timberland na sapatos at BT21 na mask yung toto ata to? I don't know basta yung pula, may dala rin syang bag na akala mo ay magca-camping sya, at yung payong na kanina nya pa ginagamit para pindutin ang doorbell ay BT21 din.

" hey kiddo wh-----" hindi ko natuloy ang plano ko sanang itanung sakanya dahil bigla na lang syang ngumiti at sinabing...

" Hello daddy " na talagang ikinahinto ng pag-ikot ng mundo ko. Daddy?! ako?!

 Daddy?! ako?!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hello DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon