Chapter 2: DNA

16 1 0
                                    

Third person.

" oo.. ayos na sya... mabuti nga e.. salamat hyung " sabi ni Aysun sa kaibigan na si Jin na nasa kabilang linya ng telepono

" Papa? " nanghihinang tawag ng batang si Damon na nakahiga ngayon sa hospital bed habang may nakakabit na swero sa braso nito.

" sige kuys baba ko na.. gising na si Damon e.. mamaya na lang.. bye " agad na pinutol ni Aysun yung tawag at patakbong naupo sa upuan na nasa gilid ng kama ng anak " hey.. how are you feeling? nagugutom ka ba? gusto mo bang pagbalatan kita ng apple? " tanung nya sa anak habang marahan na hinihimas ang braso nito.

" where's daddy? " nanghihinang tanung nito.

parang gusto na naman umiyak ni Aysun sa narinig sa anak, gusto nyang umiyak dahil sa nararamdamang lungkot para rito at galit para sa walang kwentang ama nito.

" he's busy baby.. he can't make it here " pagsisinungaling nya sa anak. gusto man yang sabihin sa anak na ayaw syang tanggapin ng sarili nitong ama ay hindi nya magawa. hindi nya kasi na manira ng ibang tao at isa pa, ayaw nya rin na mas masaktan pa ang anak nya

" he didn't mean it " napakunot ang noo ni Aysun nang marinig ang sinabi ng anak. hinawakan nito ang kamay nya at ngumiti " he didn't mean it pa... he's just shook.. he didn't expect me to come that's why he freaked out " sabi nito.

ang magaling nitong ama kahit na halata naman na hindi sya nito gusto.

" papa please don't get mad at him.. i know someday he will recognize me as his son... let's just wait eh? " mahinang sabi ng anak nya. humiwalay ito sa pagkakayakap nya at nakangiting pinunasan ang luha nya " Damon will be sad if papa is sad.. " naka-pout na sabi nito habang patuloy na pinupunasan ng maliit nitong kamay ang mukha nya na basa ng luha.

sinakop ng dalawang kamay ni Aysun ang mukha ng anak saka ito binigyan ng halik sa noo. pinagdikit nya ang noo nilang dalawa " I'm always here for you baby... papa is always here yeah? " nakangiting sabi ni lola sa anak

nakangiting tumango naman ang bata " i love you papa " bulong nito

" i loveyou most baby " sabi nya din sa anak at pinag-kiskis ang mga ilong nilang magkalapat. He's lucky dahil matalino ang anak nya. kahit na bata pa lang ito ay naiintindihan na nito kung anong klaseng sitwasyon ang meron sila. kung sya ang tatanungin, hindi nya na hihilingin pang makilala ng anak nya ang tunay na ama nito, pero hindi nya kayang nakita ang anak na nalulubgkot dahil hindi nito kilala ang ama.

Ginawa ni Aysun ang lahat para hindi maramdaman ni Damon na kulang sya. Mula nang pumanaw ang nanay nito nang ipanganak ang bata ay si Aysun na ang tumayong tunay na ama sa pamangkin nya. Pero hindi pala talaga sapat yun, dahil nang aksidenteng makita ni Damon ang litratong nakaipit sa lumang wallet ng namayapa nitong ina, paulit-ulit na nitong tinatanong si Aysun tungkol dito kaya naman sa huli ay hinayaan nya ng magkakilala ang dalawa pero ngayon, matapos ang nangyare, mukhang hindi nya talaga kayang ipagkatiwala ang anak sa sarili nitong ama.

Owen.

" what happen? paano nangyare yun? tsaka are you sure na hindi mo ba talag----" hindi ko na hinayaan pang matapos ni keira yung sasabihin nya

" ano ba? sinabi ko na nga di ba? hindi ko anak yung bata, wala namang bago sa ganitong issue e. hindi first time nangyare to kei... we just need to release an official statement about this issue " paliwanag ko

napabuntong hininga naman si keira at naupo sa single sofa na nandito sa sala ng bahay ko. namomroblema kami ngayon dahil nalaman na ng publiko ang nangyare at ang issue na may anak ako. wala namang nakaalam nung nangyare sa hospital, sadyang nakakuha lang ng litrato ko na bitbit yung bata. at talagang kumbinsido yung karamihan na anak ko yun dahil alang-alala daw ako. the hell di ba? sino namang hindi mag-aalala kung may batang nag-50/50 sa tapat ng gate mo.

Hello DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon